Chapter 17

11.6K 171 9
                                    

MIKE

"Ayaw mong ibigay?! Hindi ka bibili?! O baka gusto mong humiga sa sahig mamayang gabi?!"

Napahilot nalang ako sa aking noo. Ganito nalang palagi ang aking asawa. Parang bata, kapag hindi naibigay ang gusto ay daig pa ang bulkan kung sumabog! "Ah - e - Bibili naman ako Beh. P- pwede bang mag-hintay ka nalang?"

Sana naman pumayag siya. Naka-boxers lang ako! Tapos, pinapalabas niya ako ng nakaganito? "Sexy ka naman sa suot mo, Beh. At saka..." Lumapit siya sa akin. "Nagugutom na talaga ako e."

Ngayon, gumagamit naman siya ng kanyang alindog sa pagmamakaawa. Ano pa ba ang magagawa ko? E, 'di sundin ang misis ko! "Pero, pwede bang magbihis muna ako ng damit, Beh?"

Tumango nalang siya. Salamat naman. Bumangon na ako mula sa aming kama at saka dumiretso sa banyo para makapaghilamos ng mukha. Lumabas ako muli at kumuha ng damit mula sa lalagyan ng damit ni Aubrey. Agad na akong nagpalit at lumabas na.

Nakita ko namang nakatayo ang aking asawa sa salamin. "Beh..." tawag niya sa akin.

"Bakit beh?"

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Hinaplos ko ang naka-umbok na tiyan niya. "A-ang taba ko na... ulit."

Hinalikan ko siya sa pisngi at tinignan ang mga repleksyon sa salamin. "Mabilis ka namang makapagbawas ng timbang 'di ba?"

"Oo nga, pero hindi ka ba napapangitan sa akin?"

Soft chuckle was being produced by mine. "Hindi." Simple kong sagot.

Her face was enlightened. "T-talaga?"

Tumango ako at inilapat ang baba ko sa balikat niya. "Sa ngayon, kayo ni Aireen ang pinakamagandang mga babae sa akin." Hinalikan ko ang balikat niya. "Mga anghel na biglaan ang dating - na agad din namang kumumpleto sa akin."

Nasilayan ko ang ngiti mula sa kanyang mga labi kaya napangiti na rin ako. Ngiti palang talaga ng asawa ko e, manlalambot na ang mga tuhod mo sa sobrang ganda niya. Kaya hindi ko masyadong pinapalabas ng bahay, baka mahumaling ang mga kapitbahay naming mga lalaki. Delikado na.

"You accepted me for who I am, Mike. Thank you so much," Maluha-luha niyang sinabi.

Humarap siya sa akin at sumubok na yakapin ako. "Ugh! Hindi na kita mayakap!"

Anim na buwan at kalahati na kasi ang laki ng tiyan ng asawa ko. Pero ngayon, mas nakokontrol na niya ang pagiging emosyonal niya. Pero, sa pagkain? Hindi ata. "Okay lang, Beh. Ako nalang ang yayakap sa'yo. Pero, sa likod lang muna a?"

Sumimangot siya at saka ko siya niyakap sa likod at hinalikan ang pisngi, sabay na rin ang paghaplos sa paparating na anghel namin. "Sobrang excited ka nang makita ng Papa," Kausap ko sa kanya.

Pero ilang segundo palang ay- "Beh! Naramdaman mo 'yon?!"

"Shit!"

Pinalo niya ang kamay ko. "'Wag kang mag-mura!"

"P-pasensya na... Pero, gano'n pala ang pakiramdam?!" Sumipa ang anak ko! "A-ano ba ang ibig sabihin kapag sumipa ang bata sa loob ng tiyan?"

"Sumagot lang siya sa sinabi mo," Paliwanag naman niya.

Tumango nalang ako at pumunta sa harapan niya at pinantayan ang lebel ng tiyan ng asawa ko. Hinaplos ko pa ito at hinalik-halikan. Hindi ko maiwasang humanga sa sarili ko, sharp-shooter ata ako.

"Tama na ang lambing! Bili na!"

"O-opo, Misis!" Kumaripas nalang ako ng takbo at binili nalang ang gusto ng aking asawa...

PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon