Optional Epilogue

34.5K 346 109
                                    

Since tinatamad akong mag-sulat ng Special Chapter/s...ito nalang ang naisipan ko. Sana mas okay na ito kahit walang special chapters? hihi

----------

XANDER

I heard her crying again. Para akong pinapatay sa tuwing naririnig ko siyang humagulhol. Halos gabi-gabi, ganito. Masasaganang mga luha na naman ang pumapatak sa magagandang mga mata niya.

Huminga ako ng malalim. Ipinihit ko ang seradura ng pinto at tahimik na nakapasok sa loob ng kanyang kwarto. Nakatalikod siya mula sa akin at kitang-kita ko kung paano tumaas-baba ang kanyang mga balikat.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya kaya napasinghap siya.

"X-Xander..." Itataas na sana niya ang kanyang kamay, pero, pinigilan ko siya.

Pa-tayo ko siyang hinila sa akin at mabilis na ikinandong sa hita ko. Hinarap ko ang mukha niya sa akin at inangat ang dalawang kamay ko para hawakan ang makinis niyang mukha.

"Xander, bakit?" Umiling ako at marahan na pinahid ang mga luha na pumapatak pa rin sa mukha niya.

That's what we both need right now -- Forgiveness.

"Stop crying," I said to her. "Hindi bagay sa 'yo." Inalapit ko ang mukha ko sa kanya. "Beginning from this time, we'll start anew." Nakita kong kumislap ang mga mata niya nang dahil sa sinabi ko. "Kasi, alam ko rin sa sarili ko na...mas matimbang pa rin talaga ang pagmamahal ko sa 'yo kaysa 'yung galit na nararamdaman ko dito."

Hindi siya makapagsalita kaagad. "X-Xander...kailangan siguro muna natin ng space?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Gusto ko, mag-isip-isip muna tayong dalawa para maumpisahan din natin itong bagong pagkakataon para sa pamilya natin."

"Ayoko. Dito ka lang. 'Wag mo kaming iiwan. Tangina." Parang ayoko ko kaagad ang iniisip ko. Baka, aabot ng ilang taon ang hinhiling niyang espasyo mula sa akin.

"Xander, kailangan natin 'tong pareho. Isipin mo rin 'yung mga bata. Ewan ko...pero, pakiramdam ko, napapagod na ako." Napangiwi ako sa sinabi niya. Napapagod?

"Hindi ka aalis o pupunta kahit saan, Zaira. Kahit na ilang oras o minuto pa ang hilingin mo -- hindi. Hindi ako papayag sa gusto mo." Bumagsak ang balikat niya.

"'Wag naman sanang dahilan ang 'awa' para patawarin mo ako, Xander." Napatigil ako sa sinabi niya.

"How many hours? Minutes? Seconds?" I asked her. Ayokong maghintay. "Don't make me wait days, Zaira."

Tumingin siya sa akin na para bang hindi at ayaw niyang pumayag sa mga sinasabi ko. Her eyes were pleading. Umiwas ako ng tingin. That's my weakness. "Please, Xander? Para sa mga bata ito. Para sa mga taong naapektuhan sa ginawa ko. Para sa mga taong...gusto kong makabawi. Sa pamilya natin."

"Will we be able to accept each other again, when that time comes?" I asked her. Na-miss ko siya tuloy kaagad.

"We both need to think. Kung sakaling bibigyan pa ng isa pang pagkakataon ang pamilya natin." Hinalikan niya ako sa gilid ng aking labi kaya napayuko ako. I wanted to meet her lips, but she refused. Napangiwi ako. "Alagaan mo muna ang mga bata, ha?"

Wala na akong ibang ginawa kung hindi ang yakapin siya. Bigla akong bumigay. Yes, she is the center of all of my weaknesses. Narinig ko pang mas lalong bumigat ang paghinga niya kaya hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

Zaira...Zaira...Zaira...

"Yes. I will," mahina kong sagot.

===

Naghintay ako. No phone calls, text messages, or any other communication-related within us. Walang araw na sana dumating na siya para mabuo na ulit kami at para mabigyan ng pangalawang pagkakataon para sa pamilya namin.

Is five months now enough?

I kept counting days and weeks.

Hindi na ako mapakali. Palagi akong nag-a-abang. Alam ko namang na isang proseso 'yon at laking pasasalamat ko dahil naging matatag ako para kila Larzene at Lexus. Saka ko lang napagtanto na naging mahirap nga ang sitwasyon ni Zaira noong mga panahon na nakalimot ako.

Halos hindi ka makatulog. Lalo na pagdating kay Lexus na umabot sa isang araw na humingi ako ng tulong sa aking ina.

"Dad, it's already eighty plus days when Mommy left us." Napatingin kaagad ako kay Larzene na masayang nakaupo sa damuhan dito sa garden.

"We'll wait for her, my precious one. Okay?" I smiled, encouraging her. Siya talaga ang ang eksaktong replika ng mahal ko. When will she come back?

Tumango nalang siya at saka ako tumingin sa baba ko. Hawak-hawak ko pala si Lexus at sa ngayon ay tinuturuan ko na siyang maglakad. "Mm...Mm..." Natuwa ako. Kahit hindi niya pa masabi sa akin, alam ko, ang aruga ni Zaira ang kailangan niya.

"Mommy," I said to my junior. I took out my wallet and showed him our wallet size picture and pointed out on her. "She'll come back soon, son." He leaned at me and he suddenly grabs my thumb and pinched it. I smiled even more and kissed him on his head.

"S-sir!" Napalingon ako bigla sa aking likod at nakita kong isa sa mga katulong ang hinihingal.

"May problema b--" Umatras bigla ang katulong at biglang tumambad sa akin ang mukhang matagal ko nang hinihintay. Napatayo ako, napaluha.

Tumigil bigla ang mundo ko. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Hanggang sa hindi ko namamalayang nasa tapat ko na siya. Nakaupo at maluha-luhang nakangiti. "Xander..." Napapikit ako sa ganda ng boses niya.

"Dad! Dad!" Napamulat ako muli at nandiyan pa rin siya sa aking paningin. Walang nagbago.

Kayakap na niya ang dalawang anak namin at pareho silang naghahagikhikan. Itinaas ko ang kamay ko at hinawakan ng palad ko ang makinis niyang mukha. "T-totoo nga."

"Ako nga. Xander naman, 'wag ka namang tumunganga diyan!" Sita niya.

Wala na akong pake kung nasa harapan kami ng mga anak namin. Kailangan ko ngayon ay ang maramdaman siya. 'Yung halik na ipinagkait sa akin, ang init ng temperatura ng katawan niya...lahat ng sa kanya.

"You're back. For good?" She nodded and I kissed her again a lot of times in her approval. "Hindi mo na kami iiwan? Ulit?" Tumango ulit siya kaya mas lalong hindi ko na natago ang mga emosyon ko.

"Well, this is the right time for any kinds of chances to build our family again." Tumango-tango ako sa sinabi niya at nanggigil na yakapin siya.

"I miss you. We'll start anew. We'll both make sure we are right on track in our family and marriage life." Oh God, thank you for not making it this long that I will wait for her.

"I love you..." Sabi niya at ipinaubaya muna sa mga kasama sa bahay sila Larzene at Lexus.

Mabilis kaming umakyat sa aming kwarto habang hindi pa rin naaalis ang ngiti sa bawat isa. Magkadikit ang noo namin habang dinadama ang pisngi ng bawat isa.

"Mahal na mahal kita, Zai." Madamdamin kong bulong sa kanya. Hinapit ko siya palapit sa akin at sinakop kaagad ang katawan niya ng yakap.

"Mas na-miss ko yung mga bata. Hindi ba pwedeng sila muna?" I glared at her. She laughed. "Xander naman, e."

"No. Ako muna. Ang hirap ng limang buwan na bakante ako," I said to her and she agreed.

The rightful ending for us and for our family. Forgiving her. "Loving you forever..." I whispered and we both gave each other the love and longing we are craving for.

---

To be honest, kung ito SAKALI ang magiging TUNAY na Epilogue ng istoryang ito, mawawalan ng kwenta at bisa ang kwento nila Larzene at Lexus / the second generation of their family/ies.

zamerra

🎉 Tapos mo nang basahin ang PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5) 🎉
PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon