Chapter 32.

58 6 16
                                    

Chapter 32.

“And darling I will, be loving you ‘til were seventy. And baby my heart, could still fall as hard at twenty three. I’m thinking ‘bout how, people fall in love in mysterious ways. Maybe just a touch of a hand. Oh me, I fall in love with you every single day. I just wanna tell you I am.”

“Tama na. Sasabog na puso ko.” biro ko sa kaniya habang nag-uusap kami sa phone. Si Lance ang kausap ko. Well, hindi raw siya sanay na sa text lang. Dapat call daw kami nag-uusap. Ang adik lang. Pero–uy, sweet siya huh? Hihi.

“Huwag naman. Mamahalin ko pa ‘yan e.” hirit niya.

Enebe.

“Edi wow.” sagot ko naman.

“Mahal ko? Edi ikaw.” narinig kong tumawa siya ng mahina sa kabilang linya.

“Gaya-gaya.” nakapout na sabi ko.

“Sorry na.”

“Babaw mo. Haha.”

“Malalim kaya ako. Kasing lalim ng pagmamahal ko sa’yo.”

Sa totoo lang. Nilalanggam na ako sa higaan ko.

“Hindi bagay. Kasuka.” pabirong sabi ko.

“Edi wow.” ginaya niya ang sinabi ko pati narin ang boses. ‘Lang ya.

“Haha. Sige na. Good night. May pasok pa bukas.”

“Good night.” tapos naputol na ang linya.

Aaminin ko. Ngayon lang naging ganyan ka-sweet si Lance. Lagi kasing bitter e. De joke. I mean, ngayon lang talaga sagad ang kasweetan ng isang ‘yun. Hindi na nga kineri ng puso ko e. Nalabas na.

Ilang araw na rin ang lumipas since nag-umpisa siya. Katuwa lang dahil hindi niya ako sinusukuan.

Uy babae. Matulog kana! Baka magka-insomia ka pa riyan e. Tulog na. Good nighties! :*

Basa ko sa text ni Mae. Mas sweet yata ang babaeng ito e. Agad naman ako ng reply. Hindi na siya nag-reply ulit dahil siguro oras na. 11:32 pm na kasi ng gabi.

--

Time na para pumasok. At kasalukuyang kaming naglalakad papuntang room.

“Ang aga naman. Kainis.” yamot na sabi ni Mae.

Kasama ko kasi siyang kumain sa cafeteria. Well, sila Lance at Cholo rin pala.

“Okay lang ‘yan. Labas nalang tayo after class?” umakbay sa’kin si Lance at ngitian ako.

“Basta libre mo.” ngiti-ngiting sabi ko sa kaniya.

“Oo na. Mukha kang libre.” ginulo niya ang buhok ko at nagsimula na kaming maglakad.

“May kasama pa po kayo. Kabitter.” mapait na sabi ni Mae together with Cholo. Wala pa kasing lovelife–speaking of ako rin wala pa. Haha.

“Kumain kasi kayo ng asukal.” sita ni Lance sa kanila. Siniko ko naman siya.

“Hayaan mo na. Bitter e. Haha.” nakitawa nalang siya sa’kin at hinayaan nalang silang mag-usap dalawa.

Tawa ng tawa ‘yung dalawa habang may kasama pang hampasan sa mga braso. E’di sila ng masaya.

P.S Di ako bitter. Hahaha.

“Makatingin ka sa dalawa akala mo kakainin mo sila.” sabi sa’kin ni Lance.

“Hindi ‘no. Hindi ako kumakain ng mga taong bitter. Mehe.” sabay peace sign ko.

Wala ng masyadong tao sa corridor. Napasok na siguro ang lahat. Bwahaha. Late na kami.. Huwat?!

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon