Chapter 19 ✍ - Transferee

51.7K 755 71
                                    

Kassandra ✍

"Ah-eh, allergy ako sa Italian foods eh." alibi ko.

"Ah ganun ba?" sabi niya.

"Oo, sa iba nalang tayo." suggestion ko.

Mabuti nalang at hindi nakita ni Stefan sina Nicole at Stefan.

At nabaling ang atensyon niya.

Kumain nalang kami sa isang Japanese Restaurant which is Stefan's favorite.

"Nabusog ka ba?" tanong niya.

"Oo naman." at nginitian ko siya. 

"Ako nga rin eh. Busog na busog na busog." at nagtawanan kami.

"Saan pa tayo pupunta?" tanong niya.

"Ah, uwi na tayo." sabi ko.

Tiningnan niya ang relo niya at sumagot.

"Ang aga pa. Mamaya na. Punta muna tayo dun." at tinuro niya ang isang clothing store.

"Sige na nga." sagot ko. 

° ° ° ° ° ° °

Lucas ✍

"Ayoko pang umuwi. Saan kaya tayo pwede pumunta?" sabi ni Nicole.

Naiirita na ako sa kaartehan niya ngayon. 

Hindi naman siya ganito dati.

At hinatak niya ako. Naglakad lang kami ng naglakad at dinala niya ako sa isang sikat na shoe store.

Hinayaan ko lang siya dun at nagsimula na siyang magsukat ng mga sapatos.

Lumabas lang ako dahil hindi ko tipo ang mga ganitong bagay.

Paglingon-lingon ko, napako ang aking mga mata sa isang clothing line.

At nakita ko si Stefan ... kasama si Kassandra.

Namimili ito ng damit para isukat kay Stefan.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. 

Hindi. Hindi ko na siya mahal.

Galit at poot lang ang nasa puso't isipan ko ngayon.

Nakita kong lumingon dito si Kassandra at nagtagpo ang mga mata namin. 

° ° ° ° ° ° °

Kassandra ✍

Habang namimili ako ng damit, napalingon ako at nakita ko si Lucas.

I know he's staring at me. That glare and death look.

Umiwas ako ng tingin at binaling na lamang ang aking atensyon kay Stefan. 

° ° ° ° ° ° °

KINABUKASAN. Parang wala yata ako sa mood mag-aral ngayon. Himala at nakakaramdam ako ng ganitong feeling.

"Kass, bakit ang tamlay mo." tanong ni Mish.

"Pagod lang ako." sagot ko.

"Eh ano ba kasing ginawa mo kahapon?" tanong niya.

"Namasyal ako sa Mall kasama si Stefan." pabulong na sagot ko.

"WHAAT? With STEFAN!?" sigaw niya na narinig ng lahat.

At nagtagpo na naman ang mga mata namin ni Lucas.

Ano ba? Wala na bang katpausan 'to?

As usual, umiwas na naman ako ng tingin.

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon