CHAPTER 69

1K 99 13
                                    

Maagang gumising si Haruko para hindi sya mahuli sa unang subject nya. Nagulat sya ng makita si Flora Mae sa sala na umiiyak...

"Haruko...

"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Haruko.

"Haruko tulungan mo kong kausapin si Eiji hindi ko na sya macontact nag aalala na ako sa kanya." umiiyak na sabi ni Flora Mae.

"Sige papatulong tayo kay Rukawa...

"Wag na Haruko ayoko malaman nila lalo na si Sakuragi pwede bang wag kana muna pumasok please." nagmamakaawang sabi ni Flora Mae.

"May exam kasi kami ngayon Flora Mae tapos malapit na rin ang laro ng SHOHOKU sa TSUKUBO hindi pwedeng wala ako dun dahil mapapagalitan ako ni coach Anzai." paliwanag ni Haruko.

"Nakakainis ka naman Haruko ako ang pinsan mo pero mas importante sila kesa sayo." naiinis na sabi ni Flora Mae.

"Hindi naman sa ganun Flora Mae gusto mo hintayin muna lang ako sa school pwede ka naman mag stay sa gym habang nanonood ng practice nila." sagot ni Haruko.

"Talaga sige sasama ako sayo para makita ko rin si Sakuragi." ngiting sabi ni Flora Mae.

Pag labas ni Haruko nakita nya ang magarang sasakyan na kulay pink "Sasakyan mo yan?" tanong ni Haruko..

"Oo regalo ni Eiji sakin.. Ang ganda di ba hehehe." ngiting sabi ni Flora Mae.

"Ganun ba napaka bait ni Eiji sayo wala kaba talagang nararamdaman para sa kanya?" tanong ulit ni Haruko habang nakatingin kay Flora Mae.

"Ewan ko Haruko ayoko mawala si Eiji sakin pero ayoko naman mapunta si Sakuragi sa iba ang gulo di ba pareho silang importante sakin." sagot ni Flora Mae..

"Ikaw ang bahala pero sana gumawa ka ng desisyon na tama kasi baka mamaya yung taong lageng nandyan para sayo mawala nalang bigla." paliwanag ni Haruko at sumakay na.

Pinaharurot na ni Flora Mae ang sasakyan at nagulat sya ng walang preno. "Haruko wala ata akong preno." natatakot na sabi ni Flora Mae.

"Ano.. teka Flora Mae babangga tayo...

Bumangga si Haruko at Flora Mae sa truck walang malay si Haruko at puro duguan.. nagising naman si Flora Mae at natakot sya ng makitang may dugo ang ulo ni Haruko..

"Naku lagot ako paano to." kinakabahan na sabi ni Flora Mae sa sarili.

Tinawagan ni Flora Mae si Rukawa gamit ang phone ni Haruko. Dinala ni Flora Mae si Haruko sa pinaka malapit na hospital..

Dumating ang team kasama si Rukawa na galit na galit kay Flora Mae. "Nasaan si Haruko?" galit na tanong ni Rukawa kay Flora Mae.

"Nasa ER sya I'm sorry Rukawa hindi ko sinasadya." umiiyak na sabi ni Flora Mae.

"Hindi mo sinasadya? Oras na may mangyari na masama kay Haruko mag tago kana dahil hinding hindi kita mapapatawad." galit na sabi ni Rukawa at iniwan si Flora Mae.

Sabay na dumating si Fukatsu at Eiji kasama si Moroboshi at Sendoh. "Anong nangyari?" tanong ni Sendoh.

"Tanung mo sa babaeng to." inis na sabi ni Mitsui.

"Anong ginawa mo kay Haruko?" seryosong tanong ni Eiji.

"Hindi ko alam na wala akong preno Eiji maniwala ka sakin." umiiyak na sabi ni Flora Mae.

"Paano kami maniniwala sayo.. nakarating ka sa bahay nila Haruko ng hindi mo alam na wala kang preno kalokohan." galit na sabi ni Satomi.

"Oo nga naman." sang ayon ni Sendoh sa sinabi ni Satomi.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now