Chapter 37.

82 6 13
                                    

Chapter 37.

Hindi ako namamalikmata. At hindi rin ako nagkakamali.

Si Rein iyon at si..

Jace?

Nakaramdam ako ng kaba habang papalapit sila samin. Hindi ko alam ang gagawin ko, and I don't know what I'm supposed to react. Shit, this feeling is killing me.

Hindi ko mahakbang ang mga paa ko. Feeling ko naglue na ito sa daan. Ganoon din si Lance. Na kanina'y nakahawak palang ang kamay niya sakin pero ngayon bumitaw na siya.

Habang papalapit sila ng papalapit. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Argh, peste. Pwede bang tumigil ka muna? Baka magka-heart-attack ako ng wala sa oras e!

"Lance?"

"Nicnic?"

Sabay na sabi nung dalawa nang makalapit sila samin.

"Jace?"

"Annika?"

Nagkatinginan kaming apat at sabay sabing..

"What are you doing here?"

Tanong naming apat.

Ugh, parang ang awkward dito.

"Teka nga!" sigaw ko.

Tignan naman nila ako.

"What?" sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

"Tara sa condo ko."

Tinanguan naman nila ako. Nagsimula na akong maglakad at sumusunod naman sila. Walang nagsasalita samin hanggang makapunta kami sa condo.

"Oh, bakit kayo nandito?" agad na tanong ko sa kanila. Jace at Rein.

"Wala lang, ito kasing si Jace e. Nagpapasama sa Mall. Pinilit lang ako pera ayaw ko talaga. Sorry Lance." sabi ni Rein kay Lance.

"Bakit ka nagsosorry?" ramdam mo yung coldness sa pagbigkas niya sa bawat salita. Parang ibang Lance ang nakikita ko ngayon. Parang hindi si Lance na nakilala ko noon.

"Eh kasi.." isang pitik mo nalang kay Rein iiyak na siya. Halata naman kasi sa mukha niya e. Halata sa mata niya.

"What?" tanong ulit ni Lance.

Hindi kami nagsasalita ni Jace. Pinapakinggan lang namin sila.

"Can we talk?" sumeryoso ang mukha ni Rein.

"Talk about what?" sagot ni Lance.

"About us."

"There's nothing about us."

"Please?" Rein pleased Lance. Tumingin naman sakin si Lance tinanguan ko lang siya. Lumabas muna kami ni Jace at pumunta sa terrace.

"Anong meron sa dalawang yun?" tanong ni Jace sakin pagkaupo namin sa railings.

"Ex yata ni Lance si Rein e."

"Woah? Ex-girlfriend niya?"

"Oo."

"Selos ka?"

"Natural, ano ako? Manhid?"

"Haha. Sabi ko nga, eh bakit hinayaan mo sila kung nagseselos ka pala?"

"Wala naman silang masamang gagawin e. Mag-uusap lang."

Ano bang gustong iparating nitong si Jace? Yeah, I admit. Selos nga ako. Selos na selos. Sino ba namang hindi? Pero wala akong magagawa. Kahit girlfriend niya ako, parang wala parin akong karapatang pagbawalan siya. Masusunod parin ang gusto niya.

When I Met YouWhere stories live. Discover now