Chapter 10 ✍ - Kassandra vs. Sheena

57.4K 757 63
                                    

Kassandra ✍


"Good Morning Class." bati ni Prof. Carl na adviser namin.

Nakabalik na pala si Prof. galing sa France. 

May Expo. kase siyang pinuntahan para ipromote ang University.

"Good Morning Prof. ! Welcome back!" bati naming lahat.

"Well, thank you. You may now take you seat." paunang sabi nito. 

"I have an important announcement. The Dean has organized a 3-day camp for you all graduating Seniors. "

Nagsibulungan na ang iba sa tuwa at excitement. Ako naman, nagbabasa lang ng libro.

"And for this camp, we will have a friendly competition with the Swiss University. Para na rin may interactions sa both schools. And also, they volunteered to use the University's Beach." dagdag pa nito.

Swiss Beach? Are they serious? Ang mahal kaya dun !

Friendly competition? Is that even in the dictionary of  both university? I don't think so.

° ° ° ° ° ° ° 

CAFETERIA. Habang kumakain kami ng salad, napabuntong hininga nalang ako.

"Kass? Sasama ka sa camp? Sumama ka ha! Ang saya kaya nun!" sabi ni Mish.

"Kasama kaya lahat. It's required Mish. Hindi ka na naman nakinig kanina." sagot ko.

"Ah-eh, nakinig ako noh! Siguro, sa part lang nung sinabi ni Prof. yan. Excited na excited na kase ako!" and I saw sparkles in her eyes.

"At bakit naman? Ang boring kaya nun." sagot ko.

"Wala ba talagang excitement jan sa buhay mo? Hello? Maghaharap ang dalawang magkaribal na paaralan!" sagot nito.

"Well, walang bago. Mas maganda pa rin dito sa Riche." sabi ko.

"Sure? Akala ko ba sa Swiss ka magco-college? Dito ka nalang ba habang buhay sa Riche Univ. ?" paunang sabi niya.

"Swerte mo nga at may 100% chance kang makakapasa dun. Sabi nga ng tita ko, kapag high school, mas maganda sa Riche Univ. Pero kapag college ka na, mas maganda daw sa Swiss Univ." dagdag pa niya.

"Whatever." tipid kong sagot.

At nagpatuloy kaming dalawa sa pagkain hanggang sa ...

"Hey Kassandra." then I saw Sheena of course with her alalay slash pet slash alipin, si Katerina. 

Tiningnan ko lang siya at tinaasan ng kilay.

"Hoy Kassandra, wag na wag mong lalandiin si Lucas. For your informations, magiging fiancee ko na siya!" she said. 

"Owws?" sabi ni Mish.

"Huwag ka ngang mangingialam!" sigaw ni Katerina kay Mish.

Tumayo lang ako at aalis na sana ng hawakan ni Sheena ang kamay ko para pigilan.

"Bitawan mo 'ko." I coldly said. Nakatalikod na ako sa kanila ngayon.

"Akala mo ba hindi ko malalaman na nagdate kayo ni Lucas?!" sigaw niya.

Hinarap ko siya at sinagot.

"Anong pake mo?" diniinan kong sabi.

Pero nagulat ako ng nasampal niya ako.

Dun, nagising ang diwa ko.

"Ano lalaban ka pa?!" sigaw niya.

Nakita kong pinagtitinginan na kami ng mga kapwa naming mga studyante.

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon