Chapter 13

10.5K 204 10
                                    

XANDER

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko!"

Ngumiti nalang ako ng nakakaloko. Kausap ko lang naman si Mike sa telepono at panay ang reklamo dahil, sobra daw talaga ang mood swings ni Aubrey. Puta. Ako pa talaga ang tinawagan niya para dito? Hindi nalang sa OB ni Aubrey? "Ganyan talaga siya Mike. Kahit noong ipinag-bubuntis niya si Aireen," Sagot ko.

Narinig ko pa siyang bumuntong-hininga ng mabigat sa kabilang linya. "Paano ba naman kasi, magpapabili ng kung ano-ano, tapos hindi naman pala kakainin!" Sige Mike, reklamo pa.

Natawa nalang ulit ako. "Kailangan ng mahabang pasensya kapag nag-bubuntis ang asawa mo, Mike."

"Puta! Siyam na buwan ko 'tong titiisin?!"

Nag-kibit balikat nalang ako. "Oo naman, brad."

"Tangina! Sana lang talaga malagpasan ko 'to!"

"Unang beses mo kasi, 'di ba?"

"Pero, alam ko namang magiging sulit 'yon kapag isinilang na ang anghel na susunod kay Aireen."

Ito talagang kumag na 'to. "Siyempre naman!"

"Hoy! Sino 'yang kausap mo—"

Siraulo talaga. Binabaan na ako. Ang aga-aga tapos mang-bubulabog! Buti nalang at naka-vibrate ang cell phone ko, kaya buti nalang at hindi na nagising si Zaira. Sayang ang magandang tulog ng asawa ko.

"Hub?"

Agad akong napa-lingon sa kanya at ngumiti. Tinabihan ko siya at hinaplos ang maganda niyang mukha. "You're awake, Wife."

"May kausap ka?"

Tumango-tango ako. "Si Mike. Nag-rereklamo tungkol sa pag-bubuntis ni Aubrey."

Bahagya siyang tumawa. "Humanda ka kapag ako naman ang nagka-roon ng anghel dito sa sinapupunan ko," Pag-babanta niya sa akin.

Tss. Ako pa, matatakot? Sanay na ako diyan! "'Wag mo aking tinatakot-takot diyan a. Mahaba na ang pasensiya ko."

"Talaga? Kung siya nga kaya niya—" Naka-ngisi niyang tanong sa akin.

Nakakuha sa akin 'yon ng atensyon. Napayuko nalang ako. Gustuhin ko mang mag-basag na ng gamit ay hindi ko magawa. Bakit ba kasi pumasok sa isipan niya 'yon? Nakaka-panghina naman. Hindi na tuloy maganda ang araw ko. Tangina.

"Oo na. Alam kong mas higit siya kaysa sa akin," Puna ko.

Hindi ko magawang tumingin sa kanyang mga mata. Maski siya ay nagulat din sa muntikan na niyang gustong ipahiwatig. Sinabi ko naman sa kanya kayang-kaya kong doblehin 'yon e. Bakit ba kailangan niya pang ipamukha sa akin na parang wala akong binatbat kaysa sa kanya? Tangina lang!

"Hub—"

"Handa na ang agahan. Bumaba ka nalang," Malamig na sinabi ko sa kanya at tumayo na.

Tinungo ko ang pinto at tuluyan nang lumabas at bumaba. Napa-upo ako sa sofa at napa-takip ng mukha. Naaalala pa rin ni Zaira si Kuya? Puta! Kaya ko namang daigan 'yon e! Tangina! Ngayon, ang lakas niyang ipamukha sa akin na sobra-sobra ang ginawa niya kaysa sa akin? Nang-gigigil ako! Ang sarap sumuntok ng pader!

Mapapamura ako sa sakit e!

TUMAYO nalang ako at umakyat muli. Hindi ko na tinignan si Zaira kahit na nasa tapat ko siya. Maliligo nalang ako. Baka sakaling lumamig pa ang ulo ko. Puta.

Tuluyan na akong pumasok sa banyo at ibinabad ang sarili ko sa tubig. S-hit. Ang sakit lang. Sana nalang hindi na niya ipag-kumpara sa kanya dahil alam kong walang-wala ata ako sa kanya. Kaya siguro mas gusto nila si Kuya kaysa sa akin dahil mas kaya niyang tugunan ang pangangailangan ng mag-ina ko.

PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon