Chapter 11 ✍ - Camp Day

55.4K 812 59
                                    

Lucas ✍

"No dad, not this time." 

"Luca-.."then I hang-up the phone bago pa siya makasagot.

"Si Ramon ba ang tumawag?" tanong ni Manang.

"Wala na pong iba. Magbibihis muna ako, Manang." at pumunta ako sa kwarto ko.

No. Bakit ba lahat ng bagay ay dapat naaayon sa kanyang kagustuhan?

Tss, after all, sa kanya nga ako nagmana. 

° ° ° ° ° ° °

CAMP DAY. Dumating na rin ang araw ng camp. Si Manang ang naghanda ng lahat ng kakailanganin ko kaya naman dumiretso agad ako sa kotse.

"Sir, san po ang venue ng camp?" tanong ng driver namin.

"Sa Swiss Beach." sagot ko.

"Ok po." at nagsimula ng umandar ang kotse.

Habang papunta na ako sa venue, naiinip ako kase ang traffic. 

Ganito talaga kapag rush hour. 

Habang sa napako ang mga mata ko sa isang babae na naka-upo lang sa isang coffee shop sa Mall at humihigop ng kape.

"Manong, huwag muna tayo dumiretso sa venue. Maya-maya nalang po kase ang traffic pa. 

"Mag park muna tayo sandali sa Mall. May bibilhin lang ako." dagdag ko.

"Sige po." after mag park ng driver, agad kong pinuntahan ang babae sa coffee shop, ngunit wala na ito doon.

"Shit, nasaan na kaya yung babae na 'yun?" bulong ko sa sarili ko.

Naglibot ako sa Mall hanggang sa naisip ko kung saan ito pwedeng pumunta. Sa Bookstore. 

At nakita ko nga siyang nagababasa doon na maaaring bilhin.

"Babasahin mo lang ba 'yan dito? Hindi mo bibilhin? Astig din ng trip mo noh." then she looked at me na nakakunot ang mga noo.

"Lucas?! Bakit ka nandito?" gulat na tanong niya matapos niya akong makita.

"Bakit? Hindi ba pwede?" pilosopong sagot ko.

"Ang pilosopo mo rin ah noh? Ang ibig kong sabihin, diba ngayon ang camp?" 

"Oo. At sasama ka." then hinawakan ko ang kamay niya para dalhin siya.

"Wait, NO!" at bumitaw siya.

"Bakit na naman?" I asked.

"Hindi nga pwede diba? O baka hindi mo alam ?" sagot niya.

"Alam ko."

"Bakit mo alam? Stalker ba kita?" tanong niya.

"Stalker? Ako na si Lucas Montreal, STALKER?" sigaw ko.

Parang nagalaw pride ko dun ah. Tss.

"Oh sha-sha, sige na, hindi na. Kailangan sumigaw?" paunang sabi niya. 

"Pero, ayoko pa rin." sabi niya.

"Bakit na naman? Diba gusto mong sumama?" 

"Bakit mo na naman nalaman 'yan?" tanong ko.

"Kayong magkasintahan diyan, huwag kayong maingay." sabi nung cashier ng Bookstore.

"Ah, sorry po." paghihingi ko ng patawad at lumabas kami para ipagpatuloy ang pag-uusap namin.

"Oh, bakit ka hindi sasama?" tanong ko ulit.

"Shunga ka ba? Wala kaya akong dalang mga damit!" she exclaimed.

"Yun lang ba problema mo?" at dinala ko siya sa isang clothing store.

"Mamili ka na at bilisan mo. Nagmamadali tayo." sabi ko.

"What? Kahit anong gusto ko?" gulat na tanong niya.

"Ako na nga! Ma-upo ka jan."

"Pero -..."

"At tumahimik." dagdag ko.

At matapos kong mamili, binayaran ko agad para makaalis na kami.

"15,750 pesos po lahat Sir." sabi nung cashier.

"WHAAAT? DAMIT LANG 15,000 na ?! Ano bang klaseng mga damit 'yan!?" at tinakpan ko ang bibig niya.

At inabot ang bayad ko. 

° ° ° ° ° ° °

"Bakit mo ba ginagawa 'to?" tanong niya.

"Bakit ka ba tanong ng tanong?" sagot ko.

"Bakit ako hindi magtatanong? Pwede namang bumalik nalang ako sa bahay para kunin yung gamit ko. Hindi mo na kailangang bumili at gumastos pa." pangangatwiran niya.

"Bat ba ang daldal-daldal mo, ha? Anong gusto mo? Pwede ko namang itapon nalang 'to." at tinutukso ko siyang itatapon sa bintana ng kotse.

"Huwag, huwag. Nagtanong lang naman ako." at nakita kong kumunot na naman ang noo niya.

At dun, ngumiti ang puso ko. ... ah este , ang mga labi ko.

° ° ° ° ° ° °

Matapos ang mahabang biyahe, nakarating rin kami. 

Madami ng tao at kami nalang yata ang huling nakarating.

Pagbaba ko ng kotse, sinalubong agad ako ni Bryan at James.

"Oy Lucas ! Bakit ngayon ka lang?!" tanong ni Bryan.

"May inasikaso lang ako sandali." sagot ko.

"Hi Lucas." bati ni Sheena na kasama ang kaibigan niyang si Katerina.

"Hi." tipid kong sagot.

"Nag pairing na pala kanina." sabi ni James.

"Anong pairing?" 

"Pairing para may buddy ka habang nandito sa camp. Pwede mababae o malalaki ang kasama mo." sagot ni Bryan.

"At ako ang magiging buddy mo." sagot ni Sheena.

"Kanina pa yan naghihintay sayo! Ayaw ngang maging pair ko. At dahil wala si Kassandra, ako ang mag-iisa ngayon. Saklap." sagot ni Bryan.

"No. You both pair each other. I have my own." I said.

"WHAT? What do you mean?" pasigaw na tanong ni Sheena.

"I'm here with someone." at tinawag ko si Kassandra mula sa kotse.

"Halika na." then I smiled at her.

"KASSANDRA?!" gulat na sabi nilang lahat.

 ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °

Author's Note ♛

No Compilations. || No Softcopies.

No part of this story may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form, or by any means, shall face the prior consequences. This story is purely fiction. This is just a mere and pure imagination of the author. Sorry if there are grammatical errors /typos.

Chapter 11 ✍ - Camp Day
Date Published: May 13, 2014 

ALL RIGHTS RESERVED 2014.
© alchemistofwords

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon