CHAPTER 71

1K 96 12
                                    

Dahil naiwan si Ryota sa gym sya na ang makikipag usap sa mga teacher ni Sakuragi at Rukawa dahil hindi ito makapunta sa school dahil sa nangyare kay Haruko..

Pag punta ni Ryota sa faculty narinig nya ang tatlong babae na pinag uusapan si Haruko. "Nabalitaan nyo ba nasa hospital na daw ngayon si Haruko." ngiting sabi ng babae..

"Mabuti sa kanya yun at hindi naman tayo ang mapag bibintangan na gumawa nun dahil ang alam ko pinsan ni Haruko ang babaeng kasama nya... sorry na lang dahil di sya magiging masaya." nagtawanan ang tatlo at nakita nila si Ryota..

Sinuntok ni Ryota ang pader kaya natakot ang tatlong babae. "Alam nyo ba ginawa nyo? Critical ang buhay ni Haruko sa ginawa nyo... hindi ko palalagpasin ang ginawa nyo sa kanya at ito ang tandaan nyo di ako papayag na hindi kayo managot dahil sisiguraduhin kong pagbabayaran nyo ang ginawa nyo kay Haruko." galit na sabi ni Ryota.

Nagmakaawa ang tatlo sa harap ni Ryota para hindi ito magsumbong kay Rukawa at hindi mapatalsik sa school. "Parang awa muna Miyagi gagawin namin lahat wag mo lang sabihin kay Rukawa ang ginawa namin ayokong mapaalis dito. Nagawa lang naman namin yun dahil di namin matanggap na si Haruko ang mahal ni Rukawa please Miyagi maawa ka samin." naiiyak na sabi ng tatlong babae.

"Maawa? Sorry pero diko yun kayang ibigay sa inyong tatlo ng dahil sa inyo nag away away kami sinisi namin si Flora Mae yun pala wala syang kasalanan.. Kailangan malaman ni Rukawa ang ginawa nyo pasensya na pero di ako papayag na hindi nyo pagbayaran ang ginawa nyo kay Haruko... marunong ako maawa sa babae pero sa taong deserve yun at hindi kayong tatlo yun." galit na sabi ni Ryota saka iniwan ang tatlong babae.

Walang nagawa ang tatlong babae kundi umiyak. Nagmamadali naman lumabas ng school si Ryota para pumunta sa hospital at ibalita sa team at kay Rukawa ang gumawa kay Haruko nun para malinis ang pangalan ni Flora Mae na wala naman talagang kasalanan sa nangyare.

Pag labas ng Doctor ibinalita nito na walang brain damage ang nangyare kay Haruko at wala ring namuong dugo "Dont worry hindi commatose ang pasyente may mga bubog kasing naka baon sa kaliwang hita nya at sa kanang balikat nya kaya sya nag bleed, Good thing na hindi naapektuhan ang ulo nya sa car accident na nangyari at nadala sya agad dito kaya wala sya sa critical condition." masayang balita na sabi ng Doctor..

"Mabuti naman salamat po Doc." ngiting sabi ng Mama ni Haruko at niyakap si Akagi.

"Rukawa narinig mo wala na sa critical si Haruko." seryosong sabi ni Maki..

Niyakap ni Rukawa ang kapatid na si Sasaki at umiyak ito sa sobrang tuwa ng malaman na wala na sa critical si Haruko. "Kuya tama na sabe ko naman sayo di ba magiging okay din ang lahat puntahan muna si Haruko kuya." mahinang sabi ni Sasaki..

Pumasok na sila Maki at Rukawa kasama sila Akagi para makita si Haruko nakita nilang may benda nga si Haruko sa balikat at malaki rin ang sugat sa hita. "I'm sorry Love wala akong nagawa hindi kita naprotektahan tulad ng pangako ko sayo. Mahal na mahal kita Haruko hindi ko kakayanin na mawala ka dahil ikaw lang ang babaeng huli kong mamahalin... gumising kana Love dahil gusto kong pag usapan natin ang kasal nating dalawa hindi ko na hahayaan na mangyare pa ulit to sayo ipinapangako ko yan Haruko I love you Love." umiiyak na sabi ni Rukawa habang hawak ang kamay ni Haruko.

"Rukawa." tawag ni Haruko habang naka pikit..

"Nandito ako love naririnig mo ba ako?" tanong ni Rukawa at hinalikan sa pisngi si Haruko.

Unti unting dumilat si Haruko at nakita nya ang mukha ni Rukawa. "Love wag mo ko iiwan hah." umiiyak na sabi ni Haruko..

"Hinding hindi kita iiwan love nandito lang ako." mahinang sabi ni Rukawa at niyakap ng mahigpit si Haruko.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now