Chapter 13.

135 12 0
                                    

Shin's POV

Habang naglalakad ako papuntang room dahil pang-third-period na ng class namin. Napahinto ako ng may marinig na kumakanta sa music room.

~ Naitago ko pang lahat ng iyong mga liham.

Unang ngiti mga yakap mo'y di maalis saking isipan.

Tutugtog ako ng gitara baka sakaling marinig ng puso mo.

Bawat tinig ko. ~

Parang nabobosesan ko 'yung kumakanta. Ang sweet boses niya.

Sumilip ako sa bintana sa music room. And pang! Si Lance nga, bakit parang ang lungkot niya?

Ito na naman ang feeling ko. Simula nung Wednesday, hindi ko na siya nakausap. Nahihiya na talaga ako sa kaniya.

~ Maalala mo sana ako, dahil noon pa man.

Sa'yo lang nakalaan ang pag-ibig ko,

Bawat sandali na ikaw ay kasama,

Parang bang 'di na ta'yo muling magkikita.

Kaya ngayon, aaminin na sa'yo.

Na mahal na mahal kita.

Maalala mo sana.~

"Nicole, sana naman maalala mo na ako. Masakit na eh. Sobra." Narinig kong sabi niya.

Dug, dug..

Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Ano bang ginawa ko kay Lance? Nasasaktan siya? Nang dahil sakin? Siguro dahil dun sa hindi ko siya maalala? Argh. Ewan.

Tumalikod na ako at nagsimula na ulit maglakad papuntang room. Ang tahimik naman dito sa corridor.

"Nicole! Sandali." Narinig kong sabi ni Lance. Nilingon ko naman siya.

"What?" Tanong ko ng magkasabay na kaming lumakad.

"A..ah. Wala." Sabay yuko niya. Nah. Ano bang problema?

"May problema ba Lance? Nung Thursday ka pa ganyan ha." Sa wakas. Nakapagsalita rin ako. Santabi ko muna ang kahihiyan sa katawan ko. I need to talk to him.

"Wala. Ha-ha. Tara na." Tapos nauna na siyang maglakad sakin. Ang labo nito.

"Lance, teka lang. May sasabihin ako." Tawag ko sa kaniya. Lumingon naman agad. His eyes. Ang cold ng tingin niya sakin.

I felt something hit my heart. Tingin niya lang, ganito na epekto sakin?

"What?" Tanong niya.

Tumakbo ako papunta sa kaniya. At hinila ang kamay niya... papuntang.. Garden.

"Bakit mo 'ko dinali dito? May klase pa ta'yo ah." Sabi niya ng walang kaemo-emosiyon. Hindi nalang ako tumingin sa mata niya. Baka maatake pa ako eh.

"Kasi.. kasi.. May sa..sabihin ako.." Utal na sabi ko.

"Sabihin mo na. Ayaw kong malate."

"Kasi.. ano.." Paano ko sasabihin sa kaniya? Oh geez.

"Tss! Aalis na ako. Bahala ka diyan! Kung gusto mong magpaglate. Huwag mo akong idamay!" Tapos lumakad na siya paalis. At ako? Eto, nawala lahat ng lakas ng loob kong sabihin lahat sa kaniya.

'Di ko namalayan na basa na pala ang pisngi ko. I wipped all the tears coming from my eyes. Pero wala eh. Kahit anong punas ko patuloy parin silang kumakawala. Nakakainis naman. Bakit ako naiiyak? Sanay na naman ako eh. Pero, bakit kay Lance?

"Stop crying. Pumapanget ka." Napatingin naman ako sa nagsalita.

Hindi ko nalang siya pinansin at lumakad na paalis. Ramdam kong sinusundan niya ako. "Oy, sandali lang naman." Tapos hinawakan niya ang braso ko nang makalapit na siya sakin.

"May klase pa ako Renz, mamaya nalang." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

"Palusot mo."

"Ha? Palusot daw. Bitawan mo na nga ako. Malalate na ako. Tss."

"Walang klase ngayon. Vacant kaya." Cool na sabi niya sakin.

"Meron kaya." Sabi ko.

Nag-poker face naman siya. "Hindi ba teacher niyo ng Fil. si Miss Joy?" Tanong niya.

"Ah. Oo. Connect 'nun? Tss. Bitawan mo na nga ako." Pagpupumiglas ko.

"Sama ka muna sa'kin." He said wearing his oh-so-bright smile. Nakakasilaw. Akala mo naman, gumagawa ng commercial ng Colgate.

"Ang kulit. Sabi ng may klase kami eh. Pag nalate ako tignan mo. Uupakan kita." Banta ko sa kaniya.

"Ikaw ang makulit. Wala si Miss Joy ngayon. Kaaalis lang kanina. Emergency daw." Sabi niya.

Ohkay. Kaya pala ang lakas ng loob na mangulit. Tss.

"Teka? Paano mo nalaman? Stalker kita?" Pabirong tanong ko.

=__= --> Itsura ni Renz.

"Stalker mo mukha mo. Tss. Teacher rin kays namin si Miss Joy. Asa pare." Sabay roll eyes niya. Arte neto.

"Tss. Oo na. Ang arte mo, parang nagtatanong lang." Sabi ko sabay lumakad na.

"Hintayin mo ako. Tara sa cafèteria."

--

Lance' POV

Shet. Nasigawan ko si Nicole. Hindi ko naman sinasadya eh. Napalakas boses ko. Tanga-tanga mo Lance.

-_-

"Masakit ano ba. Tss. Isa pa. Babatukan na kita. Tsk." Napatingin ako sa nagsalita. Nandito ako ngayon sa cafèteria.

"Brad. Pumoporma na ah. Naunahan ka na. Torpe kasi." Pang-iinis sakin niya sakin. Bwisit 'tong ugok na 'to.

"Aray naman. Masakit!" Reklamo niya. Bakit ba ang arte nito? Tss.

"Ewan ko sa'yo. Manahimik ka nalang diyan. 'Di lang isang suntok aabutin mo. Tss."  Banta ko sa kaniya.

"Oo na." Sabi niya sabay pout. Tss.

"Laswa brad."

"Ang cute ko kaya pag nakapout. Tska mas mabuti na 'yun kesa naman sa isa diyan. Laging naka-poker-face. Daig pa si Lady Gaga."

"Ewan ko sa'yo."

"Hahaha. Oo nga! 'Yung si Vice ganda. Kamukha niya si Rap Monster. Hahaha." Narinig kong tawa ni Renz. Tss.

"Oy! Grabe ka naman. Gwapo naman si Rap Mon kesa kay Vice! Luko. Wala kang taste." Tapos tumawa silang dalawa. Napatingin naman sa'kin si Nicole. Umiwas agad ako.

Kinulbit ko si Cholo na kasalukuyang nakikipaglandian sa ka-phone-call niya.

"O sige na babe. Mamaya nalang. Haha. Oo sige. Bye. Muah." Sabay kiss pose niya pa. Huta. Ang laswa.

"Hoy! SPG ka brad. Tara na. Tss. Naiinis lang ako sa asungot na 'yun."

"Sige na nga. Bye." Tapos inend na niya 'yung call. Pati ba naman dito sa school. Lumalandi 'tong lalaking 'to. Tss.

"Brad. Alam mo, nakita ako nung bestfriend ni  Nicole na nakikipag-making-out dun sa isa kong babe! Sayang! Matutuloy na sana kaso biglang sumigaw 'yung babaeng bestfriend ni Nicole. Nawala tuloy 'yung grasya! Shete." Napahilamos nalang siya.

"Tss. Makakahanap ka rin ng katapat mo balang araw." Sabi ko tapos umupo na sa corridor. Nandito na kami sa tapat ng room. Kami lang yata ang nakalabas ngayon.

"Naninigas na nga 'to eh. Naudlot pa. Tss."  Sabi niya.

"Loko ka! Baka may makarinig sa'yo. Tss. Manahimik ka nalang! Baka pati ako madamay sa'yo!" Sabi ko sa kaniya. Ulol talaga 'to kahit kailan.

"Tss. Ang sungit mo. PMS?" Tanong niya.

"Psh."

When I Met YouWhere stories live. Discover now