Chapter 20

5 0 0
                                    

"Ang ganda talaga ng anak niyo, Mr. and Mrs. Suarez" ani ng make up artist

It's been months since Oli and I dated. Daddy and Mama knows it. Hindi sila nagalit and yet, they supported me. Today's the day. The day that I've been waiting for

My 18th birthday

Ngayon ko lang napagtantong napaka bilis ng panahon. I'll be graduating this year and I can't wait to hold my diploma and show it to the whole world. Isa nga naman ata ako sa mga swerteng taong pinagpala ng panginoon

"Anak, ready kana ba?" Mama asked

Tumango ako bilang pag sang ayon. Nasa isang five star hotel ako nag celebrate. Kaya naman't ang ibang business partner ni Daddy ay narito and of course, ang mga Smith

"Ladies and gentlemen, let us welcome the debutant" rinig kong ani ng emcee

Binukas ang malaking double door na nasa harapan ko. Palakpakan ang aking narinig sa oras na pagtapak ko ng red carpet. Kaliwat kanan ang batian ng Happy Birthday. Ngisi nalang ang iginawad ko sa kanila

Now playing: Nothin' On You - Bruno Mars (Slowed + Reverb)

Ang bawat hakbang ko ay siyang pag tunog ng musika. Habang papalapit ako sa aking kinauupuan ay nakita ko ang mga Smith. Ngiti ang iginawad ni Tita Laviste sa akin. Ngumiti ako at bumaling sa kay Tito William, kaagad naman siyang ngumiti at nag greet Happy Birthday. Kaagad naman akong nalungkot ng makitang wala si Jacobi. Eighteen roses pa naman siya. Sayang

Umamin kasi siyang gusto niya ako at nasabi kong magkarelasyon kami ni Oli. Nagalit ata siya sa akin

Ipinako ko ang mata ko sa MOKONG na iyon. He was looking at me like I was the only precious thing in this world. O baka namamalik mata lang ako

He then smiled at me and murmurred "Happy Birthday, I love you"

I murmurred back and said "Thank you. I love you more"

Inalalayan ako ni Daddy na maupo. Malaki kasi ang gown ko kayat nahihirapan akong maupo

Pinakain na ang lahat at ako din ay kumain na. May isang table sa harap ko ng akin lang. Dinungaw ko ang kabuuan ng silid

Ang daming tao. Hindi mabilang gamit ang iyong mga mata o daliri

"Mauuna ang Daddy sa pagsayaw sa kanyang dalagita" ani ng emcee

Now playing: Dance With My Father - Luther Vandross

Hinawakan na ni Daddy ang beywang ko at nagsimula ng isayaw. I can't help but to cry. Naging emosyonal sa akin ang moment na ito lalo nat si Daddy ang kaharap ko

"Happy birthday, Anak" panimula niya habang nasa balikat niya ako at humahagulhol

"I know you know how much I love you. The first day you were born, I don't know how much I was happy that time" aniya na nagpaiyak sa akin

Dumagdag pa yung kanta, punyeta!

Matapos akong isayaw ni Daddy ay isinayaw pa ako ng aking mga pinsan

"Jacobi Smith" tawag ng emcee

Malungkot akong ngumiti kasi alam kong wala si Jacobi. Jacobi is a good friend pero hindi ata sapat ang rason ko para makipagkaibigan sa kanya

"Wala ba?" tanong ng emcee at bumaling sa pamilyang Smith

"Ah, there you go" masayang ani ng emcee

Gulat ako ng makita si Jacobi sa may pintuan at hawak ang isang rosas. He looks good in his blue suit. May namuong luha sa gilid ng mata ko. Binitawa na ako ni Elmers at kinuha ni Jacobi ang kamay ko

Still The One (ONGOING)Where stories live. Discover now