CHAPTER 7

1.3K 106 1
                                    

"Pasa, pasa, pasa." sigaw ni Sakuragi.

"Sakuragi yung binabantayan mo." inis na sabi ni Mitsui.

Nasa Ryokufu ang bola kaya mas ginalingan ng Shohoku ang depensa nila. Magaling magpasa ng bola si Evina madali rin itong makahanap ng teammates nya na libre. Hindi naman pinayagan ni Ryota na makalusot si Evina kaya dalawa ang binantayan ni Ryota.

"Ryota wag mong dikitan." sigaw ni Ayako.

"Akong bahala Ayako." pagod na sabi ni Ryota.

Kalahating minuto na lang at matatapos na ang first half. Lamang ang Shohoku ng dalawang puntos sa Ryokufu! pero hindi parin dahilan yun para makampante sila dahil magaling si Katsumi sa 3 points.

Naagaw ni Ryota ang bola kay Evina at ipinasa nito nito kay Rekori. Nag jump shot si Rekori at gulat na gulat si Sakuragi! Dahil hindi nya akalain na magaling rin palang mag jump shot si Rekori.

"Good job Rekori." ngiting sabi ni Ryota.

"Salamat po captain." sagot ni Rekori.

"Hahaha Ryota na nga lang! captain ka pa ng captain eh hahaha." natatawang sabi ni Ryota.

Lamang ng apat na puntos ang Shohoku. Magaling din maglaro ang kapatid ni Isagawa na si Rekori. Hindi ko talaga akalain na sasali sila sa team ng Shohoku bilib na bilib lahat ng tao sa galing ni Rekori at Wezaki.

"Isang shoot lang naman yun akala mo naipapanalo na nila yung team namin." inis na sabi ni Sakuragi.

"Galingan mo Sakuragi." ngiting sabi ko.

"Haruko my love! kailangan ko ipakita sa kanila ang natutunan ko hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi saka kinuha ang bola kay Ryota.

"Travelling." sigaw ng referee..

"Ano? Bakit ako naging traveling?" inis na sabi ni Sakuragi.

"Nag tatanong ka pa." galit na sabi ni Mitsui.

"Hay naku! gung gung talaga." bulong ni Rukawa.

"Hahaha wala talaga akong masabi dyan kay Sakuragi hindi na natuto hahaha." natatawang sabi ni Kiyota.

"Hahaha ibang klase! hindi mo talaga kami binibigo Hanamichi." sigaw ni Mito at Takamiya sabay tawa ng malakas.

"Tumahimik nga kayo." inis na inis na sabi ni Sakuragi.

"Sakuragi galingan natin." ngiting sabi ni Rekori.

"Tama sya! wag mong hayaan na maliitin ka ng iba. Alam kong magaling ka Sakuragi." ngiting sabi rin ni Wezaki.

"Talaga hehehehe! naiiyak naman ako." natotouch na sabi ni Sakuragi.

"Hanamichi mamaya kana mag drama dyan! yung binabantayan mo." naiinis na sabi ni Mitsui.

"Akong bahala sa pangit na to Mitchi hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.

"Wala akong masabi dyan kay Sakuragi parang walang kapaguran." bulong ni Totsuka kay Evina..

"Mapapagod ka talaga pag sya ang binantayan mo." sagot ni Evina.

"Sige subukan nyo ako ng masupalpal ko kayong lahat hahaha." nagyayabang na sabi ni Sakuragi.

"Ang yabang nito wala ka ngang nagawang puntos." bulong ni Ryota.

Sumablay ang tira ni Katsumi kaya nag unahan si Sakuragi at Totsuka sa rebound. Hindi maka porma ng maayos si Sakuragi dahil hinaharangan ito ni Totsuka.

"Sakuragi wag mong hayaan makuha nila ang rebound." seryosong sabi ni Mitsui.

"Ang henyong si Sakuragi ang bahala Mitchi hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now