Chapter 46

37.8K 3.9K 2.1K
                                    

Chapter 46: Kasagutan

Nabuhay akong kinilalang ang mga diyosa na ang siyang masasabi kong pinakamataas at maganda sa aking mga mata. At ang Deeseyadah na dati'y maituturi kong isang paraiso. Ngunit sa paglipas ng mga panahon at nang sandaling higit akong namulat sa katotohanan, marami na akong mundong nasaksihan, mga lugar na hindi ko inaasahang mararating ng aking mga paa, at mga tahanang aakalaing kong hindi na aabot o kaya'y lalampas sa aking paghanga.

Ngunit sinong mag-aakala na sa likuran ng madilim na kweba'y may tila isang mundong ipinagkait nang napakatagal na panahon at piniling sadyang ikubli sa napakaraming mga mata ng mundong ito.

Kung kilala ang Deeseyadah sa mala-ginto at kristal nitong kapaligiran, ang Parsua Sartorias sa nagagandahan nitong mga puno, at ang Parsua Deltora sa dami ng kanilang naglalakihang anyong tubig, at maging sa iba't ibang mundong siyang aming pinagdaanan upang makalap lang ang susi, tila ang lahat ng iyon ay pinagsama-sama sa likuran ng kwebang ito.

Kilala ang Parsua Deltora sa mga talon, karagatan, ilog, lawa, at maging mga sapa. Ilang beses na rin akong nakarinig ng iba't ibang alamat na konektado sa kanilang dagat o kaya'y lawa. Ngunit kailanman ay hindi ako nakarinig ng deskripsyon tungkol sa isang napakataas na talon na siyang sumalubong sa aming mga mata ngayon.

Napakataas niyon na sa sandaling mag-angat kami ng tingin ay halos masilaw kami sa liwanag ng kalangitan. Maging ang malalaking ibon na nagliliparan sa itaas ay hindi magawang matanaw ng tuluyan dahil sa liwanag na siyang sumasalubong sa amin.

Tila ang daang tinahak namin papasok ng kweba'y nagmistulan lamang lagusan patungo sa ibang mundo. Ang napakataas na talon ay dumadaan sa mga naglalakihang bato na niyayakap na ng mga bermuda, tila ang mga iyon ay nagkaroon pa ng iba't ibang palapag kung saan ay may mga nagtitindigang kakaibang uri ng mga puno.

Sa puso ng talon ay isang napakagandang babaeng tila ilan daang taon nang nakahimlay at nakalutang habang ang iba't ibang parte ng katawan ay may yakap ng halamang ugat. At ang mga kamay na nakadaop ay may nag-iisang hawak na pulang lotus.

Ang siyang binabagsakan ng tubig ng talon ay gumawa ng mistulang ilog dahilan kung bakit sa aming pagtakbo patungo roon ay nabasa ang aming mga paa na ngayo'y bahagya nang nakatubog sa tubig.

Bagaman maraming kulay ang makikita sa mga oras na iyon, kapansin-pansin ang iisang kulay ng mga paru-parong nagliliparan sa paligid—kulay puti.  

Ngunit bukod sa babaeng nakalutang sa gitna ng mataas na talon, mula sa madamong palapag na bato kung saan umaagos ang tubig ay may matikas na nakatindig na uri ng hayop na masasabi kong hindi pangkariniwan.

"A deer?" tanong ni Blair.

"It's not a normal deer. Look at its horn," sagot ni Hua sa kanya.

Kailanman ay hindi pa rin ako nakasaksi ng ganitong uri ng usa, kahit sa mga usang matatagpuan sa Deeseyadah ay kakaiba ang presensiyang ibinibigay nito.

"Even the eyes..." usal muli ni Blair.

Pula ang mga mata ng usa.

Hindi lang sa babaeng nakalutang sa gitna ng talon at sa usa na siyang tila nagbabantay sa kanya ang siyang umaagaw ng aming atensyon, kundi ang mga nilalang na ngayo'y mariin din nakatitig sa amin at pinakikiramdaman ang siyang susunod naming kilos.

"These creatures... hindi sila naninirahan sa Nemetio Spiran. This place is just the connection, the portal to their real world," kompirmasyong sabi ni Hua.

"Why do we have a connection with them? And even consider this cave hiding something that would hold a great power—" hindi na pinatapos ni Hua si Blair.

Moonlight Throne (Gazellian Series #6)Where stories live. Discover now