CHAPTER 22

1.2K 103 0
                                    

Maaga akong nagising pero tinatamad akong pumasok. Naaalala ko yung nangyari sa amin ni Rukawa! Hindi ko naman sya gustong iwan. Nahihiya na kasi ako kung sya nanaman ang maghahatid sa akin! isa pa gusto ko na rin syang iwasan dahil yun naman ang gusto nya.

"Haruko hindi ka ba papasok?" tanong ni kuya.

Tumayo na ako pero nahihilo ako. Wala naman school activities ngayon kaya di masyadong busy sa school! hindi ko alam bakit ang sakit ng ulo ko nahihilo ako...

"Haruko." sigaw ni kuya...

"Kuya." nahihilo kong sabi...

Nilapitan ako ni kuya at nagulat sya dahil ang taas ng lagnat ko. Ang totoo sakitin ako kaya nga siguro mahina ako.

"Wag kanang pumasok Haruko ako na magsasabi kay Ayako na may sakit ka." seryosong sabi ni kuya.

"Sige kuya." sagot ko.

Hindi na ako umakyat sa kwarto nahiga na lang ako sa sofa nilalamig kasi talaga ako. Iniisip ko si Rukawa sayang hindi ko sya makikita pero ayos lang iniiwasan ko din naman sya eh. Bakit kaya bigla syang naging mabait sakin kagabe tapos sinubuan pa nya ako.

SHOHOKU HIGH SCHOOL

"Practice na." sigaw ni Ayako...

"Gori ano nanaman ginagawa mo dito hahaha." natatawang sabi ni Sakuragi.

"Coach Anzai hindi makakapasok si Haruko may sakit sya." paliwanag ni Akagi.

"Ano si Haruko may sakit kawawa naman si Haruko my love." nalungkot na sabi ni Sakuragi.

"Si Haruko may sakit?" seryosong tanong ni Rukawa.

"Kasasabi lang may sakit nga di ba! bingi ba kayong dalawa hahaha." nang iinis na sabi ni Mitsui.

"May sakit si Haruko hahaha." nang aasar na sabi ni Ryota.

"Ayos lang Akagi pakisabi kay Haruko magpagaling sya." ngiting sabi ni coach Anzai.

"Kamusta na po si Haruko makakapasok po ba sya bukas?" seryosong tanong ni Rekori.

"Hindi ko pa alam kung bumaba ang lagnat nya papasok na sya bukas nahihilo pa kasi sya." sagot ni Akagi.

"Naku baka buntis si Haruko hehehe." ngiting sabi ni Ryota.

Dahil sa sinabi ni Ryota naka tikim sya ng umbag kay Akagi. Nagtawanan naman si Mitsui at Sakuragi dahil sa ginawa kay Ryota! hindi naman nagsasalita si Rukawa at seryoso lang nakaupo.

"Pwede ba dalawin ko si Haruko?" tanong ni Ayako.

"Pwede sama ako hahaha wala naman ako gagawin sa bahay." ngiting sabi ni Ryota.

"Si Haruko ba talaga dadalawin mo Ryota? popormahan mo lang ata to si Ayako eh hahaha." nang aasar na sabi ni Mitsui.

"Hahaha wag ka maingay." bulong ni Ryota kay Mitsui.

"Sayang di ko madadalaw si Haruko may exam kasi kami tapos ng practice natin." nalungkot na sabi ni Sakuragi.

"Exam? kailan ka pa nag aral hahaha." natatawang sabi ni Akagi.

"Hahaha nagbabagong buhay na yan si Hanamichi Sakuragi mula ng tamaan kay Haruko hahaha." natatawang sagot ni Ayako.

Pagkatapos ng practice umuwi na si Mitsui at pumasok naman si Sakuragi. Sumama naman si Ryota at Ayako kay Akagi para dalawin si Haruko. Hindi naman umalis ng gym si Rukawa at nag sanay ito..

Haruko POV

Nagulat ako ng kasama ni kuya si Ryota at Ayako. Dinadalaw kaya nila ako? ang sweet naman ni Ayako at Ryota nag dala pa ng pagkain.

✅ 𝐒𝐈𝐋𝐄𝐍𝐓 𝐑𝐎𝐎𝐊𝐈𝐄Where stories live. Discover now