CHAPTER 9

1.2K 104 0
                                    

"Grabe 25 points na ang lamang ng Shohoku! hindi na yan kayang habulin ng Ryokufu." seryosong sabi ni Fukuda.

"Kung kami yan hindi lang 25 points ang lamang namin hahaha." nagyayabang na sabi ni Kiyota.

"Nahihirapan sila kumuha ng rebound dahil mas mataas tumalon si Sakuragi kesa kay Totsuka." paliwanag ni Fujima.

"Isa pa nahihirapan sila dahil magaling ang depensang ginagawa ng Shohoku sa Ryokufu." singit ni Sendoh sa usapan.

"Oo nga! mula ng pumasok si Rukawa hindi na makatira si Katsumi." sagot naman ni Jin.

"Magaling sila kung tutuusin! pero mas magaling parin sa kanila ang Shohoku hindi lang dahil kay Rukawa, kundi dahil kay Sakuragi! sya ang nagbibigay ng buhay sa team nila." paliwanag na sabi ni Hanagata.

"Tama ka dyan at magaling talaga ang pinapakita ni Sakuragi! sa freethrow na ginawa nya walang sumablay ni isa." sagot ni Fujima.

"Sus chamba lang yun Fujima." inis na sabi ni Kiyota.

Hindi na pinayagan nila Rukawa at Sakuragi na makahabol pa ang Ryokufu! kaya naging 25 points ang lamang namin sa kanila. Napakataas tumalon ni Sakuragi kaya hindi makuha ni Totsuka ang rebound.

"Ano mga pangit kaya nyo pa ba hahaha." nang aasar na sabi ni Sakuragi.

"Ang yabang mo." inis na sabi ni Totsuka.

"Makakahabol kami sa inyo." inis na sabi ni Katsumi kay Rukawa.

"Lamang na lamang kami at di pa kami tapos." seryosong sabi ni Rukawa kay Katsumi.

Na kay Ryota ang bola kaya hindi nito hinayaan makuha ni Evina ang bola. Nagmamadaling ipinasa ni Ryota kay Sakuragi ang bola dahil ito lang ang libre na pwede nyang pasahan.

"Kung ako sa inyo dalawa ang pag bantayin nyo sa akin! hindi ako kaya ng isang tao hahaha." nagyayabang na sabi ni Sakuragi.

"Hanamichi itira mo na yan." sigaw ni Ryota.

Walang nakaka alam kung anong gagawin ni Sakuragi. Hindi nito ipinasa ang bola at sinubukan nya ulit mag slamdunk.

"Naku naman! wag na Sakuragi." inis na sabi ni Ryota.

"Ipasa mo na yan Hanamichi Sakuragi." sigaw ni Ayako.

"Sige kaya mo yan Sakuragi." bulong ni Sendoh.

"Hindi na ako ulit papalpak." bulong na sabi ni Sakuragi.

"Hindi ka makakapag slamdunk sa akin." seryosong sabi ni Totsuka.

Tumalon ng mataas si Sakuragi ganun din si Totsuka. Hinagis nito ang bola at hindi ito pumasok natamaan naman si Evina sa ginawa ni Sakuragi..

"Gung gung talaga." bulong ni Rukawa.

"Bakit hindi pumasok? sumablay ang henyo." nagtatakang sabi ni Sakuragi.

"Henyo ka dyan sinabi kong wag na! subukan mo pa ulit yun Sakuragi hindi ko na ipapasa ang bola sayo." galit na sabi ni Ryota.

"Hanamichi hahaha wala ka kasing bugok hahaha." natatawang sabi ng mga kaibigan ni Sakuragi.

"Okay ka lang ba Evina?" tanong ni Katsumi.

Malapit ng maubos ang oras at hindi parin nakaka puntos ang Ryokufu. Pinalitan ng coach nila si Evina dahil sa nangyari dito.

"Coach maglalaro pa ba ako? malapit na maubos ang oras." seryosong tanong ni Mitsui kay coach Anzai.

Hindi naman sumagot si coach Anzai at nagulat kaming lahat ng bumagsak si Rekori. Halatang pagod na pagod na ito katulad ni Wezaki! pero pinipilit parin nilang matapos ang laro dahil ayaw nilang mapahiya kay coach Anzai.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now