Chapter 7.

202 16 1
                                    

Shin's POV

Gabi na ngayon. At nandito ako sa park. Together with Karl.

"Shin. You want to eat something? Kanina ka pa tahimik diyan ha." Sabi niya sabay yakap sakin.

Dug, dug..

That awkward feeling. Handa na ba akong mag-mahal ulit? Ewan ko. Pero, siguro. Mas sasaya siguro ako kung pagbibigyan ko ang puso ko. Sabi raw nila, hindi naman daw kailangang maging perpekto ka para maging masaya ka. Pag kontento kana, parang pekpekto na ang lahat.

Sa tingin ko. Kahit anong pag-mu-move-on ang gawin ko. Hindi tatalab. Hindi naman kasi siya 'yung mahirap kalimutan. Kung hindi 'yung nararamdaman ko para sa kaniya. This time. I'll listen to my heart, before it say goodbye.

"You're spacing out again my love." Natauhan naman ako.

"Ang lalim yata ng iniisip mo? Share naman." Then he smiles. Gosh. His smile, makes my heart beats faster.

Wala akong masabi. Kahit ibuka ko man ng todo ang bibig ko, wala talagang lumalabas.

"Ha-ha. Wa-wala 'to. Gutom lang siguro. Halika na." Yaya ko sa kaniya. But he refuse. What's wrong?

Napakunot naman 'yung noo niya. "Don't lie. Akala mo naman wala tayong pinagsamahan. So, tell me. What's bothering you?" Sabay hawak niya sa kamay ko.

Everytime he's here with me. I feel contended. Ewan ko ba, parang bula na biglang naglaho 'yung galit ko sa kaniya. Siguro.. that love can do.

Pinisil ko naman 'yung kamay niya sabay ngumiti ako. Alam na siguro niya ang ibig kong sabihin. Ang mga mata niya na kaninang parang malungot na ewan ngayon napalitan ng saya at pagmamahal. Sa lahat ng parte ng mukha niya. Pinaka-gusto ko sa kaniya is 'yung mga mata niya.

Doon ko kasi nakikita kung may problema siya, kung natatakot siya, kung masaya siya, at kung nagagalit siya. Ang galing lang no? Isang tingin ko lang sa kaniya, alam ko na kung anong nararamdaman niya. Kaya nung time na nagkita kami sa restaurant. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Kasi alam kong nasasaktan siya.

Bigla siyang tumayo. Smile form to his kissable lips. I love also his lips.

"Really my love? Tayo na ulit?" Tumango nalang ako. Hindi ako makapag-salita sa sobrang saya.

"YES! YES! I LOVE YOU NICOLE SHIN ATIENZA!" Sigaw niya. Aish.

Tinakpan ko naman 'yung bibig niya. Ang ingay ng lalaking 'to. Pero mahal ko siya. Geh. Korni. "Ano kaba Karl! Ang daming tao eh." Suway ko sa kaniya.

Agad namang na-alis yung pagkakatakip ko sa bibig niya. Gravy. Ang lakas ng lalaking 'to. "It's okay. It's better na malaman nila na tayo na ulit. Para wala ng aagaw sa'kin. I'm yours Shin." Sabay ngiti niya.

Tumayo naman ako. "And you're mine. Only mine." Then our lips met. His kiss is full of love. Siguro, sa pagkakataon na 'to. Magiging masaya na ulit ako. Sana.. sana wala ng hahadlang pa samin. Dahil kung meron man, ipapa-patay ko nalang siya. Haha. Kidding.

"Lets go my love?" Tanong niya sakin ng magkahiwalay na ang mga labi namin. Pinakamatagal namin 'yun. It's almost five minutes. I guess?

Inilahad niya 'yung kanang kamay niya. Para 'yung sa mga love story na. "Can I have your dance?" Pero hindi eh. Hahawakan ko palang 'yung kamay niya.. kaso bigla siyang nawala. So ano 'yun?

"Shin! Shin!" Agad naman akong napabangon.

"Nasan ang sunog? May sunog ba?" Pag-papanic ko.

"Ano kaba! Walang sunog. Ikaw talaga. Alam mo bang kanina pa kita ginigising? 6:30pm na kaya ateng! Hindi ka pa kumakain ng lunch!" Pasigaw na sabi niya. Kahit kailan talaga, sakit sa tenga ng babaeng 'to.

When I Met YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon