Chapter 20.

128 14 2
                                    

Chapter 20.

Nicole’s POV

“Sa’n na ba kasi ‘yun? Aish. Kung kailan kailangan e.” I dialed again Mae’s number. Kanina pa wala dito. Male-late na ako for pete’s sake! Half-day na nga lang kaming mga 4th years tapos male-late pa ako? What a great thing. Psh.

Tumingin ako sa wrist watch ko. 12:49PM na. Naku naman Mae. I’ll kill you talaga. Sa tagal kong naghihintay at dagdag pa natin ang inis na nararamdaman ko lumakad na ako papunta sa kanto para mag-abang ng jeep. Geez. Kahit kailan talaga wrong timing.

Napatigil naman ako sa paglalakad nang may humintong bike sa harap ko. I confusedly look at him. “At your service, Princess.”

Automatic naman akong napangiti. “Hindi kapa ba sasakay? Ang init o, besides oras na.” He boringly said.

No choice ako. Sumakay na ako sa likod. “Bag mo.” Medyo hinarap niya sakin ang ulo niya.

I raised my brow. “Huh?” Hindi niya ako sinagot at pumunta sa likod ko. Kinuha niya ‘yung bag at librong dala ko. At ngayon ko lang na-realize na mahuhulog na ako.

I closed my eyes waiting my body to lay down on the floor. But nah. Wala akong naramdaman. “Hey.” Napamulat naman ako.

Bago pa ako maka-react binigyan niya na ako ng halik sa noo. “I miss you, my princess.” Tinulungan niya na akong maka-ayos ng tayo at ngumiti.

“Halika na.” Lumakad na siya pabalik sa manibela at ako inayos ang upo ko sa likod. Pinaandar niya na ang bike.

Wait.. Did he just..

Did he?! He said ‘princess’?

Huminto siya. “You’ll might be fall down. Hawak ka sa balakang ko.”

OH. MY. GOD.

“Ha?”

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay niya sa balakang niya. “Kailan kapa naging bingi, Nicole?” Pabirong sabi niya.

Hindi nalang ako sumagot. Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ko magawang makapagsalita.

Nagsimula na siyang pumadyak. Una, mabagal lang kaya I can manage pa na hindi yumakap sa kaniya. Pero habang tumagal, ohmyghost. Ang bilis. Napapikit nalang ako at hinayaang tangayin ng hangin at buhok ko. None of my business. Kailan ko lang makapasok. I don‘t want to be late.

No choice ako kung hindi yumakap sa kaniya.   Pero.. Nag-aalangan ako baka maramdaman niya ang mabilis na tibok ng puso ko. Ano bang ikinakatakot mo? Sabi ng maliit na boses sa ulo ko.

Napailing nalang ako at yumakap sa kaniya. Ang bilis niyang mag-drive. My goodness. “L-lance..” Sabi ko ng may halong takot at pag-aalinlangan.

Parang hindi niya ako narinig at mas lalo pa niyang binilisan ang pag-padyak sa manibela.  “Don’t worry. If you ever fall down. Sasaluhin kita.” Natatakot ako. Wewewait. Parang double meaning ‘yun ah? Nah. I tilted my head trying to remove those thought.

Saglit lang at huminto na siya. “We‘re here.” I opened my eyes. Nandito na nga kami. Sa dami siguro ng iniisip ko hindi ko na namalayan. Bumaba na ako at pinanuod siyang i-park ang bike. Kinuha niya na ang gamit niya kasama nang gamit ko. Kukuhanin ko na sana sa kaniya ang bag at libro ko pero inilayo niya sa’kin.

Nagpout lang ako. “Akin na.” Sabay lahad ko ng kamay ko sa kaniya para ibigay na ang bag at libro ko. Tinitigan niya lang ‘yun at lumakad na paalis. Aish.

Nang maabutan ko siya. Sinuntok ko siya ng mahina sa balikat. “Ang kulit.”

Huminto siya at humarap sa akin. “Hindi dapat napapagod ang babae. Ganyan ang isang responsableng lalaki.”

When I Met YouWhere stories live. Discover now