Chapter 37

38.8K 4.8K 4.2K
                                    

Chapter 37

Prinsipe

Hindi ko na sana nais pang saksihan ang maaaring magiging pagtatagpo nina Rosh at ng anak ni Diyosa Eda, ngunit natagpuan ko na lang ang sarili kong nauupo sa ilalim ng puno habang may nakalahad na kanang kamay.

Gusto ko sanang tanging si Rosh na lang ang makaalam ng tagpong iyon sa pagitan nila ni Noella, ngunit ang kaalaman ng kalagayan ng asul na apoy ay siya ring aking kailangan.

Hinayaan ko ang gintong liwanag mula sa aking kamay ang maglahad ng kahihinatnan ng aking pagsugal.

Pinagsalikop ko ang aking mga hita at iniyakap ko roon ang isa kong braso, inihilig ko ang aking mukha sa aking mga tuhod at tahimik kong pinagmasdan ang imahe ng prinsipeng masasabi kong isa sa pinakamakisig na nilalang na nakilala ko bukod sa aking minamahal.

Nang sandaling nagmulat ng mga mata si Rosh, ang siyang una niyang nakita'y ang lotus na hawak niya.

"L-Leticia?"

At nang nag-angat na siya ng tingin sa paligid, kakaibang lugar ang siyang kanyang nasaksihan. Ibang-iba sa mundong kanyang pinanggalingan.

"Leticia?"

Ilang beses siyang lumingon sa paligid ng isang kakaibang uri ng silid na napupuno ng kakaibang klase ng mga upuan. Akma na sanang hahakbang ang prinsipe nang may biglang nagpakitang babae sa kanyang tagiliran.

Biglang bumigat ang paghinga ko habang pinapanuod ang eksenang iyon. Dahil hindi man iyon ang totoong kaanyuan ng diyosa ng asul na apoy ay agad ko na siyang nakilala.

Matalinong prinsipe si Rosh kaya hindi man lang siya nagdalawang isip na pangalanan ang babaeng nakasalikop ang dalawang kamay sa kanyang likuran at hantaran at mapaglarong nakasilip sa kanyang mukha. Kaiba ang kasuotang gamit niya na kailanman ay hindi ko nasaksihan sa mundong ito.

Kumunot agad ang noo ni Rosh nang mapagmasdan niya ang kakaibang anyo ng diyosa ng asul na apoy.

"This isn't true. I am not supposed to be here. This is human world, right? Goddess of the blue fire."

Lumawak ang ngiti ng diyosa ng asul na apoy. Tumuwid siya ng pagkakatayo at mas humarap sa prinsipe, bahagya pa siyang nakatingala sa tangkad ni Rosh. Ilang beses umikot sa kanyang posisyon ang diyosa ng asul na apoy, dahilan kung bakit tila sumayaw ang kanyang tuwid na buhok at kakaibang kasuotan.

"Do I look like a young woman? A female student."

Tumaas lang ang kilay ni Rosh sa kanya.

Saglit na tumawa ang diyosa ng asul na apoy sa naging reaksyon ni Rosh, bago niya kaswal na inangkla ang kanyang braso sa prinsipe. "This isn't the human world. This is your mate's subconscious."

Doon tuluyang naagaw ang atensyon ni Rosh. Lumingon siya sa diyosang tila nawiwiling makipaglaro sa makisig na prinsipe. "W-What?"

"You are inside her mind. She's still sleeping, Prince Rosh. Ngunit sa isip niya'y nananatili pa rin siya sa mundong pinanggalingan niya. This place... this scene is part of her imagination... at pinasok mo iyon. Hindi makapaghintay?"

Mapaglarong gumuhit ng ilang hugis ang diyosa ng asul na apoy sa braso ni Rosh na nakatulala lang dahil sa mga naririnig niya.

"But this isn't—"

"Yes. I can feel her. We're risk takers. Kaming mga taksil na diyosang kanilang tinatawag ay hindi natatakot sumugal. Naiintindihan ko si Leticia kung bakit ka niya dinala rito."

Moonlight Throne (Gazellian Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon