CHAPTER 41

1.2K 100 11
                                    

Tinawagan ni Mitsui ang buong team kasama sila Sasaki at Satomi. Natatawa sila Satomi at Sasaki ng malaman na hindi marunong manligaw si Rukawa kaya ito humingi ng tulong sa team! pinagbigyan naman nila ang pabor ni Mitsui para tulungan si Rukawa kay Haruko.

"Sendoh ikaw na sumundo kay Haruko." utos ni Maki.

"Ano? Hindi pwede." galit na sabi ni Rukawa..

"Hahaha selos hahaha." natatawang sabi ni Kiyota.

"Kaming dalawa ba mag dadate? hahaha di ako nainform sana nagpalit ako hahaha." nang aasar na sabi ni Sendoh.

"Hindi kayo mag dadate susunduin mo sya kung saan sila mag dadate ni Rukawa." paliwanag ni Maki.

"Bakit si Sendoh pa magsusundo si Ayako na lang." seryosong sabi ni Rukawa.

"Sige kami na lang girls ang susundo hahaha." sagot ni Ayako.

"Ano bang plano?" tanong ni Fujima.

"Para akong tatay dito ako yung nagmamando sa inyo nasaan ba si Uozumi at Akagi." ngiting tanong ni Maki.

"Si Uozumi di pwede busy." sagot ni Sendoh.

"Hindi rin pwede si Akagi." sagot naman ni Mitsui.

"Ikaw talaga ang tatayong tatay ng mga yan hehehe." ngiting sabi ni Fujima.

"Tatay mo rin ano kami lang." sagot ni Ryota.

"Rukawa may nabili kana bang bulaklak?" tanong ni Maki.

"Wala pa." sagot ni Rukawa.

"Mitsui at Ryota bumili kayo ng bulaklak yung pinaka magandang bulaklak." utos ni Maki.

"Bakit kami? hindi naman kami ang manliligaw." inis na sabi ni Mitsui.

"Oo nga." sang ayon ni Ryota.

"Sige na bumili na kayo hahaha." natatawang sabi ni Sendoh.

Walang nagawa si Ryota at Mitsui kundi sumunod sa utos ni Maki. Binigyan ni Rukawa ng pera ang dalawa para bumili ng pinaka magandang bulaklak para kay Haruko. Talagang gusto nila maimpress si Haruko at talagang dinibdib nila lahat ang pag tulong kay Rukawa para maging successful ang first date ng dalawa.

"Rukawa pag tapos nito ilibre mo kami hahaha di ako pumasok para sayo hahaha." ngiting sabi ni Sendoh..

"Oo." sagot ni Rukawa.

"Rukawa wag mo sasaktan si Haruko hah ayoko kasi makakita ng babae na nasasaktan naaawa ako." seryosong sabi ni Kiyota.

"Makakaasa ka." seryosong sagot ni Rukawa.

"Bait naman ng bata ko hehehe." ngiting sabi ni Maki.

"Yan ang kainan hahaha." natatawang sabi ni Sendoh.

Inayos nila Fujima at Hanagata ang table at nilagyan nila yun ng design. Kinalat naman nila Kiyota at Sendoh ang petals ng bulaklak sa sahig! nilabas naman ni Koshino at Fukuda ang wine para kay Haruko at Rukawa.

Sa isang restaurant gaganapin ang date ni Rukawa at Haruko pinabook yun ni Maki kaya silang dalawa lang ang tao! maliban sa kanila at sa chef na kilala at kaibigan ni Uozumi.

"Sir ayos na po ang lahat pati food." sagot ni Chef David.

"Salamat po Chef." ngiting sabi ni Fujima.

"Rukawa umalis kana! magbihis ka dalin mo na sasakyan ko. bilisan mo hindi pwedeng mauna sila Haruko dito." utos ni Maki.

"Mag bibisikleta na lang ako." sagot ni Rukawa.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now