Chapter 2.

305 24 3
                                    

Shin's POV

May pasok na pala ngayong araw. Hay. Nakakatamad. Every time. Naiisip ko siya. Argh!

Kinuha ko na ung phone ko sa side table ng bed ko. Ganito kasi ung mga bedroom. May mga side tables, restrooms and libraries. Tatlo lang naman ung kwarto dito. Isa sakin, kay Mae tapos ung isa guest room. Hindi naman malaki 'tong bahay. Medyo lang. Sakto lang naman sa amin.

Inayos ko na ung mga dapat kong dalhin. Okay na. Tinignan ko ung oras. 6:00 am na. Ang bilis ko naman yata. Nakaligo na ako.

Oo nga pala. Transferee lang kami dito. Last school year kasi sa Paris kami nag-aral ni Mae. Kaso, masyadong matatapobre mga estudyante dun kaya dito nalang kami. And besides, mahal ang bayad. Di na keri nila Tita. At tsaka dun ko rin nakilala si ano. Yeah. You know him already so I don't have to mention his name.

Ang sabi sa amin ni Tita, wala na raw kaming po-problemahin sa mga papeles. Na-enroll na raw niya kami. Kaya na naman namin ee. Nakakahiya tuloy kay Tita.

Naalala ko. May part-time-job nga pala ako sa resto mamaya. 6-8 ako.

Tinali ko na ung shoe laces ko. Tapos harap sa salamin. Viola! Ang ganda ko na. Naka- cibilian muna kami ni Mae. Wala pa kasi kaming bagong uniform. Every school year kasi nag-papalit sila ng uniform. High class mga estudyante doon ee.

I walk down stairs. I saw Mae. She is looking at me. "Shin. Nag-toast lang ako ng bread. Oras na kasi e."

I smiled. "Ah. It's okay." Then umupo na ako sa upuan malapit sa kaniya.

"Papapasukin kaya tayo dun? Kita mo naman ang suot natin." Sabay turo niya sa damit namin.

Kahit kelan talaga. "Aish. Ayos lang 'yan. Transferries naman tayo right? So they would understand that." Sabay kain sa bread toast.

Ngumuya muna siya. "Oo nga no. Hindi ko naisip un." Sabay kamot niya sa ulo niya.

Natapos na kaming kumain. Sumakay na kami sa kotse ni Mae. Papuntang school malamang. Alam na naman namin ung daan. Mula 1st-2nd year kaya kami ng aral dito.

Si Mae ung nag-da-drive ako naman nasa backseat. Hindi ko bet sumakay dun sa frontseat. Baka maistorbo ko pa si Mae, mabangga pa kami.

Tumingin ako sa bintana. Medyo clear naman siya. Kitang-kita mo yung view. "Ah. Mae, parang medyo dumami yung mga buildings? Ang pati yung mga stores. Isang lang tayong nawala ah." Sabi ko habang tinitignan yung mga view. Infairness ang ganda.

Nakita ko rin yung restaurant nila Mae. Medyo malapit lang naman. Siguro mga 15mins. na byahe. May work pala ako sa kanila mamaya.

"Huwag mo muna akong kausapin baka mawala tayo sa mundo ng di-oras." Pabirong sabi ni Mae.

"Tss. Ge. On mo nalang ung radyo." utos ko sa kanya. Alangan naman ako pa ung mag-oon. Siya na nga ung malapit.

Nakita kong kumilos siya saglit. "Sa MOR mo ilagay." then i smiled.

"Tch. Yan na prinsesa! -_-" poker face na sabi niya. Haha. Susunod rin kasi.

"Alam niyo. Mahirap talagang mag-move-on. Lalo na sa recess break and lunch break." Sabi nung Dj sa MOR. Okay, may pinapatamaan ba 'to?

I heard Mae chuckled. Psh.

"Seryoso na. Mahirap talagang mag-move-on.   Lalo na kapag first love mo pa ung gusto mong kalimutan. Mas mahirap naman un. Ang sabi nga nila "First love never dies.." totoo yan. Kasi I experienced that. Mahirap siyang alisin sa puso mo at isipan mo. Pero kung alam mong kaya mo. Siyempre makakaya mo. Masabi mo man na hindi mo na siya mahal. Still, meron parin konti diyan sa puso mo. Am I right? Kahit makahanap ka parin ng bagong magpapasaya sayo. Still, mahalaga parin siya sayo--" Pinatay ni Mae?

"Hoy Mae! Bakit ba pinatay mo? E nakikinig pa ako ee." Nakasimangot na sabi ko.

"Kasi po. Nandito na tayo sa school!"

Napatingin naman ako sa school. Oo nga. We're here na. Pi-nark na ni Mae ung car niya sa may Parking Lot. Marami rin namang naka-park dun. Puro magagara ang mga kotse.

Naglakad na kami. Naabutan namin si Manong guard. "Manong, pwede na po ba kaming pumasok?" Tanong ni Mae.

"Ah. Mga Ineng, sige. Transferries lang ba kayo rito?" Tanong samin ni Manong.

Yung dati kasi naming Guard kilala kami. Iba na naman si Kuya kaya hindi niya kami kilala.

"Ah. Opo, nag-transfer po kasi kami sa States noong nakaraang school year. Pero dito po talaga kami nag-aaral.." pag-papaliwanag ko.

"Sige mga Ineng. Pumasok na kayo at baka ma-late pa kayo." Sabay ngiti samin ni Manong.

"Sige po. Salamat." Sabi ni Mae. Tapos umalis na kami.

Wala parin talagang pinagbago itong school. Still the same. Malaki naman siya ng konti. Public School kasi siya. Ay ewan. Public na parang private.

Wala pang masyadong tao kaya pumunta muna kami sa Garden. Dun ung tambayan namin ni Mae. And maaga pa naman. 6:45 palang.

What?! 6:45!?

Baka mali yung orasan ko. 7:00pm nag-i-start yung klase. "Mae! Anong oras na ba? Bakit wala paring tao?"

"Tch. Ang aga pa kaya. 6:05 palang." Chill na sabi niya.

Er? Kaya pala. Powtek 'tong cellphone na 'to!

"Er, bakit ba?"

"Tsk. Akala ko kasi 6:45 na. Masyadong advance orasan ko."

"Ah. Oy, parami na ng parami ung mga tao. Siguro marami ring transferries ngayon. Marami kasing hindi naka-uniform."

Tinignan ko naman ung stage. "Oo nga. Ano kayang section natin?" pagtatanong ko sa kanya.

"I dunno. Tignan nalang na'tin sa bulletin board."

So pumunta nga kami dun. Medyo marami na rin ung mga tao. Pati sa board. "Mamaya nalang. Makikipagsiksikan tayo diyan? Kita mo ngang ang payat lang na'tin. Baka mapisa pa tayo diyan." pagbibiro ko.

"Duh. Di ako payat Shin. Mas payat ka sakin. Tch." sabay inarapan ako. Haha. Pikon kasi masyado.

Iniwan ko na siya dun. Pumunta nalang ako sa corridor.

After five minutes nakarating din siya.

"O? What section are we?" I asked.

"Rizal." She replied.

"Ah okay then. Lets go." I said. Umakyat na kami sa 3rd floor. Dun kasi ang room ng mga fourth years.

Nang makarating na kami. Ang ingay naman. Pero nung pumasok na kami. Tumahimik sila.

Wow. May ganung effect pala?

Narinig ko naman na bumubulong 'yung mga classmate namin. Hindi ba classmate na namin sila kasi nasa room sila ng Rizal?

"They're look nice."

"Are they nice? Tss."

"Wow. Cutiepotie."

"Sexy."

"Ugly.'

"Transferries? Well they're look fine."

Ginantihan lang namin sila ng ngiti.

Naupo na kami sa bakanteng upuan sa likod. Nag-iingay na ulit ang mga kaklase namin. Tss.

Biglang natahimik. May pumasok pala. Nag-punta siya sa front. "Good morning class. I'm gonna be your adviser this year. I'm Tania Mallari. See you tomorrow. Class dismiss." Then she left.

Okay what's with that?

Nagsigawan ulit yung mga kaklase ko.

"Aaaaaahhh!"

"Yaahhoooooo!!"

"Waaaaaaaa!!!"

Tama na nakakabingi. Tss.

Lumabas na kami ni Mae. Nagsi-labasan na 'yung mga iba.

Nang makarating na kami sa bahay. Nagpaalam ako kay Mae na pupuntang resto nila. Pumayag naman siya.

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon