Chapter 6

13 1 2
                                    

Inabot niya sa akin ang isang bouquet na puno ng rosas. Pano niya nalamang rosas ang paborito ko?

"Ah salamat" iyon nalang ang lumabas sa bibig ko

Tumango siya "Don't worry, lahat ng nagtratrabaho sa opisina ko binibigyan ko ng bouquet" ani niya

Ni kahit isang impormasyon na galing sakin ay hindi ko pa naibabahagi sa kanya. Pano niya nalamang kaarawan ko ngayon? "Pano mo nga pala nalamang birthday ko ngayon?" tanong ko

"Your birth certificate" Aniya

"Ha?" tanong ko

"Hatd--" pinutol ko ang sasabihin niya

"Seryosong usapan to, tinatanong kita ng maayos diyan" ani ko

"Sorry" seryosong sabi niya "Yung requirements, you have your birth certificate there. Chineck ko iyon pag ka alis mo ng opisina" sabi niya. Di ko na siya tinanong kung bakit alam niya kung saan ang bahay ko. Sigurado akong nanggaling iyon kay Mrs. Traynor

Gusto ko siyang ayain papasok ng bahay kaso di ko alam pano paninimulan iyon "I'll leave na" sabi niya

Ganon kabilis? Sayang may donut pa naman. Papakainin ko sana siya eh "Ah sige, salamat nga pala dito ah" sabay nguso sa bouquet

Tumango siya "Nilalamig kana, go inside" tumango ako at inaantayng umalis siya sa harapan ko

Nawala sa isipan kong naka dolphin shorts at sando lang ako. Buti nalang di ko pa hinubad bra ko

"Sorry nga pala kung nagising kita" pagdudugtong niya

"Ah okay lang, bumaba lang ako kasi kukuha sana ako ng pagkain. Isa pa, nanonood lang naman kami ni Brent"

Kunot noo niya akong tinignan "Who's Brent?" tanong niya

"Imaginary friend ko lang" biro ko sa kanya. Umiling iling lang siya

"Ah by the way, happy birthday den sa 'girlfriend mo'" ani ko na diniinan pa ang huling salita

"Hmm yeah, I did not surprise her, she  forced me to take a picture of us" aniya na parang nagpapaliwanag

Tumango ako "Hindi mo kailangan magpaliwanag" ani ko

"Can I go inside first?" aniya na nakatingin sa pintuan kong bukas. Nag aalinlangan pa ako sa sinabi niya. I do trust Oli pero bakit ngayong gabi? Eh diba sabi niya uuwi na siya?

Tumango nalang ako at nagbigay daan para mauna siyang maglakad papuntang pintuan. Ngayong kolang napagtantong naka khaki shorts at naka itim na shirt lang siya. Di gaya ng suot nila kanina sa date nila ni Hannah

"Coffee or Juice?" tanong ko. Sino ba naman mag aalok ng kape sa ganitong oras? Oo ako nga

"You" aniya sabay tingin sakin. Nagtama ang paningin naming dalawa at iniwas ko kaagad yon

"Ha?" inosente kong tanong

"Ikaw, kung anong gusto mo yun nalang den yung akin" ani niya sabay iwas ng tingin saken

Umupo na siya sa sofa at ako naman ay naglakad na papuntang kusina. Juice nalang ang inihanda ko sa kanya at donut. Hindi ko na iyon nilagay sa plato at dinala nalang ang isang box ng donut sa harapan niya

"Saktong sakto, I'm hungry" pabulong na sinabi pero narinig ko paren. Tss

"Di ba kayo kumain ng 'Hannah' mo?" tanong ko sa kanya

"We ate, sa restaurant pero di pa ako busog" ani nito sabay kuha ng isang donut at kinagat iyon. Lumunok ako ng makita ko ang pag galaw ng kanyang adam's apple. Nagtama ang paningin namin ng makita niya akong nakatitig sa kanya. Agad akong nag iwas ng tingin at nagkunwaring kumukuha ng tissue

Still The One (ONGOING)Where stories live. Discover now