Chapter 36.

65 7 18
                                    

Chapter 36.

“Tara sa cafeteria.”

Lumakad na kami ni Mae papuntang cafeteria. Lunes na ngayon at tambak na naman ang mga assignments at projects. Ito kasi ang hirap sa school e. Hindi ba pwedeng turuan nalang nila kami?

Iyong iba pa ngang mga teachers. Instead telling the topic, they telling their life story. Ano ate? Throwback lang? Si ma'am ganoon e. Ipinagmamalaki pa ang anak niyang ano. Whatever.

“Anong gusto mo?” tanong sakin ni Mae habang tumitingin-tingin sa menu na nakapaskil sa tabi ng mga pagkain.

“Kahit ano na. Bakit? Libre mo?”

“Yup.”

“Oh buti? Anong pumasok sa isip mo?”

“Wala lang. Namiss kasi kita e.”

“Psh. Namiss lang, maglilibre agad? Loka ka, alam na alam kitang babae ka. I know that you’re hiding something to me. Tss.”

“Hala, hala! Wala ah. Bestfriend kita, kaya bakit ako mag-tatago sayo?” nakapout na sabi ni Mae.

“Sabagay. Pero parang iba ka kasi.” tumingin ako sa kaniya. Lalong gumaganda ang loka. Sabi nga nila, lalong gumaganda/gwapo ang isang babae at lalaki kapag in love. Siguro, in love siya no?

“Ehehe. Eh kasi..”

“Mamaya na ang kwentuhan. Mag-order kana para makakain narin ako. I'm so hungry na.”

“Ang takaw mo. Kakain lang natin kanina sa room e.”

“None of your damn business. Go, shoo! Shoopi~”

“Oo na.” nakabusangot na sabi niya at pumila na.

Naupo ako sa isang lamesa na wala pang nakaupo. Naalala ko, dito nga pala nag-aaral si Karlito. Eh 'yung ungas na 'yun. Nasaan kaya?

Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng cafeteria. At bigla lang sumagi sa isip ko na bakit ko nga ba siya hinahanap?

Tinuon ko nalang ang pansin ko sa labas. Kakaunti palang naman ang tao dahil hindi pa naman break time. Nagugutom na kami kaya nagpunta kami dito.

“May hinahanap ka yata?” nilapag niya na ang tray sa lamesa at umupo sa harapan ko.

“Ah, wala. Hinahanap ko lang si Karlito.”

“Ehem, sinong Karlito aber?”

“Ahh..haha. Si Karl.”

“Sino ulit?”

“Si Karl nga!”

“Si Karl na ex mo?”

“Uh-uh.”

“Teka, bakit mo hinahanap? Nandito na siya? Dito ba siya nag-aaral?”

"Ah. Oo."

"Teka, bakit alam mo? Nagkabalikan na ba kayo ng gagong 'yun?"

Automatic na nabuga ko sa kaniya ang kinakain kong spaghetti. Walang hiya. Kami? As in si Karl at si Nicole? Magkakabalikan? Oh come on. In your wildest dream.

Nah! Oo nga pala. Naibuga ko ang kinakain ko sa mukha ni Mae.

"Ugh, sorry, sorry."

"Baliw ka talaga." pinunasan niya ang mukha niya gamit ang towel niya. Buti nalang talaga't always ready 'tong babaeng 'to.

"Where's Lance anyway?" tanong niya sakin habang kumakain siya ng burger.

"Aba ewan ko dun. Baka kasama sila Terrence?"

When I Met YouWhere stories live. Discover now