Chapter 12

16 1 0
                                    

Nilamon ng katahimikan sa loob ng sasakyan ni Oli. Kumakain kami ngayon habang si Koochie naman ay mahimbing na natutulog habang naka kandong parin kay Oli

Tsk, Koochie ah

Ang awkward ng galawan ko. Sigurado din akong ganon din iyon kay Oli

Kanina ng yinakap ko siya ay alam kong nailang siya don. Ilang ba o nabigla lang. Ako na din ang mismong kumawala sa pagkayakap

Dahil kahihiyang ginawa ko ay inalok ko siyang kumain, nung una ay ayaw niya akong papasukin sa sasakyan niya. Batid kong dahil iyon sa sinabi ko, ngunit matigas ang ulo ko ay ako ng ang nagbukas ng shotgun seat

Ng maramdaman ko ang uhaw ay agad kong kinapa ang plastic bag kung may nabili akong tubig. Wala pala

Napansin siguro ni Oli kung alin ang hinahanap ko ng abutin niya ang isang hydro flask

Nilingon ko siya "Ha" naliliton tanong ko

"Let's share" walang pag alinlangang sabi niya

Nakatingin lang ako sa hydro flask na hawak hawak niya parin at inaantay na kunin ko ito

Ininuman niya na ata yan. Hindi sa ayaw ko. I would love to. Gusto kong uminom kung saan din siya umiinom pero nilalamon ako ng kahihiyan

"Nainuman ko na yan pero kung ayaw mo dahil sa bukod na mabaho ang sasakyan ko baka mabaho din ang laway ko" natatawang ani nito

Hindi ko alam kung saan sisimulan ang paghingi ng tawad sa kahihiyang ginawa ko

Agad ko ng kinuha ang inaabot niyang hydro flask at nagsimulang uminom don.  Hindi na siya umimik at nagtuloy nalang sa pag kain

Nililigpit ko ang kalat sa loob ng sasakyan niya ng biglang mag ring ang cellphone ko

Si Triz tumatawag

Lumabas ako para sagutin ang tawag ni Triz "Asan ka?" ang unang tanong niya sakin

Shit! Di pala nila alam na pumunta ako kay Oliver. Anong sasabihin ko?

"H-a Ha? Di kita marinig mahina signal Triz" kunwaring sagot ko

Pinatay niya nalang bigla ang tawag ko

Agad akong bumalik sa loob ng sasakyan. Pagpasok ko ay may kausap na si Oliver sa telepono

"I miss you too" ani ni Oliver sa kausap

Bigla kong naitigil ang pagligpit ng kinainan namin. May kung anong karayom na tumusok sa dibdib ko ng marinig ko ang sinabi ni Oliver

I should not feel this pain right?

Ng maibaba na ni Oliver ang telepono ay agad siyang bumaling ng tingin saakin

"I need to go now" parang nagmamadali niyang sabi

Tumango ako at nilinis ang kanyang upuan. Binuksan ko ang shotgun seat at tumayo. Pinadpad ko muna ang dulo ng aking damit dahil may kanin pa doon

Agad kong kinapa ang plastic bag na nilagyan ng mga gamit na binili ko para kay Koochie

Kinuha ko dun ang diaper at leash niya

Ng handa na ito ay dahan dahang hinimas ni Oliver ang kanyang ulo. Agad namang nagising si Koochie at kumawala sa pagkandong kay oliver at pumunta sa akin

Tumahol tahol pa siya ng makita niya ako. Agad kong sinuot mo na ang diaper at kasunod ay ang leash

"Sorry, I really have to go" sambit ni oliver

Tango nalang ang binigay ko sa kanya at agad na kinarga si Koochie

Nakita ko ang pag alis ng sasakyan ni oli. Di ko alam kung saan siya pupunta. Iyon ba ang tinutukoy ni Lucas na kikitain niya?

Still The One (ONGOING)Where stories live. Discover now