Chapter 32

37.4K 4.2K 2.4K
                                    

A/N Hi, readers! Sorry if I took so much time to update this story. But I'll assure you that everything will go on smoothly, I am a bit back on my track now. Actually, I had a hard time updating this since my previous story(Seiji & Eve) was way too different from Gazellian Series. I am so happy that there are still readers waiting for this story despite my slow update.  When I read your feedback, I can't help but feel overwhelmed. Huhu. Kasi nararamdaman n'yo and nararamdaman ko habang sinusulat ko ang chapter. 

Sobrang saya ko po! Maraming salamat po!


Dedicated to Sheryl Calma

Chapter 32

- REYNA -

Unang pagkilos

Dati'y katanungan at malaking misteryo sa akin ang kakayahang mayroon ang babaeng itinakda kay Rosh. Nang sandaling malaman ko na may kakayahan siyang manipulahin ang mga dragon— isa sa mga makasaysayang nilalang na maging katulad kong diyosa'y pinangingilagan, inaamin ko na nagkaroon ako ng pag-aalinlangan at inisip na maaaring nagkamali lamang ang lahat sa kanilang paniniwalang iyon.

Iilan lang ang mga diyosang may kakayahang makapag-paamo ng dragon at kung magiging posible man iyon ay kakailanganin ng pinagsama-samang kapangyarihan ng mga diyosa.

Ngunit nang masaksihan ko kung paano na lang biglang may nagpakitang dragon nang sandaling nasa bingit ng kamatayan si Rosh ng panahong unang sugurin ang Parsua Deltora, doon lamang ako lubos na nakumbinsing iyon nga ang kapangyarihang mayroon ang babaeng itinakda sa kanya.

Ang dragon ay kusang iniligtas ang buhay ng prinsipeng itinakda sa diyosang kanyang hinihintay.

Bagaman nagkaroon ng patunany, mas lalo lang nagkaroon ng napakaraming katanungan ang isipan ko. Saan siya nagmula? Bakit ang katulad niyang malakas na nilalang ay nasa mundo ng mga tao?

Kahit ako'y inaamin ko na magkakaroon ako ng problema sa sandaling subukan kong paamuhin ang isang dragon. Ngunit kung ang dugong nanalaytay sa akin ay mula sa itinalagang pinakamalakas na diyosa sa kasaysayan...

Ilang minuto kong hindi narinig ang boses ni Dastan sa aking isipan, dahil alam kong katulad ko'y hindi rin siya makapaniwala sa sabay naming nadiskubre.

Sinong mag-aakala na maging ang isang Le'Vamueivos ay may malaking koneksyon din sa nakaraan? Buong akala ko'y tanging ang mga Gazellian lamang ang madadawit sa makasaysayang pangyayari ng Nemetio Spiran, ngunit ito at may malaking parte rin pala ang tanyag na Prinsipe ng Deltora.

"T-That explains everything... why everything seems so special on her. Buong akala ko'y na kay Claret na ang lahat ng misteryo..."

Ibinuka kong muli ang bibig ko para may sabihin sa diyosa, ngunit natagpuan ko na lang ang sarili kong itinitikom ulit iyon.

Dahil...

Kusa ko na lang nayakap ang sarili ko. Pakiramdam ko'y mas lalong bumigat ang responsibilidad na nakaatang sa akin sa mga oras na ito.

"We're not here because it was planned. That we need to change or prevent anything... it's part of the history, Leticia. We are destined to come back to past. To save the further future of Nemetio Spiran..."

Hindi ko na alam kung saan na galing ang panghihina ko. Gusto kong maiyak sa tuwa, lungkot, at pagkamangha... hindi ko na magawang pangalanan ang mga nag-uumapaw kong emosyon.

Dahil buong akala ko'y ito'y para lang sa magiging pag-upo namin ni Dastan sa trono, sa muling pagbuo ng Nemetio Spiran, ngunit higit pa roon ang pagkakatugma-tugma ng pangyayari.

Moonlight Throne (Gazellian Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon