CHAPTER 53

1.1K 98 15
                                    

"Anak....

Nagulat ako ng makita ang Papa ni Rukawa napahinto naman ang team ganun din si Rukawa ng makita ang Papa nya. Nakakapagtaka na pumunta pa ang Papa nya para lang makita si Rukawa! napapaisip tuloy ako kung umuuwi ba si Rukawa sa kanila o hindi...

"Anong ginagawa mo rito?" seryosong sabi ni Rukawa habang masama ang tingin sa Papa nya..

"Tatay mo yan Rukawa hahaha ang gwapo pala ng Papa mo di mo kamukha hahaha." nang aasar na sabi ni Sakuragi.

"Tumahimik ka Hanamichi." utos na sabi ni Ryota.

Wala naman ginawa si Sakuragi kundi titigan ang papa ni Rukawa. hindi pa ito nakuntento inilapit pa nya lalo ang mukha nya sa mukha ng papa ni Rukawa..

"Hoy Rukawa di ka ba magmamano sa tatay mo?" seryosong sabi ni Sakuragi.

"Hindi ko sya tatay." sagot ni Rukawa.

Nagulat si Sakuragi sa sinabi ni Rukawa ganun din ako pati ang team. Malaki siguro talaga ang galit nya sa Papa nya dahil hanggang ngayon di parin sila nagkaka ayos. Gusto ko sana mag salita pero mas minabuti ko na lang manahimik dahil siguradong ayaw ni Rukawa ng pinakikialaman sya lalo na ang pribadong buhay nya.

"Ang bastos mo talaga Rukawa wala kang galang sa tatay mo. Ano po bang pangalan nyo? gusto nyo ampunin nyo na lang ako hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.

"Hehehe Sakuragi ang kulit mo." ngiting sabi ni Rekori at Wezaki.

"Sakuragi tumigil kana nga." naiinis na sabi ni Ryota.

"Umalis kana rito." seryosong sabi ni Rukawa..

"Patawarin mo ako anak. Gusto kong bumawi sayo sa inyo ni Sasaki hindi ko na kayo iiwan ulit." nagmamakaawang sabi ng Papa ni Rukawa.

"Yun naman pala Rukawa babawi naman pala sya sayo patawarin mo na hehehe." ngiting sabi ni Sakuragi.

"Pwede ba Hanamichi wag kang madaldal usapang pam-pamilya yan." seryosong sabi ni Ryota habang hawak hawak ang bibig ni Sakuragi.

"Maswerte ka dahil may tatay ka ako wala na ulilang lubos narin ako. Ikaw buhay pa ang magulang mo pero ginaganyan mo di ka dapat ganyan sa magulang mo." seryosong sabi ni Sakuragi habang naka tingin kay Rukawa.

"Wala kang alam kaya tumahimik ka." naiinis na sabi ni Rukawa.

"Pasensya na kayo kung naistorbo ko ang practice nyo. Patawad anak gusto lang kasi kita makita ka dahil di kana umuuwi sa bahay. Wag kang mag alala aalis na lang ako papuntang america para di mo na makita si Papa patawad anak." nahihiyang sabi ng Papa ni Rukawa

"Wag po kayong umalis." sigaw ni Sakuragi.

"Sakuragi ayos lang ako! salamat kasalanan ko naman kung bakit naging ganyan si Rukawa." sagot ng Papa ni Rukawa..

"Umalis kana at pwede ba wag na wag kanang magpapakita pa sakin lalo na dito sa gym." inis na sabi ni Rukawa saka pumunta sa locker room..

"Gusto nyo kausapin ko si Rukawa hahaha bastos po talaga ang pag uugali nyan hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.

"Salamat Sakuragi natutuwa ako sayo sana naging anak din kita." ngiting sabi ng papa ni Rukawa.

"Hahaha pwede po basta di ko kapatid si Rukawa hahaha." tawang tawang sabi ni Sakuragi.

"Hahaha magiging magkapatid kayo Sakuragi sya ang tatay ni Rukawa eh hahaha." nang aasar na sabi ni Rekori.

"Ah basta ayoko maging kapatid yun hahaha. Ako na pong bahala kay Rukawa tuturuan ko ng leksyon ang mayabang na yun hehehe." ngiting sabi ni Sakuragi.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now