CHAPTER 27

1.1K 100 0
                                    

Sakuragi POV

Napaka ganda talaga ni Haruko hehehe. Dahil sa kanya kaya ko ginagalingan sa paglalaro ng basketball pero hindi naman ako ang gusto nya. Hanggang kailan kaya ako maghihintay na magustuhan nya! siguro pag nabura ko sa mundo si Rukawa hahaha.

"Anong tinatawa tawa mo dyan gung-gong?" tanong ni Rukawa.

"Wag kang madaldal Rukawa...

Naiinis talaga ako sa kayabangan ni Rukawa. Ano kayang nagustuhan ni Haruko sa pangit na to wala naman binatbat sakin. Kapag tinitignan ko si Rukawa mag laro nayayabangan ako., lalo na kapag maraming babaeng tumitili sa kanya!, hambog na Rukawa ubod ng yabang.

"Alam ko iniisip mo." nang iinis na sabi ni Rukawa.

"Tumahimik ka kung ayaw mong putulin ko yang dila mo...

"Hanamichi Sakuragi." tawag ni Ayako kasama si Ryota..

"Ayako anong ginagawa nyong dalawa dito?" tanong ko.

"Ikaw anong ginagawa nyong dalawa ni Rukawa dito?" balik na tanong ni Ayako.

"Hahaha hehehe hinatid ko si Haruko." ngiti kong sabi.

"Natin." sagot ni Rukawa.

"Pwede ba wag kang madaldal uumbagin na kita eh." galit kong sabi..

"Hahaha dalawa pala kayo naghatid hah hahaha." nang aasar na sabi ni kulot.

Hindi talaga ako matatahimik hanggang nabubuhay sa mundo si Rukawa ubod talaga ng yabang. Nakakainis...

"Sakuragi uuwi kana ba?" tanong ni Ayako.

"Bakit lilibre mo ba ako hahaha." natatawa kong sabi.

"Mahiya ka nga Sakuragi kay Ayako ka pa nagpapalibre." inis na sabi ni kulot.

"Ginutom kasi ako kanina sa police station hahaha...

"Police station? Anong ginawa nyo dun?" tanong ni Ayako.

"Nagkape." seryosong sagot ni Rukawa.

"Hahaha hanep! sa police station pa kayo nag kape hahaha." natatawang sabi ni Ryota.

"Napa away si Wezaki sa grupo nila Naito." seryoso kong sabi.

"Naito? sinong Naito?" tanong ni Ryota.

"Yung walang buhok pero ngayon may buhok na sya hahaha." nang aasar kong sagot.

"Di ko maimagine na may buhok na sya hahaha." natatawa ring sabi ni Ayako.

"Ayako gusto mo hatid na kita hehehe." nahihiyang sabi ni kulot.

"Ikaw kulot hah hahaha." nang aasar kong sabi.

"Kumain na muna tayo libre ni Rukawa hahaha." ngiting sabi ni Ayako.

Kumain kami sa restaurant ni bakulaw este ni Uozumi hahaha. Wala parin pinag bago si Uozumi bakulaw parin hahaha...

"Sakuragi sayo lang yan?" tanong ni Ryota.

"Oo hahaha...

"Uozumi kamusta na?" ngiting tanong ni Ayako.

"Ayos naman. Mabuti naman nagawi kayo dito." sagot ni Uozumi.

"Sakuragi parang di ka kumain ng isang linggo hahaha." nang aasar na sabi ni Ryota.

Pagkatapos namin kumain nagpaalam na kami kay Uozumi. Sarap talagang kumain lalo na pag libre hahaha! binigyan kami ng discount ni bakulaw bumabait din pala ang bakulaw hahaha..

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now