Chapter 02 ✍ - Fire & Ice

82.9K 1K 92
                                    

Lucas ✍

"Nasan ba si James?" tanong ko kay Bryan - isa sa matalik kong kaibigan.

Matalik ko ring kaibigan si James. Kaya naman kaming tatlo ay sikat dito sa tawag na, "The Three Muskeeters." Mga kalalakihang hindi mo kayang kalabanin.

"Hindi ko alam. Pero Lucas! Pano ba 'yan? 1-0 na ang score! Natirahan ka na naman ni Ms. Valedictorian." pang-iinis niya.

"Huwag mo nga akong inisin."

"Bad Mood ka yata ngayong buong araw. Nalaman ko ang ginawa mo kanina sa hallway. Dumating na naman ba si Tito?"

"Tss, kaibigan nga talaga kita."

"Ako pa. Ano? Bar tayo mamaya?" pang-aayaya niya.

"Sige ba. Libre ko. " sagot ko. 

Habang naglalakad kami, nabunggo ako ng isang lalaking hindi naman bulag pero nakaya pa akong banggain at dinumihan pa ang mamahalin kong sapatos.

Nakita ko ang gulat na rumehistro sa kanyang mukha.

"Sorry, sorry!" sabi nito.

"Anong sorry, sorry!? Hoy kayo!" tinawag ko ang mga kalalakihang nag-uusap sa may bench. "Turuan niyo 'to ng leksyon kundi kayo ang makakatikim sa akin." sigaw ko.

"Lucas, sobra yata ang parusa mo." sabi ni Bryan.

Huminto ako sa paglalakad at sinagot siya. "Sa kanya ko ibubuhos ang galit ko ngayong araw. Halika na at nagugutom na ako." I said with a cold voice.

"Tssk, si Lucas Montreal ka nga." huling narinig kong sabi ni Bryan.

CAFETERIA. Nakita ko na naman ang babaeng 'to. Nakaharang na naman sa dadaanan ko. Wala na ba siyang ibang maggawa kundi sirain ang araw ko? 

"Nananadya ka ba talaga ha?!" pasigaw kong tanong.

"So ako pa ang nananadya? At kailangang manigaw?" sagot niya.

"Umalis ka sa dadaanan ko." pang-limang na harang nato sa araw na ito. Pikon na pikon na ako.

"Gaano kaba ka laki? ha? Pwede ka namang dumaan ah!" 

"Lucas, baka ma high-blood ka na talaga." inakbayan ako ni Bryan.

"Hi Girls ! Hi Mish?" At nakita kong kinindatan pa niya ito.

"Chee!" sagot nito.

"Tss, ang drama niyo." at umalis na ang asungot.

Pumasok kami sa Cafeteria at nakita namin doon si James na kausap sina Sheena at Katerina.

"Hi Lucas!" bati sa akin ni Sheena. 

"Hi." malamig kong sagot.

"Ano? Bar tayo mamaya?" pag-aya ni Bryan kay James.

"Pass muna ako. May gagawin pa ako eh." sagot nito.

 ° ° ° ° ° ° ° 

Nagulat ako ng makita ko pa si Dad na naka-upo sa sala at parang may hinihintay.

"So you've finally arrived Lucas." seryosong sabi niya.

Ano na naman bang problema niya? Bakit hindi nalang siya bumalik sa Europa at magtrabaho. Yun lang naman ang gusto niya diba? Tssk.

"The hell you care." pabulong na sabi ko.

I was even shocked when he stood up, grabbed my sleeves and  punched me hard. 

"What's wrong with you!' I shouted.

"What's wrong with me? Dapat sayo ko 'yan tinatanong!" 

"Ano na naman?! Lahat nalang ba ng kinikilos ko ay mali!?" sagot ko.

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon