Chapter 35

11.2K 181 50
                                    

Z A I R A

Mas masakit. Mas mahapdi. Hindi ko na rin alam kung ilang buwan na ang lumipas dahil ayoko nang tandaan ang araw na inilayo nila sa akin si Xander. Hindi 'man lang ba nila naisip ang mga bata? Kailangan nila ng ama! Kay Lily ko pa talaga nalaman na ipinadala nila sa ibang lugar si Xander nang hindi ko alam. Pero, masisisi ko ba sila? Ako naman ang may kasalanan kung bakit nila inilayo si Xander sa akin, e.

Simula noong araw na nalaman ko 'yon ay wala akong nagawa kung hindi ang tanggapin nalang. Kailangan kong tanggapin. Sobrang sakit, oo, nalayo na naman siya sa amin. Mas matindi ang sakripisyo na kailangan kong panindigan sa bawat araw na wala siya sa tabi ko.

How can I retrive the memories he had with me if he is not by my side?

Isa rin naman sa mga kinatakutan ko ay paano kung may makilala siyang ibang babae? 'Ni hindi nga niya ako maalala e. Paano kung may nabuo siyang feelings para sa ibang babae na 'yon? Napailing ako, alam kong hindi mangyayari 'yon.

"Baby, please, eat your lunch..." I pleaded at my daughter.

"I am only going to eat when Dad is here! I hate you, Mommy! I hate you!" She screamed and walked out fast.

Pinunasan ko ang luha na tumulo sa pisngi ko at pinuntahan naman si Lexus na nilalaro ang kanyang toy car. I smiled bitterly, paano kung lumaki si Lexus na walang kinagisnang ama? Paano kung dumating ang araw na magtanong siya? Sana, bumalik na kaagad si Xander sa amin.

Mahirap. Sobrang hirap na.

Binuhat ko siya at umupo sa sofa. My son is still in the process of breastfeed kaya mas gusto kong nasa ganito siyang proseso hanggang magdalawang taon na siya. Gano'n din kasi ang ginawa ko kay Larzene kaya malakas ang ang resistensya niya.

Gusto ko na namang maiyak. Halos lahat sila ay nandidiri sa akin -- lalo na sila Mama at Papa. Hindi daw nila akalain na magagawa ko 'yon, ikinahiya na nila ako simula noong araw na iyon. Walang humpay naman ako sa kahihingi sa kanila ng tawad, pero patuloy lang nilang tinataboy ako.

"Na'ko, Zai. Hindi na maganda 'yan." Napalingon ako kung saan nanggagaling ang boses.

"L-Lily," tawag ko.

Dito na rin siya halos tumutuloy muna, ang eksplenasyon naman niya ay ang hindi naman daw siya tanggap sa loob ng mansion ng mga Del Valle. "Tumigil ka nga sa kaka-iyak mo buong araw, hindi na maganda ang resulta, o!"

Kahit naman minsan ay pinapagaan niya ang loob ko. "I can't," I said and she wiped a tear from my cheek using her thumb.

"Kailangan mong maging malakas, Zai. Marami na kayong napagdaanan noon, kaya panigurado na malalagpasan niyo rin ito." She encouraged me.

Inayos ko ang sarili ko at ikinandong si Lexus. "Ang hirap...sobra," paos kong sabi.

"Shh...sinusubok lang naman Niya kung gaano ka katatag. Everything happens for a reason, Zai." Pinisil-pisil niya ang daliri ni Lexus. "This child will always symbolize of him, Zai. Hindi ka naman siguro papayag na magiging ganito habang-buhay 'di ba?"

Tumango ako ng mabilis at hinalikan sa ulo si Lexus. "Dapat lang, sana nga bumalik na rin siya."

"He will. Pero, kung sakaling makabalik siya ay maayos na ang lahat sa inyong dalawa." She tapped my shoulders and smiled.

"Sana nga, Lily..." mahinahon kong sinabi.

"Malakas kang babae, Zaira." Huminga siya ng malalim. "'Wag kang basta-basta sumuko."

Tumango-tango ako. Yes, I will and will be. Kailangan ko ito dahil alam kong maghihintay at maghihintay ako para sa kanya -- para sa pamilya namin.

PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon