CHAPTER 36

1.3K 101 7
                                    

Rukawa POV..

Nahihiya parin ako magtapat kay Haruko. Ang totoo di ko alam paano ko sya liligawan dahil natatakot akong masaktan ko nanaman sya. Pagkatapos kong ihatid si Haruko nagpasya akong puntahan si Sakuragi sa rehab..

Alam kong masasaktan sya kaya ako na mismo kakausap sa kanya para humingi ng permiso. Ayokong mag away kaming dalawa ng dahil sa babae dahil kung mahal nya si Haruko handa akong magparaya basta wala akong masasaktan..

Pag dating ko sa rehab nakita ko si Sakuragi na natutulog. Isa parin pala tong antukin pareho kami..

"Hoy gung-gong gising...

"Rukawa anong ginagawa mo dito? inis na sabi ni Sakuragi.

"Dinadalaw ka." sagot ko..

"Hahaha bakit mo ko dinadalaw? May gusto ka sakin noh hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.

"Gusto kong mag usap tayo tungkol kay Haruko." seryosong sabi ko..

Sumeryoso ang mukha ni Sakuragi ng marinig ang pangalan ni Haruko. Alam kong malaki ang gusto nya kay Haruko at di ko yun mababago..

"Anong pag uusapan natin?" seryosong tanong ni Sakuragi..

"Gusto mo sya di ba? Bakit di mo ligawan?" tanong ko.

"Gusto ko sya pero gusto nya ba ako? Ikaw ang gusto nya Rukawa kahit masakit marinig." galit na sabi ni Sakuragi.

"Ipaparaya mo ba?" tanong ko.

"Sasaktan mo ba?" seryosong tanong ni Sakuragi.

"Hindi." tipid kong sagot.

"Ayoko sayo Rukawa., pero kung mahal ka nya para sa kaligayahan ni Haruko papayag ako." nalulungkot na sabi ni Sakuragi.

"Hindi ko sya sasaktan Sakuragi." nakayuko kong sabi.

"Salamat." sagot ni Sakuragi..

Pareho kaming natahimik at hindi nag salita. Alam kong nasasaktan si Sakuragi dahil sa sinabi ko pero ayokong ligawan si Haruko ng di nya alam.

"Magpagaling ka." seryoso kong sabi.

"Bakit namimiss mo ko hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi kahit na kitang kita sa mukha nito na maiiyak na.

"Wag kang plastic." inis kong sabi.

"Ano kamo? sasamain kana sakin eh.. pasalamat ka nasa rehab ako." galit na sabi ni Sakuragi.

"Sakuragi...

"Ano? wag mong sabihin makikipag kaibigan ka hahaha.. Mag ka away tayong dalawa hahaha ayoko sayo hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi

"Kailangan ka namin sa team." seryoso kong sabi.

"Hahaha sabi ko na nga ba sa henyo lang kayo umaasa eh hahaha." nagyayabang na sabi ni Sakuragi.

"Friends?" tanong ko..

"Hahaha ayoko inagaw mo si Haruko sakin hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi..

"Sorry." sagot ko..

Nagulat ako ng yakapin ako ni Sakuragi. Hindi ko alam bakit ganito kahigpit ang yakap ng gung gong na to! kung magiging magkaibigan man kami siguro hindi parin mawawala ang away samin dalawa...

"Tama na Sakuragi." inis kong sabi..

"Rukawa ingatan mo si Haruko." umiiyak na sabi ni Sakuragi..

Hindi ko alam kong maaawa ako sa taong to o matatawa ako. Gung gong talaga sa damit ko pa umiyak...

"Friends?." ngiting sabi ni Sakuragi.

"Ayoko na." galit kong sabi..

"Hahaha sorry na nabasa ba hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi..

Nagpaalam na ako kay Sakuragi para bumalik sa gym. Ang totoo ayoko rin naman syang masaktan dahil alam kong mahirap magparaya lalo na kung mahal mo ang isang tao..

Hihintayin ko ang pagbabalik mo Sakuragi. Dahil isa ka rin sa gusto kong makalaro at makalaban ayoko man aminin lalo kang gumagaling maglaro.

Pag dating ko sa gym nakita ko si Mitsui na umiiyak. Ano naman kaya ang problema nito sa babae? Ang totoo wala kong pakialam sa nararamdaman ng ibang tao pero mula ng mapasok ako SHOHOKU nagkaroon ako ng pakialam sa ibang tao. Dahil dito ko lang nakita ang pagtutulungan at pagkakaisa na hindi ko nakita sa ibang school na pinasukan ko.

"Hahaha bakit ako pa lord gwapo naman ako, mabait, bakit ako lage nasasaktan? utang na loob naman sumagot ka." natatawa at naiiyak na sabi ni Mitsui.

"Hoy umuwi kana." inis kong sabi..

"Rukawa akala ko ba umuwi kana?" nagulat na tanong ni Mitsui.

"Maglalaro ako." sagot ko.

"Narinig mo lahat ng sinabi ko?" seryosong tanong nya..

"Alin dun?" tanong ko.

"Lahat ng sinabi ko." inis na tanong ni Mitsui

"Marami kang sinabi." sagot ko.

Hindi ko alam iyakin pala to! pareho sila ni Sakuragi. Ayoko makinig sa kadramahan ni Mitsui....

"Hoy Rukawa mag usap nga tayo lalaki sa lalaki." seryosong sabi ni Mitsui.

"Ayoko." sagot ko.

"Palagay mo ba may magkaka gusto pa sakin?" tanong nya at inilapit pa ang mukha nya sa mukha ko.

"1%." sagot ko.

"Anong 1%?" tanong ni Mitsui.

"1% na may magkakagusto pa sayo." nang iinis kong sabi.

"Loko ka sasakalin na kita eh hahaha." natatawang sabi ni Mitsui.

Abnormal din pala ang isang to kanina lang umiiyak ngayon tumatawa na hay naku.

Nagsanay ako kahit na nandun pa si Mitsui. Gusto kong mahasa pa ang galing ko sa paglalaro ng basketball dahil gusto kong talunin si Sendoh at Sawakita.

Hinding hindi ako magpapatalo sa kanilang dalawa. Malapit na ang laban namin sa TAKEZATO gusto kong maka abot si Sakuragi pero malabo yun. Ayokong umasa kay Rekori pag dating sa rebound dahil hindi nya kayang tapatan ang galing ni Sakuragi pag dating sa pagkuha ng rebound...

Hindi ako sumali sa SHOHOKU para matalo dahil hindi ako papayag na papangalawa ulit kami. sisiguraduhin kong kami naman ang mag cha-champion. Ayokong mapahiya si coach Anzai dahil malaki ang tiwala nya sakin at ayoko rin makita si Haruko na malungkot dahil natalo ang SHOHOKU kaya gagawin ko lahat para manalo kami....

"Rukawa ako naman hahaha...

"Sige." sagot ko...

Pinanood ko ang paglalaro ni Mitsui magaling ito kahit na ilang taon nagpahinga. Isa ka nga sigurong MVP pero hindi parin tayo magka level ng galing sa paglalaro.

"Panis ka Rukawa hahaha." nagyayabang na sabi ni Mitsui.

"Ang dali lang nun." sagot ko.

Nang matapos kaming dalawa mag practice lumabas na kami ng gym para umuwi.

"Rukawa my love...

"Ang gwapo mo talaga Rukawa....

"Mga jologs mo Rukawa nag iingay nanaman hahaha." nang aasar na sabi ni Mitsui.

"Pangit." bulong ko..

"Hahaha pangit ba? Hindi ka rin laitero hahaha." natatawang sabi ni Mitsui.

Ayoko talaga ng mga babaeng madikit at higit sa lahat yung tumitili parang paos na aso hay!..

"Ikaw ba si Mitsui? pa autograph naman." kinikilig na sabi ng babae..

"Pwedeng pwede mabait ako sa mga fans hahaha." ngiting sabi ni Mitsui sabay kindat sa babae.

"Hay naku." inis kong sabi.

Umalis na ako para iwan si Mitsui. Ayoko sumama sa katulad nyang playboy mahawa pa ako sa sakit nya.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now