Chapter 3

19.2K 230 14
                                    

ZAIRA

HALOS magda-dalawang araw na kami nila Xander dito sa bahay nila Mike at Aubrey, and it was fun. Masaya kasi nakaka-usap namin ang isa't-isa at masayang nagkwe-kwentuhan.Akala ko isang araw lang kami dito. Pero kasi si Larzene aya ng aya na gusto pa daw mag-stay dito. Kaya ayan spoiled ni Xander. Pinag-bibigyan naman.

Ok lang naman daw kila Mr. and Mrs. Benitez kasi wala naman daw kalaro si Aireen nila. Gusto rin sana namin na lumipat ng subdivision, pero malayo kasi ang bahay nila sa DVG e.

Summer break pa lang naman ng mga bata kaya malaya silang mag-laro laro muna.

"Besh..." o, si Aubrey pala.

"Bakit Besh?"

"Sorry talaga sa mga ginawa ko noon a?"

Sus! "Ano ka ba! Past is past Besh! At saka wala na 'yon sa akin!" sabi ko.

"I know that yung mga ginawa ko noon sa'yo ay sobra-sobra." malungkot niyang sinabi.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na pinatawad na kita! Tignan mo! Super bff's na nga tayo e!" sabi ko sa kanya.

Gumaan naman ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Talaga Besh? Na'ko I love you na talaga!"

"Ikaw pa, Besh!" we sweetly smiled at each other at hinawakan ang kamay ng bawat isa para pag-masdan ang palubog na araw sa harapan namin.

"Besh... May plano ba kayong sundan si Larzene?" biglang tanong ni Aubrey.

"Hmm. Meron pero 'wag muna siguro ngayon." Sagot ko.

"Ha?! E, halos anim na taon kang nabakante!" sabi niya.

Natawa ako. "Ikaw rin naman, Besh h!"

"Ay, oo nga 'no?! Haha... Pero kasi ang hirap talagang manganak, Besh!"

Na'ko sinabi mo pa! "Mahirap nga talaga, Besh! Alam mo 'yon?! Parang bato ang lumabas sa ano mo!"

Natawa kaming dalawa. "Korek ka diyan, Besh!"

"Beh!" o, si Mike pala.

Napalingon kaming dalawa kay Mike na hingal na hingal. Siguro hinanap kami nito.

"Bakit Beh?" takang tanong ni Aubrey.

"Mahal na mahal kita, Beh!"

Haha! Ang sweet ni Mike! At tignan mo nga naman! Namumula si Besh o!

"Ikaw talaga, Beh! Tumakbo ka ba dito para sabihin sa akin 'yan?!" sigaw ni Aubrey.

Nakita kong lumapit si Mike kay Aubrey at hinalikan siya sa labi. "I would just like to say that I really love the both of you." wow! Feel ko 'yon! Haha!

Well, Besh is really lucky to have Mike as her companion in life. At sa wakas, nahanap din ni Mike ang babae na para sa kanya. In an unexpected time pa, 'di ba?!

"Beh! May nanonood o!" reklamo naman ni Besh.

"Then let her be one of our witness." sweet na sinabi ni Mike. Aww.

Nakita kong niyakap ni Mike mula sa likod si Aubrey. At nakita kong nagka-salubong ang kanilang dalawang kamay na may suot na makikinang na gold wedding rings. Ang sarap nilang tignan.

"Wife."

Xander naman e! Parang mushroom! Bigla-bigla nalang susulpot! "H-Hub!"

"'Yan ka nanaman... Hindi mo nanaman ako napansin. Can't you see?! I was just right here on your left side!"

Na'ko po. "H-hindi kita napasin, Hub! Sabay ba kayong pumasok ni Mike?" inosente kong tanong.

"Yeah." malungkot niyang sinabi.

PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon