Chapter 26.

102 11 1
                                    

Chapter 26.

"One.. two.. three.. fou-"

"Pst!"

"Ay baklang palaka!"

"Meron bang gano-aray! Ano ba?! Makabatok ha. Wagas parang wala ng bukas." Sabay himas niya sa batok niya. Paanong hindi ko siya babatukan? Nanggugulat kasi e.

"Tss. Gasgas na iyang "Wagas parang walang bukas". Psh. Pauso mo, di eepekto sa akin." Kumuha ako ng isang cookies at sinubo iyon.

"Psh. Oh? Anong nararamdaman mo?" Tanong sa akin ni Mae. Obvious ba?

"Nagugutom." Kumuha ulit ako ng tatlong cookies at sinubo iyon. Hay, another study session na naman mamayang 4:00PM. Sa totoo lang, nagsasawa na ako. Sawang-sawa.

"Gaga. I mean, sa kalagayan mo? Wala ka bang nararamdaman?"

"Gaga ka rin. Kung wala akong nararamdaman, malamang sa malamang patay na ako." Kinuha ko ang phone ko at naglaro ng Candy Crush. Ang hirap na ng mga levels dito.

Nakaramdaman naman ako ng masamang aurang bumabalot sa kwarto ko. Sabi ko nga, sasagot na ako ng maayos.

"Ha-ha. Ayos lang." Tinuon ko ulit ang atensyon ko sa nilalaro ko. Kahit papaano naman may libangan ako. Minsan nagbabasa naman ako ng mga stories sa Wattpad. Like When I Met You, [Lakas maka-plug ni Author! :D] magkapangalan kami nung bida sa kwento. Enjoy naman siyang basahin kahit papaano. Pero ngayon, hindi ako makabasa dahil binura ni Mae ang Wattpad App sa phone ko! Imbyerna.

Nag-usap lang kami ni Mae tungkol sa lagay ko raw kuno. Hinayaan ko lang siyang magsalita ng magsalita. Ayaw ko namang mag-kwento dahil naglalaro ako.

Biglang tumunog ang door bell. Nagkatinginan kami na para bang sinasabing "Ikaw na lang,". Tumunog ulit ito ng 5x. Dahil mabait ako, ako nalang. Pero bago ako lumabas binatukan ko muna siya sa ulo. Haha.

Binuksan ko lang ang gate at muntik ko ng mabato sa kaniya ang hawak kong cellphone. Pero buti nalang, hindi ko nabato. Hehe.

"Pasok kana." Poker face na sabi ko kay Lance. Tumakbo na ako papuntang kwarto ko. Para kasing umakyat lahat ng dugo sa mukha. Nandito na naman iyong inis na pakiramdaman. Hindi ko namalayan na may luha na pala ako sa pisngi, napansin ko lang iyon ng sinabi sa akin ni Mae.

"Ah...w-wala to. Napuwing lang ako.." Pagsisinungaling ko. Ayoko na kasi siyang mag-alala pa.

"Mayroon bang napuwing na tuloy-tuloy ang mga luha? Aish. Halika nga dito." Hinila niya ako papalapit sa kaniya and she gave me a warm hug. Paano kaya kung wala akong bestfriend na katulad niya? Siguro, loka-loka na ang lagay ko ngayon.

"You can go through this. We can go through this. Tiwala lang."

After that comfort scene. Nagsimula na kaming-este akong mag-aral ng mga lessons namin ngayon. He discussed about Physics, Math, English and MAPEH. Tapos sa Math puro solving naman ang pinag-aralan ko. Buti nalang, medyo may alam ako sa Math. Medyo lang naman. Sa English, puro make a sentences using those and these.

Kung tutuusin, hindi ko na kailangang gawin lahat ng ito. Itong pag-aaral ng mga na missed kong mga lessons. Excuse naman kasi ako for 1 month. Pero mas gusto ko parin pag-aralan lahat ng lessons para kahit paano, hindi ako nahuhuli sa mga pinag-gagawa namin sa school. Ang bait kong estudyante no? Haha.

6PM ulit kaming natapos. Halos 2 hours lang ang naubos namin. Actually, ako lang pala. Alam niyo anong ginawa niya? Binigay niya lahat ng notebook niya sa akin at sabing kopyahin ko lahat at sagutan, tapos humiga sa kama at kinuha ang cellphone ko. Take note, kama "ko" at cellphone "ko". Napakaresponsable namang Teacher, hindi ba? Bahala siya sa buhay niya, basta ako. May sariling mundo.

When I Met YouTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang