Chapter 21 ✍ - The Dirty Strategy

49.7K 764 43
                                    

Kassandra ✍


"Tssk, kung maka-asta ka parang ikaw ang nagmamay-ari ng University. Di hamak na mahirap ka lang naman." sumbat ni Nicole. 

"Well, incase you didn't know, I am the President of the Student Council. And I can kick your ass to the Guidance Office for counseling because of your stupid behavior." sagot ko sa kanya.

Nakakasawa na ang mga ganitong pangyayari.

Alam ko kung saan ako lulugar.. Hindi ako nagpapaka-assuming na mayroon kami.

Nagpapalibre nga ako diba? Tssk. 

"Huh, do you think I'm afraid of that?" tinaasan niya ako ng boses  at tinaasan niya rin ako ng kilay. 

Nagtitinginan na ang mga studyante. Eskandalo na naman 'to. Tssk.

"You better be." at tinawag ko si Mish para umalis na kami.

"Let's go. We're just wasting our time here." at umalis kami agad.

° ° ° ° ° ° °

KINABUKASAN. Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng Jeep, may nakasalubong akong isang matandang babae.

Pero nung nalagpasan ko na siya, nabigla ako nang may humawak sa braso ko.

"Hija." sabi nito.

"Ah bakit po?" tanong ko.

"Pwede ba kitang hulaan?" tanong niya rin.

"Para san po?" sagot ko.

"May naramdaman lang akong kakaiba." sagot niya rin.

Wow, natakot ako dun ah. Pero pinagbigyan ko na lang si Manang.

Maaga pa naman kase. Ayoko namang maunang pumasok dun sa classroom.

Umupo kami sa isang mataas na upuan.

"Maaari ko bang makita ang iyong palad?" at inabot ko ito sa kanya.

Ilang minuto pa, eh natapos na rin siya.

"Hija, bakit ka may takot?" tanong niya na ikinagulat ko.

"Takot po? Saan?" tanong ko.

"Basta. Ang maipapayo ko lang sayo, huwag kang matakot subukan ang lahat. Magtiwala ka dito." at tinuro niya ang dibdib ko.

"Ah, sige po. Mauna na po ako. Salamat." yung na lang ang nasagot ko.

Napapaisip pa rin ako sa sinabi niya. Na parang binabagabag ako ng isipan ko.

 ° ° ° ° ° ° °

Absent ang two Profs namin. Kaya halos lahat ng oras eh, vacant kami. 

Kaya naman napag-isipan kong magpahangin sa rooftop.

Pagkarating ko, nandun rin pala siya.

Akala ko may pinuntahan sila ni Bryan kanina. -.- 

At tska, hindi niya kasama si Nicole. 

Nakabuntot kase yun parati sa kanya.

"Bakit ka na naman ba nandito." sabi niya kahit hindi man lang lumingon.

Umupo ako habang siya nakasandal at tinatanaw ang paligid. 

"Akala ko kase wala ka rito dahil may pinuntahan kayo ni Bryan kanina." sagot ko.

"So iniiwasan mo ko." sabi niya.

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya.

"Ayoko lang magtagpo na naman ang landas namin ni Nicole. Ang alam ko kase, parati kayong magkasama." sagot ko.

"Tss." famous line na naman niya.

"Bakit ba ang init ng ulo niya saken ngayong mga nakaraang araw? Ang angelic aura niya pa nung una pero may tinatago rin pala." prankang sabi ko.

"Nakita niya nung bumaba ka sa kotse ko kahapon." sagot niya.

Whaaat? So nakita niya talaga yun? Akala ko hindi. ><

"Hindi ka man lang nag-explain?" sabi ko.

"Hindi. Why should I defend you."he sarcasticaly said.

"Wow ha, ikaw kaya pumilit saken." 

Hindi siya sumagot at patuloy na nabalot ang paligid ng katahimikan.

Hanggang siya siya rin ang nagbasag nito.

"You're invited." sabi niya.

"Ha? Saan?" tanong ko.

"Sa kasal namin."

At nagsimula na siyang maglakad papalayo.

Masaya ako at nahanap na niya ang karapa't-dapat na para sa kanya.

° ° ° ° ° ° °

"Kaaaas!" pagbaba ko sa rooftop napalingon ako at nakita kong papunta si Bryan sa kinaroroonan ko.

"Bakit? Ano bang nagyayari sayo?" hindi pa siya makasagot kase hinahangos pa siya at hinahabol ang kanyang hininga.

"Halika bilis!" at hinatak niya ako.

Dinala kami sa aming pagtakbo sa likod ng school.

Wow ang ganda pala rito. Bakit ko to hindi alam?

May garden at ang daming butterflies!

Pero nagulat ako ng makita ko sina Mish at James.

"Wait ... Ano bang klaseng pagtitipon to?" natawa nalang ako.

Umupo na rin ako kasama sila.

"Nag-uusap lang kami ng plano."

"Wait .. anong plano?"

"Plano para mawala na ang babaeng kutong lupa." sagot ni Bryan.

° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° ° °

Author's Note ♛

No Compilations. || No Softcopies.

No part of this story may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted, in any form, or by any means, shall face the prior consequences. This story is purely fiction. This is just a mere and pure imagination of the author. Sorry if there are grammatical errors /typos.

Chapter 21 ✍ - The Dirty Strategy
Date Published: June 16, 2014 

ALL RIGHTS RESERVED 2014.
© alchemistofwords

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon