Chapter 31.

125 10 1
                                    

Chapter 31.

Bangang na bangang akong pumasok sa school. Two days na ang nakalipas, sa two days na ‘yun wala akong ginawa kung hindi mahiga sa kama at mag-isip ng kung anong pwedeng gawin. Walanjo kasi ‘yung dalawang ‘yun.

“Babes, ang haggard natin ah?” tanong sa akin ni Mae ng makaupo ako sa pwesto ko. Babes her face.

Hindi ko nalang siya sinagot at inubob ko nalang ang ulo ko sa arm chair. Nahihilo ako.

“Snob? Edi ikaw! Tss.” rinig kong sabi ni Mae. Naramdaman kong umalis na siya sa tabi ko at may umupo ulit. Hindi ko parin inaangat ang ulo ko. May 20 mins pa naman ako para magpahinga.

Monday ngayon at alam kong may Flag Ceremony kami. Ayokong umattend sa Flag. Tinatamad ako. Plus masakit ulo ko.

Naramdaman kong may humawi sa buhok ko. Hindi pa pala ako nagsuklay, mehe. Wala e, bangang talaga ako.

“Hmm?” nakapikit parin ang mga mata ko. Siguro anytime makakatulog ako.

“Halika ka na, Flag tayo.” inangat ko na ang ulo ko at nakita ko si Lance na nakangiting nakatingin sa akin.

Parang walang nangyari last last last day ah?

“Ayoko. Kayo nalang.” I knew na mangangabrakatak ako sa President namin pag hindi ako umattend. Eh anong magagawa nila? Pag cream section kasi, dapat kami ang always na nagli-lead sa Flag Ceremony. Kaya bawal kaming hindi umattend.

“Mapapagalitan ka niyan.” he pouted.

Nilingon ko ang paningin ko sa room at wala ng tao. Nasa labas na siguro silang lahat.

“Sige na. Ako ng bahala.” iniubob ko ulit ang mukha ko sa arm chair. 30 minutes ang Flag Ceremony. Isang oras pa akong makakatulog.

Narinig kong kinanta na nila ang Lupang Hinirang. Tumayo na ako.

“Hala. Bakit nandito kapa?” naupo ulit ako at tumingin sa kaniya. Sabi ng umalis na e. Ang kulit talaga.

“Sasamahan nalang kita.” ngumiti siya sa akin. Nginitian ko lang rin siya. Masyadong mahangin kaya natatangay ang buhok ko. Sobrang gulo na tuloy.

“Talikod ka.” nagtataka akong tumingin sa kaniya.

“Ha?”

“Basta, talikod nalang.” tumalikod ako. Naramdaman ko namang sinusuklay na niya pala ang buhok ko.

“Umamin ka nga sa‘kin. Beki kaba?” medyo natawa ako sa tanong ko. Hehe. May dala kaya siyang suklay.

“Hindi. Meron bang baklang nanliligaw?” tuloy parin siya sa pagsuklay sa buhok. Napatawa naman ako sa sinabi niya.

“Haha. Oo, ikaw.” ngiti-ngiting sabi ko habang nakatalikod sa kaniya.

“Tss. Ang gwapo ko naman kung ganoon.”

“Hawakan mo ko!” sigaw ko.

“Huh? Bakit?”

“Baka liparin ako ng napakalakas na hangin.” tumawa naman siya at nakitawa narin ako. Nakakahawa kasi ang tawa niya.

Nagsimula na ang klase. Este wala naman pala kaming klase. Nagsulat lang kami ng kung anong gusto namin. Eh, ‘yung yung utos ni Ma’am. Iniwanan na nga niya kami dahil may praktis pa raw ang mga players ngayon. Sa Zambales daw gaganapin ang Grand Finals, well maganda na roon. Malawak rin kasi ang school nila sa Zambales.

“Uy, may balita ako kay L!” masayang sabi ni Ria. Naguusap kasi kami tungkol sa Infinite, fangirl ako pati narin si Ria. At halos lahat kaming babae na nandito sa room. Kung pupunta sa room namin, makikita mo lahat ay puro Infinite’s stuffs, lahat yata ng bag nila may logo ng Infinite e. Tapos mga ID Lace nila. Ako? Wala, simpleng pictures lang sa cellphone ang mayroon ako. Hindi naman kasi ako masyadong fan ng Infinite. ARMY ako e. Certified.

When I Met YouWhere stories live. Discover now