Chapter 4

18.8K 245 11
                                    

ZAIRA

SINABAYAN namin ni Hub na mag-toothbrush si Larzene. We are doing this every time kapag tapos na kaming kumain ng breakfast, lunch at dinner. Ang galing din kasi parang bonding na rin namin itong tatlo. Nagka-tinginan kami ni Hub, at kumindat nanaman siya sa akin... Haha! Ang gwapo e!

Mas lalo tuloy napa-bilis ang paggalaw sa toothbrush sa bibig ko!

"Done!" biglang sigaw ni Larzene.

Ay tapos na pala siya. Sabay na rin kaming natapos ni Hub at humarap sa anak namin.

"Dad! Carry me like Tito Mike carry Aireen!" sabi ni Larzene at nag-lahad pa ng dalawang kamay niya kay Hub.

Napatingin naman ako kung saan yung tinuro kanina ni Larzene. A, kaya pala, karga-karga ni Mike si Aireen na parang naka piggyback ride.  

"Ok, Baby." tugon nalang ni Xander.

Lumuhod si Xander at pumunta naman sa likuran niya si Larzene. Halos tumalon si Larzene sa likod ni Hub. Pinulupot naman ni Larzene ang mga kamay niya sa buong leeg ni Xander at ipinulupot ni Larzene ang dalawang paa sa bewang ni Xander. Kinuha naman ni Xander ang mga hita ni Larzene para sa suporta.

Mabilis na tumayo si Xander...

At boom! Naka-pormang piggyback ride na rin ang mag-ama ko! Ang sarap kuhanan ng picture!

"Yey!" maligayang sigaw ni Larzene.

"You're getting heavy, Baby."

"What?! No I'm not! I'm slim as Mommy!" asar na sinabi ni Larzene.

Kain kasi ng kain ng doughnut kasama si Aireen kanina e, kaya 'yan.

"Nasaan 'nga pala si Besh, Mike?" bigla kong tanong.

"A, nasa taas naliligo." sagot naman ni Mike.

"O, 'di mo sabayan?" singit naman ni Hub.

Ano bang klaseng tanong 'yan?! "Ayaw e, pakipot." Mike said with a smirk.

Tss. Mga lalaki 'nga naman! "Dapat sinabayan mo!" tumawa pa ng malakas si Xander.

"Halos ipagtabuyan ako kanina 'pre, takte." Reklamo ni Mike.

"Ganon ba? E, 'di sana dinaan mo nalang sa—"

"Try to say a word or you'll die!" banta ko kay Hub.

Sobra a! Narinig ko pa silang dalawa na tumawa ng malakas. Tss.

"Do you want me to die, Wife?"

Napatigil ako sa sinabi niya. 'Yan nga ang iniiwasan kong mangyari e! Don't ask me a question like that, Hub!

Kinabahan ako bigla. "H-hindi a!"

"Good." simple niyang sagot.

Nakita ko na ring bumaba si Besh at naka-bath robe lang siya. Lumingon ako kay Mike. Ayun! Tulala siya habang tinitignan ang kanyang Misis.

Parang nang-aakit ang mga mata niya. Na'ko! Kontrol, Mike!

"Mama is so maganda!" papuri naman ni Aireen sa kanyang ina.

"Y-yeah..." utal-utal na sinabi ni Mike.

Hala si Mike! Kalma a! 'Wag dito! Hahaha!

"Beh! Yung bibig mo!" tawag sa kanya ni Aubrey.

Lumapit sa kanya si Besh at hinalikan sa labi ang kanyang Mister. "'Yan, para tumiklop." Natatawang sabi ni Besh.

"Beh naman,binibigla mo ako." nahihiyang sinabi ni Mike.

PLMAILY 2: Loving You Forever (The Architects Series #1.5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon