Chapter 26 ✍ - The Change of Hearts

46.1K 708 47
                                    

Kassandra ✍

Tumayo agad siya at sumunod naman ako kase narinig namin na parang bumukas ang pinto.

"Anong ginagawa niyo rito?" pag-aalalang tanong ng isang babae.

"Hindi po namin alam na lumang building pala 'ho to. Hindi naman kase ho halata." sagot ko.

"Ah ganun ba, sige at maglilinis pa ako." 

At umalis na ako agad para tumungo sa Gymnasium.

Late na ako ng 15 minutes. Patay. Baka disqualified na ako.

Habang papunta ako doon ay nakasalubong ko ang bago kong kaklase sa Swiss.

"Kass? Saan ka ba galing? Bilisan mo! Baka ma disqualified ka! Natawag na pangalan mo!" pag-aalala ring sabi nito.

"Sige salamat."

Papasok pa lang ako nang marinig ko ang sinabi nang host.

"So, for the last call, Ms. Villanueva of Swiss! Or else you will be disqualified."

"Nandito ak--." sisigaw na sana ako nang hatakan ako mula sa likuran.

"Hooooy! Ano ba!" sinigawan ko ito agad. Pero hindi pa rin ito nagpapigil at hinahatak pa rin ang kamay ko.

Hindi gumagalaw ang katawan ko batay sa iniisip ko. Gusto kong tumakbo at tapusin ang laban namin ni Nicole.

Pero bakit ayaw magpapigil ng katawan ko.Pinasok ako sa kotse nito at nagsimulang mag-drive.

"Saan mo ako dadalhin." tanong ko kahit na wala ako sa pag-iisip. Hindi ako makapag-isip ng maayos.

"Tss, 'wag ka nang aangal diyan." sagot ni Lucas.

Hanggang sa nakarating kami sa kung saan. Na lowbat ako kaya naman hindi ko alam kung ano na ang mga nangyari doon kanina sa Gym.

Patay ako sa Council nito. Patay ako kay Stefan. Siguradong babawiin na ang scholarship.

Hinahatak niya pa rin ako sa kamay papasok sa kung saan lugar.

"Goodafternoon Young Master, it's our pleasure to serve you." bati nang isang babae.

Hindi siya sumagot. Pero napabilib ako nung babae kase ang lapad pa rin ng mga ngiti niya.

At natapos na rin ang aming paglalakad at nakarating kami sa isang beach.

Nawala lahat ng mga iniisip ko nang makita ko ang magandang paglubog ng araw.

"Bitawan mo na ako. Bakit mo ba ako dinala rito?" tanong ko sa kanya kahit na nakatalikod ito sa akin.

Kinalas ko agad ang pagkakahawak niya.

At ngayon unti-unting nakikita ko ang mukha niya sa pagharap nito.

"Ano bang meron sa kanya na wala sa akin?" tanong niya agad. Nagulat ako sa mga sinabi niya. 

Ano na naman bang nahithit ng lalaking 'to?

"Yan lang ba ang pag-uusapan natin at dinala mo pa ako rito?" aalis na sana ako ng pigilan niya ako sa kamay.

"Sagutin mo 'ko!" he shouted and I was left speechless. Hindi ko aakalaing gagawin niya 'to.

"Ano bang problema mo? Ikakasal ka na tapos ganyang ang inaasal mo?" now it's my turn to shout out to him.

Magsasalita pa sana ako nang makita ko .... ang mga luha na tumutulo sa mga mata niya.

Inalog ko siya. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi ko siya maintindihan.

Sabi niya mahal niya si Nicole. Papakasalan pa niya ito. Pero ano tong ginagawa niya?

Nagsasayang ng oras sa isang katulad ko.

"Bakit sa dinarami-rami ng mga babae diyan ikaw pa ang pinili nito!? Bakit ka ba hindi lumayo?"

"Lucas, please." hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.

"Mahal kita Kass! Mahal kita! Bakit ba hindi pwedeng maging tayo? Bakit?" at dumarami pa ang kirot na nararamdaman ko.

Nagulat ako nang lumuhod siya sa buhangin at sa harapan ko, umiiyak.

"Pagod na pagod na ako. Pagod na akong masaktan. Pagod na akong magpanggap. Pagod na pagod na ako." at naririnig ko ang mga hikbi niya.

Lumuhod rin ako. At ngayon magkaharap na kami.

"Palayain mo na ako. Lumayo ka na." at tumayo siya at nagsimulang maglakad.

"Alam mo ba kung bakit ko inako lahat ang kasalanan ni Bryan?" natigilan siya.

"Dahil sa bawat araw, oras at minutong nakikita ko kayo ni Nicole, parang tinutusok ang puso ko. Gusto ko nang lumayo. Dahil Oo mahal kita, oo minahal kita. Pero parang huli na. Huling huli na." at yumuko ako.

Nagulat ako nang yakapin niya ako... at hinalikan.

° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °

Author's Note ♛

No Compilations. || No Softcopies.

No part of this story may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form, or by any means, shall face the prior consequences. This story is purely fiction. This is just a mere and pure imagination of the author. Sorry if there are grammatical errors /typos.

Chapter 26 ✍ -The Change of Hearts
Date Published: July 9, 2014 

ALL RIGHTS RESERVED 2014.
© alchemistofwords

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon