Chapter 15 ✍ - A Little Braver

3.7K 47 24
                                    

Note: While reading this, search this song at pakinggan niyo  hehe.

New Empire - A Little Braver (Uncontrollably Fond 함부로 애틋하게) 


Kassandra ✍  

*fast forward

"Pwede ba tigilan na natin ang lahat? Tigilan mo na ang  mga kalokohan mo Lucas!" I shouted at him. Nasa isang park kami. He called me dahil gusto niya makipag-usap.

Dahil sa gusto ko nang tapusin ang lahat ng kung ano man ang may ugnayan sa amin, pumunta ako.

"Kass, please let me explain.." pagsusumamo niya sa akin. 

Aaminin ko. Oo mahal ko pa siya, oo siya pa rin, pero may mga bagay na hindi talaga pwede ipagpilitan ... dahil masakit na.

"Sasagutin ko na si Stefan. He's been courting me for three months already. And .. I .. care for him." sagot ko sa kanya. 

Tumalikod na ako at aalis na sana pero pinigilan niya ako. He grabbed my hand.

Pero nagulat ako sa ginawa niya. I never thought na gagawin ni Lucas yun. Isang Montreal ang nakaluhod sa harapan ko .. oo, lumuhod siya at umiiyak.

Gusto ko siyang yakapin pero pinipigilan ko ang sarili ko. And I will keep lying to myself until mawala na ang sakit. 

There's really no shortcut to forget someone. You just have to endure missing them everyday until you don't anymore at yan ang gagawin ko.

Pero kailangan kong maging matigas. Iwinasiwas ko ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko at umalis agad.

Ang sakit sakit na. "Mish, nasan.. ka?" tinawagan ko si Mish.

"Hoy, anong nangyari sayo? Okay ka lang ba? Nasaan ka?" sagot agad ni Mish. Alam ko busy siya ngayon pero sinagot pa rin niya ang tawag ko.

"Please meet me sa coffee shop sa pinupuntahan natin, please." patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Marami ang tumatakbo sa isipan ko. Pero panahon na para  tapusin na ang lahat. 

"Kass!!!" tumatakbo na papunta si Mish sa inuupuan ko at niyakap niya agad ako.

"Ano bang nangyari? Tsk." tanong niya. Kinuwento ko ang lahat sa kanya. 

"Kass, hindi ka bobo. Alam kong alam mo ang sagot sa lahat ng mga katanungan diyan sa isipan mo. " sagot niya at natigilan nalang ako.

"After all, siya ang dahilan kung bakit natuto kang magmahal ulit." sagot ni Mish.


Mish ✍    

"Sa cr lang muna ako sandali, hintayin mo inorder ko para sa ating dalawa Kass." sabi ko sa kanya. 

Pagkapasok ko sa comfort room, tinawagan ko agad si Lucas.

"Hoy! Wrong timing ka na naman! Bakit hindi ka nag consult sa akin bago mo kausapin si Kass! You wasted your chance." I said to him at natigilan siya. Hindi siya agad nakasagot.

"Mahal na mahal ko siya and you know that. Pero tanggap ko  na Mish, na wala na. Magiging okay rin ako. Hindi na ako magpapakita sa kanya, hindi ko na guguluhin ang buhay niya, hinding-hindi na ....at salamat sa lahat ng supporta at pagtiwala mo sa mga sinabi ko."

"Lucas --!!" at binabaan na niya agad ako. Alam kong masakit na masakit rin para sa kanya.

Nung una, ayoko si Lucas para kay Kass, para sa bestfriend ko. Pero hindi ako makapaniwala sa mga nagawa ni Lucas.

Maraming hindi alam si Kass na mga mabuting ginawa ni Lucas sa buhay niya noon up until now. At ako lang ang nakadiskubre sa lahat. 

Ako lang ang may alam. I confronted Lucas before and he admitted pero ayaw niyang sabihin ko kay Kass..

And above all, nagawa lang lahat ni Lucas yun, out of love. 

At dahil rin sa pagmamahal niya kay Kass kung bakit niya nakayang pakawalan siya noon, dahil magiging delikado ang buhay ni Kass kung hindi niya ginawa ang dapat niyang gawin.

Panahon na ba para sabihin ko lahat kay Kass?

° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °

Author's Note ♛

No Compilations. || No Softcopies.

No part of this story may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form, or by any means, shall face the prior consequences. This story is purely fiction. This is just a mere and pure imagination of the author. Sorry if there are grammatical errors /typos.

Chapter 15 ✍ -A Little Braver
Date Published: August 02, 2016

ALL RIGHTS RESERVED 2014.
© alchemistofwords

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon