Chapter 39.

88 8 74
                                    

Chapter 39.

“Teka nga! Saan ba tayo pupunta?”

“Basta! Sumama ka nalang!”

Hila-hila niya parin ako hanggang ngayon. Hindi ko pa naubos yung pagkain ko! Tapos..

“SAAN BA KASI TAYO PUPUNTA?!” napasigaw na ako. Bigla-bigla nalang kasing nanghihila ang loka. Hindi pa naman ako natapos kumain e!

Napahinto siya at binitawan ang kamay ko. Ngumiti siya, yung parang awkward na ngiti?

“Ehehe.. Saan ba sila? Tangina! Tara na!” tapos ngayon naging loka na naman. Uso mood swings ngayon?

“Sa bahay daw ni Anikka. Baliw ka! Huminahon ka muna!” singhal ko.

“Paano ako hihinahon?!”

Hinawakan ko ang baba ko at nag-isip.

Paano nga ba mapapakalma ang isang bruhang baliw na monster na gaya niya? Kung ipatawag ko kaya si Terrence? Ay hindi. Under yun dito e!

Si Betong nalang kaya?

Oo! Si Betong! Payatot lang ‘tong si Mae kaya, Betong can stop her.

*insert evil laugh*

BWAHAHAHA.

“Aray naman!” napahawak ako sa buhok ko. Hinila ba naman niya? “Ano bang problema mo, hah?” tanong ko.

“Tss. Wala.”

“Wala? Bakit mo’ko hinila? Baliw kana talagang bruha ka.”

Biglang tumunog ang phone ko. May text.

97 Bagoong Alubebe Subdivision. Asap.

“Ano yan?!” pasigaw ni Mae. “Ang baho naman ng address niya! Tss! Saan ba banda yan? Ah! Tara!”

At nagsimula na naman kaming maglakad. Actually, hindi lakad. Takbo na parang jogging pero naglalakad parin.

Okay. Gets niyo ba?

Takbo lang kami ng takbo. At last, nakalabas rin kami ng WHS. Ang layo ng tinakbo namin.

“Malapit lang yun dito. Lumakad nalang tayo.”

“Buti nalang naisipan mo yan. Salamat naman.”

Ang dami na naming nalakad. Nasaan na ba ang Bagoong dito? Ang hirap hanapin e!

May nakita kaming isang Manang. Lumapit kami.

“Ahm, Manang. Nasaan po ang Bagoong Alubebe rito? Kanina pa po kasi kami hanap ng hanap hindi namin makita. Baka sakaling alam niyo po.”

Bigla naman ngumiti yung Manang. Nagkatinginan kami ni Mae. Parang sinasabing ‘Yes!’. Hindi rin kasi namin alam yung Subdivision na yun. Parang bago kasi dito.

“Mga Ineng, doon sa tindahan ni Aleng Lucing. Maraming bagoong doon, tapos may patis, toyo at suka pa. Hehe. Sige, maiwan ko na kayo.” at lumayas na si Manang.

“Anak ng bagoong naman oh! Akala ko pa naman!” padabog akong naglakad.

“Kung makangiti si Manang. Tanggalan ko kaya siya ng ngala-ngala? Lakas makabadtrip.” reklamo naman ni Mae at naglakad nalang ulit kami.

Sa totoo lang, ngayon ko lang narinig ang Bagoong chuchu na yun. Ang weird ng name.

Napahinto kaming dalawa ni Mae ng makita ang nangingibabaw na pangalan.

BAGOONG ALUBEBE SUBDIVISON.

“Okay!”

Lumakad na kami. And buti nalang walang guard na nagbabantay sa gate kaya agad kaming nakapasok.

When I Met YouWhere stories live. Discover now