CHAPTER 13

1.2K 106 8
                                    

Hindi kami nag uusap ni Rukawa kahit na magkasama kami! sabagay hindi naman sya pala salita hindi katulad ni Sakuragi madaldal.

"Ayos ka lang?" tanong ni Rukawa..

"Ha oo." sagot ko.

"Anong pangarap mo Haruko?

Nagulat ako sa tanong ni Rukawa sa akin. Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko sa kanya dahil ang totoo pangarap ko makapag tapos at makita syang nag lalaro.

"Pangarap kong makapag tapos ng pag aaral at makita kitang maglaro." nahihiya kong sabi.

Hindi sumagot si Rukawa at seryoso lang itong nakatingin sa akin. Ano kayang nasa isip nya nahihiya tuloy ako sa sinabi ko baka nagalit sya.

"Pangarap ko din yun." sagot nito.

"Sana makita kita ulit Rukawa na mag laro. Alam ko kasi na kapag grumaduate na tayo hindi na kita makikita mag laro." nalungkot kong sabi..

"Bakit naman?" tanong nya..

"Kasi di ba aalis ka pupunta ka sa america." nakayuko kong sabi.

"Ikaw rin di ba? aalis ka at mag aaral sa america." seryosong sabi ni Rukawa.

"Oo." tipid kong sagot.

"Hindi ko alam Haruko kung gusto ko pa magpa tuloy sa paglalaro...

Bakit kaya sinabi ni Rukawa yun! sayang kundi nya itutuloy ang paglalaro nya dahil napaka galing ni Rukawa..

"Bakit?" nahihiya kong tanong..

"Wala kana kasi." seryosong sabi nya..

"Ha?" tanong ko! Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Rukawa.

"Wala." sagot nito.

Gusto ko pa sana mag tanong kung ano ibig nyang sabihin kaso nahihiya naman ako. Alam kong di nya ako magugustuhan kahit anong gawin ko! pero sana wag syang huminto sa paglalaro kung ang dahilan ay ako hay!

"Sana wag ka huminto sa paglalaro mo Rukawa..

Hindi nag salita si Rukawa kaya di na lang din ako nagsalita. Naiilang ako dahil pareho kaming di nag sasalita nahihiya ako sa kanya lalo na kapag nakatitig sya sa akin.

"Sige." tipid nitong sagot.

"Anong sige?" nagtataka kong tanong.

"Hindi ako hihinto sa paglalaro." sagot nya.

Masaya akong marinig yun mula sa kanya! pero hindi ko na rin naman sya makikita lalo na kapag naka graduate na kami. Sana balang araw makita ko sya pero siguro pag nangyari yun sikat na sikat na sya! baka dina nya ako kilala.

Pag dating ng team nagulat sila ng magkatabi kami ni Rukawa sa sofa. Hindi naman na nagtaka sila Ayako at Sasaki dahil alam naman nilang gusto ko si Rukawa.

"Ano may nangyari na ba hahaha." natatawang tanong ni Mitsui.

"Hahaha ibahin mo yan si Rukawa wag mo itulad sayo." natatawang ring sabi ni Ryota.

"Masyadong mahina tong bata natin Fujima hehehe." ngiting sabi ni Mitsui.

"Oo nga." sang ayon ni Fujima.

"Bakit may gusto ba si Rukawa kay Haruko?" tanong ni Rekori.

"Hahaha no comment ako dyan." sagot ni Ryota.

"Uminom na pala ng gamot si Rukawa." nahihiya kong sabi kay Sasaki.

"Kumain rin ba sya?" tanong ni Sasaki.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now