Epilogue

83 9 0
                                    

When I Met You Epilogue.

Christmas and New Year passed. Marami naring nangyari. May mga masasaya, malulungkot at nakakatakot. Ayoko ng mag-kwento kasi alam ko namang hindi kayo intresado. Joke. Haha.

So ayun nga. Limang buwan na ang lumipas simula ng mawala si Lance. See? Nakaya ko ang limang buwan ng wala siya sa tabi ko. Nakaya ko.

At ngayon, engaged na ako kay Jace.

Tama, kami na ni Jace. Simula noong iniwan ako ni Lance, I chose to give up on him. Wala na naman akong rason para hintayin pa siya. At hindi naman habang buhay akong maghihintay sa kaniya.

Nandito naman kasi sa tabi ko ang lalaking makakasama ko for the lifetime. Nabulag lang ako kasi sa kaniya parin ang tingin ko dati. Pero nalinawan rin ako ng lumipas ang mga buwan at araw.

Sino ba namang mag-aakala na makakahanap ako ng mas better kay Lance? Siguro, ako lang ang hindi naniniwala na marami pang lalaki sa mundo. Ako lang siguro.

Lagi kaming magkasama ni Jace. Lagi siyang nasa tabi ko. Parang mas nahigitan pa niya si Lance sa puso ko? Parang mas lumamang pa siya. Masaya ako dahil, minahal niya ang katulad ko.

Sa una, hindi ko pa alam kung sino ang pipiliin ko.

Mahal ko o mahal ako?

Ang hirap ano? Pero kahit gaano pa ito kahirap, nakapili parin ako sa huli. At syempre. Ang pinili ko ay yung mahal ako. Kasi, matutunan ko rin naman siyang mahalin, hindi ba? Kung lagi siyang nasa tabi ko, malamang sa alamang masusuklian ko rin ang pagmamahal na binibigay niya para sakin.

Ang dami kong sinabi.

At ang lahat ng iyan ay isang malaking...

JOKE!

Hahahahaha. Aminin niyo? Naniwala kayo no? Hahahaha.

Wala lang, para may mas thrill naman, hindi ba?

Asa pa kayo sa aming dalawa ni Jace. Sa loob ng limang buwan, nakahanap na yun ng babae niya. At yung babaeng yun, ay kapatid ni Cholo. Oo. Haha.

Ngayon ko nga lang nalaman na may kapatid palang babae si Cholo. Sa hindi naman siya nagsasabi e.

Maganda yung kapatid niya. Chaira ang name. At kasing edad lang namin siya. Nagtataka nga ako. Hindi pa kasi namin siya nakita ever since. Kasi raw, nasa Korea siya. Doon siya nag-aarala at tapos na siya. Pero college, dito na raw siya pag-aaralin ni Cholo. Yup, si Cholo ang magpapa-aral sa kapatid niya. Habilin kasi ng tatay niya e.

At ayun nga. Sinabi kong JOKE lang ang lahat. Sinong naniwala? Haha. Ang galing talagang gumawa ng kwento ni Author!

Five months na nga ang lumipas. March na ngayon, at papalapit na ang graduation namin at excited na kaming magbabarkada!

Ang dami-dami ng nangyari. Pero still, ito parin ako. Naghihintay at umaasa na babalik siya sakin.

Damn this. Ang drama ko. Hindi bagay. Dapat nag-sasaya ako e.

But, how can I be happy if someone just stole my happiness?

Sige nga? Anong sagot? Hahaha. Totoo pala yun, na kung sino ang dahilan ng pagkalungkot mo, ay siya rin ang dahilan ng kasiyahan mo.

Hindi ko alam kung para saan itong aking pag-eemote. Basta feel ko lang gawin, bakit ba?

May good news ako!

Dalawang araw nalang...

GRADUATION NA NAMIN!

Yay! Good news, hindi ba? Pero parang bad news parin. Iiwan na kasi namin ang school na 'to at move-on na kami sa college. Hay. Nakakalungkot mang isipin, pero dapat masaya parin kami. Kasi sa apat na taon na ginugol namin sa pag-aaral. Makakatapos din kami.

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon