Chapter 20

62.3K 4.9K 864
                                    

Chapter 20

Paglabas

-- REYNA -- 

Patuloy ang pagbuhos ng manipis na sinulid ng buhangin, kasabay ng pagsiklab ng liwanag mula sa maliit na lamparang siyang nakapatong sa gitna ng lamesa. Mas nabigyan nito ng buhay ang bawat tinta ng mga lumang papel na siyang nakalatag at nagsusumigaw ng mga kaalamang siyang maaari naming magamit sa susunod na mga oras.

Naglandas ang maliit na butil ng pawis sa aking mukha habang patuloy kong nararamdaman ang tindi ng kanilang mga matang nakaabang sa mga salitang sasabihin ko.

Nasanay akong madalas nakikinig sa bawat laban, desisyon at paglalakbay. Ang mga suhestiyon nina Hua at Nikos ay kailanman ay hindi ako binigo, si Rosh na siyang nagsilbing pinuno ng paglalakbay ay hindi rin ako hinayaang makaramdam ng pangamba at kung sa tuwing magkakaroon naman ng pagkakataong kasama ko naman ang mga babae sa palasyo, laging nangunguna sina Lily, Claret at Kalla. Nagkaroon man ako ng pagkakataong ako mismo at ang mga salita ko ang siyang mangunguna sa lahat, nasisiguro kong may mga nilalang na nakabay sa akin.

Ngunit sa sandaling ito... naririto man sa likuran ko ang pinakamatatalinong Gazellian at ang aking hari, alam kong ako ang siyang pinakainaasahan nila.

Ako ang siyang dapat may lubos na nalalaman tungkol sa mga kalahi ko... sa mga diyosang pinagmulan ko. Sa kasaysayang sinubukang baguhin ng mundong inakala kong nabubuo ng kabutihan.

Kumuyom ang mga kamay ko at muling huminga ng malalim. Hindi ko akalain na darating ako sa panahong kakalabanin ang lahi o ang mundong iniingat-ingatan ko.

Hindi ko aakalain na ako mismo ang siyang mangungunang sirain at pabagsakin ang lugar na inakala kong isang Paraiso.

Isa-isa kong sinalubong ang mga mata ng magkakapatid.

"Nasisiguro kong ang haring sinasabi ni Casper ay ipinadala rin ng mga diyosa nang sandaling malaman nilang naririto kayo—tayo." Panimula ko.

"At isa lang ang ibig sabihin niyon..." sinadya kong bitinin ang mga salita.

Suminghap si Finn.

"Y-You mean... hindi nila tayo..."

Tumango ako sa kanya. "Sa kung anumang rason, hindi nila kayo magagawang labanan ng harapan. Siguro ay may limitasyon o kung anumang pumipigil sa kanila para harapin o gawin ang gusto nila para hadlangan tayo kaya kumuha sila ng nilalang mula sa pareho nating panahon..." pagpapatuloy ko.

Si Dastan ay humakbang na papalapit sa akin at nanatiling tahimik sa tabi ko. Hinayaan niya akong malalim na makipag-usap sa mga kapatid niya.

"Then, it's gonna be easy. Kung iyong hari lang—" umiling ako sa dapat sasabihin ni Finn.

"Ngunit wala sa isip ko ang saktan ang haring magiging kalaban natin. Biktima rin siya at nasisiguro kong sarado ang isip niya dahil sa walang katapusang kasinungalingang iminulat sa kanya. Lalo na't madaling masisisi sa akin ang lahat dahil ako ang siyang nagdesisyon at pumili ng emperyong maglalaho..."

"Hindi mo nga sila nais saktan ngunit sa 'yo na rin nanggaling na ang tindi ng poot nila'y hindi na matutumbasan dahil sa mga nakaraang desisyon mo. Oo, noon ay nagpakita ang isa sa kanila ng interes sa 'yo na sa halip na galit... ngunit nang masaksihan nila ang tindi ng koneksyon n'yo ni Dastan, nawalan na sila ng dahilan upang magdalawang-isip saktan ka Leticia. How can we possibly win this battle? Kung ang nasa isip natin ay tulungan sila at sila nama'y nais tayong kitilin? We all know that after this mission, we will face a huge war. Pagkitil ang siyang nagsusumigaw sa kanila..." nakukuha ko ang punto ni Lily.

Moonlight Throne (Gazellian Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon