Chapter 01 ✍ - Psychology Class

48.2K 688 37
                                    

Kassandra 


Iniwan ko na lamang ang mga props na gagamitin para sa chamber theater contest namin dun sa storage room. 

Dumiretso agad ako sa first class ko kase nawalan ako ng ganang mag-rehearse.  Pagkapasok ko sa lecture hall namin, kaunti palang kami.



"Kassandra! Bakit ang aga mo?" tanong sa akin ni Micah - ka blockmate ko.



"Oo nga." tipid at matamlay kong sagot. 

"Diba may competition kayong sasalihan ngayon?" dagdag pa niya but I just nod.

Wala akong ganang kumausap sa mga tao ngayon. Napakarami ng iniisip ko. Hindi. Wala na. May sarili na kaming buhay at dapat kalimutan na ang nakaraan.

Nagpapasalamat na rin ako sa Diyos at nagka-amnesia si Lucas. Para makalimutan niya ang lahat ng mga masasakit na nangyari. Both of us should move on and continue our own lives. 

I hope hindi niya ituloy ang pag-aaral niya rito. Because for sure, maaalala ko na naman lahat. If only I can transfer into an another University if ever, gagawin ko. Pero mamimili pa ba ako na ang swerte-swerte ko na nga at nakakapag-aral pa ako.

After a couple of minutes, nagsidatingan na ang mga ka blockmates ko at pati na rin si Mish.Mabuti na lang at wala ng mga bakas ng luha sa mga mata ko. 


"Kass!" sigaw niya at agad siyang umupo at yumakap sa akin. Pero bakit parang bumibigat na naman ang pakiramdam ko na dapat ay gumagaan dahil mayroon akong isang kaibigang nandiyan parati sa aking tabi.


Pagkalas ng pagkakayap niya ay tiningnan niya ang mukha ko. "Hoy, huwag mo ngang iyakan ang lalaking yun!" sabi niya at nakita ko namang nagtataka ang mga kaklase namin.


"Hoy, huwag ka ngang maingay." Pasensiya na. Hoy lang talaga ang tawagan namin. Pero bakit parang naiiyak na naman ako? Pucha, hindi pwede! Tinawanan ko nalang para hindi matuloy 'tong luhang babagsak sa mga mata ko.


"Pasensiya naman!" at nagpatuloy kami sa pagtawa. Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang Professor namin sa Psychology, isa sa mga elective subject namin. Dahil sa freshmen palang kami ni Mish, wala pa munang mga Major subjects.


"Bonjour!" bati ng Prof. namin. Yang ang palaging bati niya. Bonjour means Good morning in French. She's a sophisticated woman with a bit of a blonde hair paired with those glittering smiles of her. Mabait siya at hindi harsh. She's in the mid-20's at hindi mo aakalaing may anak na siya.


"Good morning Prof." bati naming lahat. Kahit na isang buwan na ang lumipas ay hindi pa rin ako sanay sa buhay kolehiyo. Yung tipong maraming vacants pagkatapos ng isang klase niyo at hindi ka na rin gigising ng napaka-aga.


Kahit na freshman pala ako - kami ni Mish, ay napakahirap na mag-adjust. Hindi ko naman masyadong problema ang Acads, dahil na rin siguro na mas inclined ako ngayon sa mga orgs.

Well, I can say na active naman ako nung High School pero mas active ako ngayon. Halos lahat na siguro sinalihan ko na. Pinipilit ko nga rin si Mish pero ayaw niya talaga. May sinalihan rin naman siya pero kaunti lang. 


"So, our topic for today is about love." naghiyawan naman at nagbulung-bulungan ang lahat. Pagdating talaga sa love nagiging interasado ang lahat.

"So before I am going to relate love to Psychology, who can define love? May I hear from you, Ms. Mish Valdez?" akala ko hindi sasagot si Mish. Pero nagulat ako dahil ang dali-dali niyang nakatayo. Wow, just wow, Mish. Natawa nalang ako sa ikinilos niya.

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon