Chapter 14

14 1 0
                                    

"Bea!" rinig kong tawag ni Alyssa sa pinsan kong naghihintay sa akin sa labas

It's been 2 weeks since tita has given the permission to go home. Dalawang linggo na din ang nagdaan simula nung araw nung nasa condo ako ni Oliver

Ang sabi ni Triz ay nagbakasyon daw ang pamilya ni Oliver at Lucas. Nagkataon lang daw, at katapos non ay mag eenroll na sila sa next semester. Omg!

Masaya ako. Sino ba naman ang di masaya kung palaging kasama si crush diba. Pero alam kong di rin to magtatagal

I'm sure masasaktan lang ako kapag ipinagpatuloy ko ito. I mean walang patutunguhan ang nararamdaman kong ito kung iba naman pala ang tinitibok ng taong gusto ko

Lumabas na ako ng matapos kung ilagay ang mga kakailanganin para sa plates. Ng nasa labas ako ay narinig kong may pinag uusapan si Alyssa at Beatriz

"Tomorrow's my birthday pero yung celebration ay sa saturday pa. You and Ava should go. I'll give you the invitation nalang para makapasok sa loob" rinig kong sabi ni Aly

Lumapit ako at tinapik ang braso ni Beatriz. Agad naman nila akong nilingon at nginitian ni Alyssa

"You tell her nalang Beatriz ah" at tumalikod na siya

"Ano yon?" kunwareng di ko alam

"Birthday daw niya bukas pero sa sabado nalang niya i cecelebrate. Invited daw tayo" aniya

Tumango tango ako at naglakad. Agad naman siyang sumunod

Nasa gate na kami ng maakit ng mata ko si Hannah na may kausap sa telepono

"Are you in the airport already?" rinig kong tanong niya sa kausap

"I'll text you when I get there, Oli" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya!

Oli? Nakauwi na kaya sila? Bat hindi sinabi sa akin ni Triz? I mean di naman kailangan pero, urghh wag nalang

May kung anong karayom na tumusok sa dibdib ko. It hurts, it really hurts

Alam kong may namamagitan pa sa kanilang dalawa. Pero sana nalaman ko ng mas maaga para di na umabot ng ganito

"Kailan ba uwi nila Lucas, Triz?" wala sa sarili kong tanong ng nasa sasakyan na nila kami

"Sa sunday pa" aniya sabay baling sa cellphone

Hindi na ako sumagot at dinungaw ang tanawin sa labas. May mga taong nag aantay ng dyip at may mga estudaynteng naglalakad din

Maya maya pa ay nasa bahay na ako. Agad naman akong sinalubong ni Koochie ng tahol.  Sa sobrang pagod ko ay umakyat ako at umidlip

Nagising lang ako ng may kumatok sa pintuan

"Sorry to wake you up, Anak. Pero may nag aantay sayo sa baba. Sabi niya ay mag didinner daw kayo" may halong ngiting sabi ni Mama

"Sino iyon, Ma?" Humihikab kong tanong

"Smith" sagot niya

What? Smith?

Oliver? Omg!!! Am I dreaming? Kung oo, please mamaya na ako gisingin

Kinurot ko ang aking pisngi upang tignan kong nanaginip lang ako. Pero ng maramdaman ko ang sakit ay agad akong ngumisi

"Sige ho, Ma" sabi ko at sinarado ang pintuan

I run towards my cabinet and search for clothes. There I saw a off shoulder dress. Fit iyon sa akin. Ginagamit ko lang ito tuwing may okasyon pero since Oliver is with me, kailangan kong mag ayos!

Still The One (ONGOING)Where stories live. Discover now