Chapter 9

26 1 0
                                    

"San ka galing anak? Wala bang pasok?" tanong ni Mama sakin ng makarating ako ng bahay

"Wala po Ma nag preprepare kasi yung mga prof namin kaya pinauwi nalang kami at pumunta mo na akong mall" ani ko sabay mano sa kanya. Hinalikan ko din ang kanyang pisngi at naupo sa sofa at pinikit ang aking mga mata

"Bat di ka nagpasundo kay kuya Bert mo?" Marahan kong ibinukas ang aking mga mata at tiningnan si Mama

"Kasama ko naman ho si Beatriz ma" ani ko "At isa pa Ma, malaki na ako ma. Mag eeighteen nako next year oh"

Nagpaalam na mo na ako kay Mama na magpapahinga lang ako saglit. Pagod na pagod ako ngayong araw kahit wala naman akong ginawang ikakapagod ko

Nahiga ako at nagpalit nalang ng shorts at maluwag na shirt. Nag shoshorts lang ako kapag nasa bahay. Ang kaninang baon na ibinigay ni Daddy ay hinulog ko sa aking maliit na alkansiya. Kapag kasi napuno iyon ay ilalagay ko sa bangko. Every month akong naglalagay ng savings ko sa bank. Minsan umaabot ng 4000 every month at ang pinakamalaki naman ay 7000. Ibig sabihin non ay di na ako kumakain. De joke lang

Syempre minsan pag may ibabaong kanin at ulam ay dinadala ko na. Sayang naman eh makakapagtipid pa ako. Balak ko kasing bumili ng kotse kaya nag iipon din ako. Ang sabi ni Daddy ay bibilhan niya nalang ako at tumanggi ako don

Ang dami ng nabili sakin ni Daddy at sapat na yon para sa akin. Kuntento na ako sa kung ano ang mayroon ako ngayon

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakatulog na kaagad ako. Marahan ay dahil sa pagod. Maaga din akong nagising kanina kaya 0 percent energy nalang ang natitira saken

Nagising lang ako ng mag ring ang cellphone ko. Inis kong sinagot iyon

"Hello!!" malakas na sigaw ko dito

"Sigaw sigaw mo diyan!" Nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses ni Oliver!

"Eh gago kaba natutulog yung tao tapos tatawag ka?" nanlaki na naman ang boses ko

"Aba malay ko bang natutulog ka? Isa pa wake up lazy girl, it's 7pm in the evening"

WHAAAAAAAT???

Alas dose akong natulog dito sa bahay so ibig sabihin?? pitong oras ang tinulog ko?

"Eh ano naman ngayon kung alas siyete na pala?" kunwaring di gulat kong tanong sa kanya

"I just wanna check if naka uwi ka ba ng safe" seryosong ani nito

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Baka nagtanong lang? Kasi syempre ako yung huling kasama niya edi pag may nangyari sakin pananagutan niya

"Yeah" walang ganang sagot ko

"Did you eat?"

"Obob mo ah, kakagising kolang bading" natatawang sambit ko

"Hey! I'm not a gay" galit na pasigaw niya sakin. Halos mabitawan ko ang cellphone ko dahil sa malakas na sigaw niya

"Sinisigaw mo diyan? Edi kong hindi! Hindi!" pabalik na sigaw ko sa kanya

"Okay" malumnay na sagot niya at pinatay ang tawag. Tch

Na guilty tuloy ako. Wala naman akong kasalanan diba?

Oo wala. Tama lang yung pambwebwesit mo sa kanya. Tamang tama

Bumaba na ako at nadatnan ko si Mama at si Daddy! Matagal tagal kaming hindi nagkita ni Daddy kasi may inasikaso siya sa ibang bansa

Halos madapa ako ng kumaripas ako ng takbo kay Daddy at masaya niya akong sinalubong ng yakap

"Daddy!" sabay yakap sa kanya. Napangiti pa ako ng haplusin niya ang aking buhok gamit ang kanyang mga daliri "I miss you so much Dad"

Still The One (ONGOING)Where stories live. Discover now