Chapter 21

48.5K 4.3K 1.4K
                                    


Chapter 21

Pagpapakilala

-- HARI --

I thought I'd seen enough of elegancy in my lifetime. I am born in royalty, where everything I see is glittering. Wealth, power, beauty are just some of the privileges of being royal blood, and it's nothing new to me to witness a huge event filled with different creatures with high titles.

But I didn't expect that the historical gathering tonight would give me chills and fascination.

Nasisilaw ako...

Hindi sa ningning ng mga nasasaksihan ng mga mata ko, kundi sa kapangyarihang sumasalubong sa akin. Akala ko'y nasaksihan ko na ang tinatawag nilang kapangyarihan, naranasan mula sa mga kamay ng aking mga magulang, ngunit kaiba pa rin ang kayang ipadama ng presensiya ng pitong umupo sa makasaysayang trono.

Akala ko'y nagawa ko nang ihanda ang sarili ko sa anumang maaaring mangyayari sa paglalakbay na ito, ngunit hindi ko magawang pigilan ang nadarama kong kaba.

Sa kabila ng distansya namin mula sa matayog na palasyong nakatindig sa tuktok ng batong burol, hindi nito nagawang pahinain ang nag-uumapaw na presensiya ng pitong alamat.

Kusang kumuyom ang mga kamao ko. Sa unang pagkakataon ng aking buhay, nakaramdam ako ng panliliit sa aking sarili. Simula pagkabata'y ipinamulat na sa akin ni ama na itatalaga akong pinakamalakas sa lahat, ngunit ngayong nakararamdam ako ng pagsukat sa sarili kong kapangyarihan.

Ganito na ang kapangyarihang kaya nilang ipadama sa akin. Sa akin na kinikilala na ng nakararaming siyang pinakamalakas na bampira sa kasalukuyan, ngunit sa paanong paraan pa sila nagawang...

"Dastan..." bulong sa akin ni Leticia.

Nawala ang pagtitig ko sa palasyong nasa tuktok ng burol at humarap ako sa aking pinakamamahal na diyosa.

Tipid niyang idinampi ang kanyang nagliliwanag na kamay sa aking nakakuyom na kamao. Hindi man ako naglabas ng kahit iisang salita, alam kong nararamdaman ng aking diyosa ang matindi kong poot, galit, kaya'y pagkalito o maging ang takot at pangamba.

These seven high thrones were powerful enough. Alam ko sa sarili ko na hindi ko magagawang pantayan ang kapangyarihang mayroon sila sa sandaling sila'y nagsama-sama... ngunit sa paanong paraan sila nagawang paglaruan ng mga diyosa?

"The Nemetio Spiran is at peace during this time." Usal ni Casper na nakatanaw rin sa labas ng bintana ng karwahe habang nakapangalumbaba gamit ang kanyang kanang kamay.

The clutter of the carriage's wheels overwhelmed. The gentle wind lingered around us, Lily's hair swirled, Finn started to whistle with a familiar tone, Evan played little sparkle on his fingers, and Casper leaned his back on his seat and slowly closed his eyes.

Pilit man namin itago sa isa't isa, alam kong iisa ang nararamdaman namin. Takot, kaba, galit at napakarami pang emosyon na halos hindi na namin magawanag pangalanan.

Ngayo'y nasa kamay namin ang nakaraan, kasalukuyan at ang hinaharap.

Nagbalik kami sa panahon kung saan nagsimula ang lahat. Hindi ko akalaing hindi lang kasalukuyan o kaya'y ang hinaharap ang aking kakaharapin kundi pati na rin ang nakaraan.

"No war..." mapait na sabi ni Lily.

"United." Dagdag ni Evan.

"Satisfied..." naiiling na sabi ni Finn.

Kapwa kami hindi nakapagsalita ni Leticia dahil maging kami ay iyon ang nakikita sa mga oras na ito.

Ang sitwasyon ng Nemetio Spiran ngayon ay hindi aakalaing makararanas ng sunud-sunod na digmaan.

Moonlight Throne (Gazellian Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon