Chapter 22

46.9K 4.2K 809
                                    

Chapter 22

-- HARI --

Mga Sinulid

Buong akala ko'y ang manipis na gintong daang nagmula sa aking diyosa, ang nagniningning na mga alikabok sa hangin, piraso ng pulang mga rosas at maging ang ilusyong puting mga kabayo ang siyang magsisilbing sentro ng atensyon sa mga oras na iyon.

Ngunit mukhang nagkakamali ako, dahil sa mga oras na ito'y hindi lang kaming magkakapatid ang nais magtungo sa pagdiriwang na higit na mas maaga sa nakararami.

Sila'y mga bumababa na upang kami'y hadlangan. Sila'y katulad rin naming bumalik sa nakaraan...

Ang bulgar na pagpapakilala sa likuran ng maagang pagtatanghal ang siyang inaasahan naming magbibigay ng solusyon sa una naming suliranin, ngunit tila nakakalimutan namin na hindi lang kaming mga Gazellian ang siyang may angking kakayahan sa estratehiya.

Dahil hindi lang kami ang may kakayahang gamitin ang pagtatanghal upang masunod ang aming mga ipinaglalaban.

Natigil sa paghakbang ang aking puting kabayo, maging ang sa aking mga kapatid ay ganoon din. Si Leticia, ang aking pinakamamahal na diyosa'y unti-unti rin natigilan, hanggang sa magkaroon siya ng lakas ng loob lumingon sa likuran niya.

Hindi man siya nakikita ng mga nilalang sa panahong ito o kaya'y ng mga diyosang ngayon ay nasa harapan namin dahil sa kakaibang paraan niya ng paglalakbay sa panahong ito, ramdam ko ang tindi ng emosyong ngayon ay nararamdaman niya.

Sa tagal ng panahon ng pakikipagsapalaran namin ni Leticia, muli'y nakaharap siya ng mga diyosa mula sa Deeseyadah.

Tila tumigil ang oras sa patigan naming lahat.

Mga diyosa...

Mga diyosang naka-anyong apoy ang ngayo'y nasa aming harapan. Halos hindi ko sila mabilang. Kapwa sila lumulutang sa himpapawid, nakahilera sa likuran ng aking diyosa habang ang kanilang mahahabang buhok na tinatangay ng hangin ay tila nagliliyab na mga apoy.

Ngunit sa kabila ng kanilang dami at lakas ng kapangyarihang nais ipadama sa akin, mas kapansin-pansin pa rin ang kaanyuan ni Leticia at ang mala-ginto niyang buhok sa tuwing tumatama ang sinag ng buwan sa kanya.

"It should be our grand entrance alone..." ani ni Evan.

"Mukhang mapapalaban tayo ng maaga." Dagdag ni Finn.

Ang lahat ng mga nilalang na nasa kani-kanilang mga karwahe'y ngayo'y nasa amin na ang buong atensyon, na may iisang iniisip... sila'y makakasaksi ng paunang pagtatanghal.

Handog ng palasyo habang ang lahat ay naiipit sa isang napakahabang pila.

"Leticia..." mahinang bulong ko.

Malayo man ang distansya namin, alam kong narinig ako ng aking diyosa. Kusang naglaho ang kabuuan niya sa harapan ng mga nag-aapoy na diyosa at sa isang iglap ay nabuo ang pigura niya sa aking tabi.

Ang mga kabayo nina Evan, Finn, Lily at Casper ay mga naglaho na. Sila'y nagsimulang humakbang sa pagitan ko habang ang kanilang mga mata'y nakatanaw sa itaas... sa mga diyosang ngayo'y nakalutang at nakaharang sa palasyo.

Ang tensyon sa pagitan nami'y hindi mapigil ang pagtitindigan ng aking mga balahibo.

The thin golden road, the series of flags below from royalties, the long trail of carriages, the ancient palace and its power, the glinting moon, the huge torches in the entrance gate, and lastly the floating fire in front of our eyes made the situation more intimidating.

Moonlight Throne (Gazellian Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon