Chapter 18

11K 189 9
                                    

ZAIRA

Sa ngayon, medyo nahihirapan na talaga akong tumayo. Mas maingat na ang mga kilos ko kaysa sa mga nakaraang buwan. Pati na rin si Xander ay halos hindi na pumapasok para asikasuhin kaming dalawa ni Lexus Brylle.

Yes, it was a boy.   

Sa sobrang galak ni Xander ay gustong-gusto na niya talaga malaman ang kasarian ng susunod kay Larzene. Kaya sa sobrang excited, nakabili na rin ng mga kagamitan para sa aming baby boy. Kinuntsaba niya pa si Larzene sa pamimili ng mga gamit, kaya ibang klase na talaga ang tandem ng mag-ama ko.

"H-Hub..." I said as I struggle from standing up from bed.

Tumakbo siya papunta sa direksyon ko at inalalayan akong makaupo sa gilid ng kama. Itinapat na rin niya sa paa ko ang isang pares na tsinelas, agad ko naman isinuot 'yon at marahang hinaplos ang tiyan ko. "Baby boy, good-morning," Sambit ko.

Itinaas ko ang ulo ko at muli akong yumuko dahil nakita ko si Hub na hinahaplos na rin ang aking tiyan. "Malapit ka nang lumabas. Your handsome Dad is so excited to see you."

I chuckled, si Hub talaga. "Alam mo ba, sobrang excited na talaga ang Dad mo sa pag-labas mo."

Tumango naman si Xander at saka niya hinalikan ang gitna ng tiyan at marahan din na hinaplos 'yon. "Handa na ang lahat anak ko, ikaw nalang talaga ang kulang."

Ginulo ko ang buhok ni Hub. Umupo na rin siya sa tabi ko at hinalikan ako sa gilid ng aking noo. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil-pisil 'yon. I smiled when his head touched my shoulder. Pareho pa rin naming hinahaplos ang tiyan ko at nanatili sa ganoong posisyon.

Nakakatamad na rin kasi tumayo lalo na at bawal ako sa mga gawaing bahay. Hindi na talaga ako pinahawak ni Hub sa kahit na ano pang gawaing bahay. Ginusto ko rin naman 'yon dahil nakakatamad din na gumawa ng mga gawaing bahay. Kaya ang ginawa ko nalang, inalagaan ng mabuti ang aking nasa sinapupunan.

Kada buwan na rin ang check-up namin para mabantayan talaga ng maigi ang kalagayan ng baby boy namin. Malapit-lapit na rin ang due ko kaya pinaghahandaan namin ngayon ni Hub. I know, everything will be perfect when baby Lexus arrives.

"Hub..." I called him. "...Matatapos na rin ang pagtitiis mo." Malambing na saad ko sa kanya.

"Yeah. But, I will miss it too." Sabi niya at hinalikan ang balikat ko. Ramdam ko naman ang ngiti niya, kaya ako ay napasabay na rin. "Pero, mas na-miss ko ang love-making natin."

Hinampas ko siya sa braso. "Hub?!"

He winked at me and kissed the back of my hand. "I'm dead serious about that." Ngumisi siya sa akin.

Inirapan ko nalang siya. Kahit kailan talaga. Pero, na-miss ko rin ang tungkol doon. Ilang buwan din nakapagpigil si Hub 'no! "Ikaw talaga," Sabi ko na lamang.

Tumayo siya at inalok ang kamay niya sa akin. "Want to visit the nursery room of our baby boy?"

"Tapos na siya, Hub?" My eyes twinkled.

He nodded. "That's his nursery for the meantime."

"Okay." I held out his hand and guided my body to stand up. Ang hirap na talagang tumayo sa ngayon.

Lumabas na kami ng kwarto at inalalayan ako ni Hub papunta sa kagagawa lang na nursery room ng aming baby boy. Nang buksan na namin ang pinto ay nandoon na rin si Larzene at kumukuha ng mga litrato.

"Mommy! Dad!"

Tinakbo niya si Hub at sinalubong naman ni Xander ng karga ang anak. I was amazed by how it was arranged, ang galing talaga na Architect ni Hub — flawless. May crib na siya rin ata ang nag-disenyo na nakalagay naman sa isang gilid. Lumapit ako dito at pinadaan ang mga kamay ko sa makinis na kahoy nito.

PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon