CHAPTER 52

1.1K 97 2
                                    

Sabay kaming nag jogging ni kuya dahil wala itong pasok ganun din ako. Gusto kong ikwento kay kuya ang pag babalik ni Hanamichi Sakuragi dahil di kami nakapag usap kagabi..

"Alam mo kuya nakalabas na si Sakuragi." ngiti kong sabi..

"Talaga? pero hindi parin sya pwede mag laro." seryosong sabi ni kuya.

"Sabi naman nya kuya itatanong pa daw nya sa doctor nya kung makakapag laro na sya." sagot ko.

"Haruko hindi basta injury lang natamo ni Sakuragi kaya malabo pang makapag laro ang gung-gong na yun." paliwanag ni kuya.

"Wag mo naman tawagin gung gong si Sakuragi kuya gumagaling na nga sya sa paglalaro ng basketball." ngiti kong sabi.

"Hahaha nagbibiro ka ba Haruko yung gung gong na yun gumagaling malabo yun. Siguro sa rebound maaasahan sya pero hanggang dun lang" natatawang sabi ni kuya.

Bakit kaya ganito si kuya Takenori kay Sakuragi hindi parin nya siguro makalimutan ang ginawa ni Sakuragi sa kanya. Basta ang alam ko magiging masaya nanaman ang gym dahil nag balik na sya at sigurado na ako na mananalo na ang team namin hindi lang second kundi first na dahil nandun din si Rukawa ang lalaking mahal ko hehehe..

"Hindi ka ba pupunta sa gym mamaya?" tanong ni kuya.

"Wala naman pasok kuya kaya bakit ako pupunta sa gym." sagot ko.

"Ikaw ang manager Haruko kahit walang pasok nagpa-practice parin ang team hindi mo ba alam yun." seryosong sabi ni kuya.

"Ay sorry kuya naku yari ako kay coach Anzai di ako nagpunta." natatakot kong sabi.

"Pagkatapos natin mag jogging sasamahan kita. Gusto ko rin makita si coach Anzai at ang gung gong na si Sakuragi." sagot ni kuya.

Bigla napanatag ang loob ko dahil sasamahan ako ni kuya. Ang totoo nahihiya parin ako kay coach Anzai hindi kasi ako katulad ni Ayako na makulit at madaldal. Ayoko rin mapagalitan ni coach dahil nakakahiya lalo na nandun pa si Rukawa! sabagay never pa naman ako napagalitan ni coach Anzai dahil nagagawa ko naman ang inutos nya...

Pagkatapos namin ni kuya mag jogging umuwi na kami at kumain para makapunta agad sa gym. Tinawagan ni kuya si Kogure para sumama at makita rin si Sakuragi nakakatuwa na kahit busy si Kogure nabibigyan parin nya ng oras ang team...

Sabay sabay kaming nagpunta sa gym kasama si kuya at Kogure. Siguradong matutuwa nanaman ang team kapag nakita si Kogure at kuya! sana nga mapanood din nila ang mga susunod na laban ng SHOHOKU katulad ng laban namin sa TAKEZATO.

Pag dating namin naglalampaso si Sakuragi ganun din si Rekori at Wezaki samantalang si Mitsui naman ay nakikipag kwentuhan kay coach Anzai at kay Ryota. Hindi mahagilap ng dalawang mata ko si Rukawa hindi siguro sya mag pa-practice hay!!!!....

"Gori anong ginagawa mo dito? bawal ng unggoy dito hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.

"Sinong unggoy?" galit na tanong ni kuya Takenori.

Hindi pa nakakapag salita si Sakuragi bigla itong inumbagan ni kuya. Tawa naman ng tawa si Rekori at Wezaki dahil hawak hawak ni Sakuragi ang ulo nyang may bukol.

"Bakit nauna umbag kesa paalam." bulong ni Sakuragi..

"Wala ka parin pinag bago gung-gong ka parin." inis na sabi ni kuya.

"Gori sobra kana...

"Tumigil kana Sakuragi. Nasaan ba si Rukawa?" tanong ni Ryota.

"Haruko nasaan nga ba si Rukawa?" tanong ni Sakuragi sakin.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now