Chapter 13

9 1 0
                                    

Si Oliver na rin ang kumawala sa yakap. Nagulat ako ng inasta niya pero aaminin kong kinikilig ako don

Akmang tatalikod na sana ako dahil sa hiya ng marinig kong magsalita si Lucas

"Joke lang yun, hindi si Ava ang na hospital" sabay halakhak

Sinuntok siya ni Oliver sa braso. Humarap ako sa kanila, nagtama ng paningin naming dalawa. Agad akong nag iwas ng tingin

Kaya pala ako yinakap ni Oli kasi kala niya ako yung na confine? Eh bakit naman siya mag aalala?

Ng tumalikod na ako ay narinig kong napamura pa si Oliver dahil sa pambabara ni Lucas sa kanya. Agad kong nilingon si Triz na ngayon ay nakangisi na. Halatang nang aasar tsk!

Umupo ako sa maliitang sofa na nasa loob ng kwarto. Nagkunwaring nagbabasa ng magazine. Wala naman talaga akong interes don

Inilagay ni Lucas ang dalang prutas sa mesa. Agad namang sinalubong ni Triz si Lucas ng may ngiti sa labi at yinakap ito. Naalala ko tuloy yung pagyakap sa akin ni Oliver

Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng antok kaya sumandal ako sa upuan at ipinikit ang aking mga mata

Nagising lang ako dahil nakaramdam ako ng may humaplos sa noo ko. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Medyo malabo pa iyon dahil kakagising ko lang

Ng mapagtanto ako kung sino iyon ay halos mapatalon ako sa gulat!

What is he doing?! Ni hindi ko maipikit ang mata ko dahil sa gulat. I mean nagulat lang ako as in. I was not expecting him to do this

"Let's go" iyon lang ang kanyang sinabi at tumalikod na. Humihikab pa ako ng inaayos ko ang pagtayo ko, nag inat paako. Nilingon ko ang kabuuan ng kwartong ito, and there I saw the two lovely birds sleeping on the same sofa. Nilingon ko rin si tita na mahimbing na natutulog. Tanging ang ingay lang ng aircon at monitor ni tita ang aking naririnig

Binaling ko ang tingin sa dalawang iyon.
The sofa is small. No doubt why Triz is on the top of Lucas's chest. They look so good, really good

Ang haharot tss!

But still, they look cute

Lumabas na ako at isinarado ang pinto.
I looked at my wrist watch and realized na pasado ala una na pala ng hatinggabi. Pagkalabas ko ng main door ng hospital ay agad kong namataan si Lucas ng nakapameywang

Humihikab pa ako ng makalapit ako sa kanya. Ng mapansin na niya ang presensya ko ay agad niya akong nilingon

"Saan nga pala tayo pupunta? At bakit mo ako ginising?" sunod sunod na tanong ko

Ilang segundo muna ang nagdaan bago siya nagsalita

"Triz told me that you can't sleep on the sofa ng nakaupo lang" He said in a baritone

Triz whatttt? Natutulog ako sa sofa oy! Natutulog nga ako sa school ng nakahilig lang ang ulo ko sa balikat!

Ano na naman ba ang trip netong si Beatriz?! Gustong gusto niya talaga akong inaasar ah? Di porket ay alam niyang may gus-- este crush ako kay Oli ay aasarin na ako nito

Psh! Ang babaeng yan talaga

"Eh ano naman?" mahinahong tanong ko sa kanya

"I'll take you to my condo" aniya

Napanganga ako sa sinabi niya. C-condo niya? Nu gagawin ko don? O baka ito din sabi ni Triz. Gosh! Naiimagine ko yung maaring sinabi ni Triz 'Oli, Ava can't sleep sa sofa ng ganyan. Uhm, can you take her to your condo lang muna?'

Fuck Beatriz!

"Uuwi nalang ako sa bahay" yun lang ang tanging paraan para hindi makasama "M-magpapahatid nalang ako s-say--"

Still The One (ONGOING)Where stories live. Discover now