Chapter 36

10.9K 169 40
                                    

Z A I R A

Nakapagdesisyon na ako. Ako nalang mismo ang hahanap sa asawa ko. Kung saan 'man siya itinago ng mga magulang niya ay sisiguraduhin kong mahahanap at mahahanap ko siya. Ang mag-mukmok sa kuwarto ay hindi sapat para bumalik si Xander.

Lalo na at nakalimot na siya.

Kung ito lang ang paraan para hindi na maging malamig sa akin si Larzene ay gagawin ko, para sa kanya at kahit h'wag nang bumalik ang masaya naming pamilya. Basta kumpleto kami at nakikita kong masaya si Larzene kasama si Xander ay masaya na rin ako. Kahit hindi na bumalik ang dati...basta kumpleto kami, ay sapat na.

Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na bumalik na si Xander at sabik na sabik na akong makita siya. Para saan pa ang umupo dito buong araw para hindi gumawa ng sarili kong galaw para hanapin siya 'di ba? Kahit naman na pinapahanap ko na siya sa mga pinagkatiwalaan kong mga bodyguards ay hindi sapat, mas maigi ang hanapin ko siya mismo.

Ako mismo ang hahanap sa kanya.

Kahit tanungin ko si Lily ay wala rin daw siyang makuhang impormasyon kung saan puwede nilang itago si Xander. I'm almost so being hopeless pero para saan pa ang sumuko? Hindi ko na hahayaan pang malayo pa sa akin si Xander.

"Siguradong-sigurado ka na talaga, Zai?" Saka lang ako tumigil sa pag-e-empake ng magsalita si Lily.

"Kailangan ko, kailangan ni Larzene si Xander, ayokong lumaki si Lexus na hindi niya makikilala si Xander..." Umiling ako at hinarap siya. "Hindi ko masikmura na wala ang ama nila." Talagang hindi ko kaya.

Ilang araw ko rin itong pinaghandaan dahil kailangan kong mag-ipon ng maraming lakas ng loob para matapang kong mahaharap ang mga kung sakaling mangyari. Dahil unang-una, para naman ito sa mga anak ko at sa ikakabuti nila, kasi, mahal na mahal ko sila.

"Hindi ko na ba talaga mapipilit na samahan ka?" Ilang beses na rin niya tinatanong sa akin 'yan.

Marahan akong umiling at ngumiti -- syempre, 'yung malungkot. "Kaya ko na mag-isa," wika ko.

Naglabas na lamang siya ng mabigat na buntong hininga at hinawakan ako sa kamay. "I'll be there mom for a while, 'wag kang mag-alala, aalagaan ko sila ng mabuti...para sa 'yo, para kay Kuya."

"Maraming salamat talaga, Lily. Hindi mo alam kung gaano kalaki ang naitutulong mo."

Tumango nalang siya at tinulungan na akong mag-empake ng mga gamit ko. Pinababa ko na rin ang mga dala ko at binalingan ko si Larzene na nakatingin lang sa akin.

Lumapit ako sa kanya at lumuhod. "I will find your Dad, Baby. Don't worry, pagbalik ko, nandito na siya. I promise." Hinalikan ko siya sa noo at in-amoy-amoy ang kanyang buhok, ma-mi-miss ko ng sobra ang panganay ko!

Bago pa ako tumayo ay hinawakan niya ang braso ko. "B-be safe..."

I hugged her, tight. "I will," sabi ko at ramdam ko na rin na niyakap niya ako.

Pero, bago pa magbago ang isip ko ay kumalas na ako sa yakapan namin at ibinilin na rin sa kanya at tignan-tignan ang kanyang kapatid. Pumayag naman siya sa gustong mangyari kaya ngumiti ako sa kanila bago ako tuluyang sumakay sa aking kotse.

Pinaharurot ko na iyon at bahala na kung saan ako dadalhin nito.

Itinigil ko na muna ang sasakyan ko sa isang tabi dito sa may highway at sinagot ang tawag. "Hello?"

"Zaira! S-salamat naman at nasagot mo ang tawag ko!" Tinignan ko ang screen at nakita kong hindi naka-rehistro ang numero na iyon.

"Sino 'to?" Tanong ko.

PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon